11

2018 Words
Siguro sa lahat ng babaeng pinagpala, ako ang isa sa mga yon... kung matatawag man na ganoon. “I’m sorry, Kevin. Di ko naman talaga intensyon na saktan ka. Pero sana tigilan mo na ‘to. Ikaw lang ang masasaktan sa huli.” Iyon na lang ang sinabi ko kahit nangangati na ang dilang magsabi ng totoo. Mapapahamak ako kapag ginawa ko iyon. Simula nang sinabi kong break na kami e hindi na ako tinantanan. Mula sa out sa trabaho hanggang sa enrollment ng second semester. Ayaw ko namang mapahiya ito kaya sumasama-sama na lang ako. Noon lang din ako unang nakakita ng lalaking umiyak. Nagsituluan talaga ang mga luha nito, na siyang ikinataranta ko. Hindi ko alam kung anong alo ang dapat kong gawin. Dahil kapag umayon ako sa gusto nitong makipagbalikan, pareho lang magiging unfair sa’ming dalawa. “May nagugustuhan ka bang iba?” Sinisinok na tanong nito. Parang bata na hindi maipinta ang mukha nito, basa pa rin ang pisngi. “A-ano ka ba! Wala! It’s just that— ako ang may problema Kevin. Walang problema sa’yo... sadyang hindi lang kita ganoon kagusto.” Umiiwas na sabi ko rito. Ramdam ko iyong hinanakit sa buong paligid. Alam ko naman e na nasasaktan ko si Kevin. Kaya lang mas masakit kapag nalaman nitong nakikipaghalikan ako sa ibang lalaki. Mas malalang halikan... ayaw ko naman noon, ayaw ko ring bumaba ang self esteem nito. Hindi na kasi talaga tama. “Okay... n-naiintidihan ko Hanana.” Siguro sa susunod ayaw ko munang magboyfriend. Natrauma yata ako sa nangyari sa’min ni Kevin. Ayaw ko namang makasakit ng tao, lalo na emosyunal. Baka hindi na ako makatulog at bangungutin ng sariling konsensya. Pagkatapos ng opisyal na break up e nagulat ako pagkapasok galing eskwela ay may nagpapabigay ng sandamakmak na regalo. E tapos na ang bagong taon, kaya hindi ko maintindihan iyon. Mabuti na lang kahit break na kami ni Kevin hindi naman nagtatampo si Ma’am Bessy. Alaskador pa rin. Ganoon. Panay ngang tulak sa akin sa isang manliligaw na talagang hindi ko pinapansin. Traumatized na ako... at ayaw ko na! “Habang tumatagal Hanana, mas lalo kang gumaganda. Pak sa balakang! Day, mamahagi ka naman!” Tawanan ang mga kasama namin sa isang table. Nakauniporme pa ako at hindi na nakapagbihis ng nagtrabaho sa Munisipyo... pagkatapos pagka-out e nagyaya sina Ma’am at dadaan lang daw sandali don sa inuman. Hindi rin naman ako iinom pero sinamahan ko na lang din. “Hanggang ngayon iniiyakan pa rin ito ni Kevin eh. Ewan ko ba at ano ang pinakain nito doon. Ay tama!” Ngumingising may napagtanto si Ma’am Bessy, Namumutla naman ako lalo na at awkward sa akin ang ganitong usapan. Mali pa yatang sumama ako rito, ako ang nasasabon. “Maganda ka talaga Hanana. Iyong ganda na nakakaakit at sadyang hindi nakakasawa. Marami ka pang mapapaiyak na lalaki.” Halakhak nito. Siguro para sa iba nakakadagdag confidence iyon. Pero para sa’kin, isang sumpa na dapat lipulin. Sumpa talaga dahil nang sumunod na mga araw halos maiyak ako habang nakatitig sa isang lalaking nakasunod ang mga mata sa’kin. Mula sa pagsakay sa tricycle mula eskwelahan hanggang sa pagbaba doon sa kabilang entrance ng Munisipyo. “Psst, Miss! Miss! Sandali, suplada naman nito!” Tawang-tawa ito habang sumisipol at alam kong nakasunod sa akin. Lakad takbo na ang ginawa ko at muntik pang nadapa. Nanginginig ang mga kamay ko habang humihinga nang malalim sa tabi nitong entrance. Para akong bangungutin ng gising. Hindi ko maintindihan kung bakit may ganoong klasing tao. Na kayang manakot sa pamamagitan ng pambabastos. “Hanana, are you okay?” Kunot na kunot ang noo ni Mayor nang nalingunan ko. Kasama na naman nito ang madalas nitong mga bodyguard. Tahimik silang nakatunghay sa likod habang puno naman ng pag-aalala ang nakarehistro sa mukha ni Mayor. Napalunok na lang ako at sumilip sa likod. Kahit walang matanaw, kinakabahan pa rin ako. Pakiramdam ko nandiyan lang sa likod iyon. Siguro sumisilip din. Napahawak na lang akong nanlalamig sa braso ni Mayor. Mas lalo tuloy itong nagtataka. “M-may nakasunod...” ang tangi ko na lang nasabi. Lumingon ito... pinasadahan ang buong paligid. Mukhang naiintindihan din nito ang tinutukoy ko. “Cabagbag, pakitawag si Gomez... may iuutos lang ako.” Saka ako nito hinila papasok at dinala sa itaas. Nanginginig pa rin ako sa takot. Pakiramdam ko nakasunod pa rin ang mga mata ng taong yon. Bakit ba may ganoong klasing tao? “Ihahatid at sundo kita, Hanana... namumutla ka sa takot.” Bulong nito habang inaayos ang upuan dito sa tabi ng mesa niya. Hindi naman ako makasagot. Ayaw ko ring sumalungat dahil pakiramdam ko magiging mali iyon. Sana nga lang magiging safe ako roon, ayaw ko kasing magkaroon ng anxiety... nakakatakot at nakakabaliw ang ganoon. “Dito ka muna, bababa lang ako. Please lock the door...” Isang tango ang nagawa ko bago nanghihina na naupo roon sa sofa. Hinintay ko si Mayor, kahit gaano pa man katagal. Iyon nga alas dos e bumalik ito at kumatok sa pintuan. Mabilis akong lumapit doon at pinagbuksan ito. Ngumiti ito ng tipid at sinabing okay na... nadakip na ang lalaki dahil hindi pa nga raw nakakaalis doon. Bumadya tuloy ang takot ko at hindi nakaimik habang nakatitig sa kanyang nakahaplos sa ulo ko. “You are still scared, you’re shaking Hanana...” bulong nito. Umupo nga siya sa sofa, sakop na naman nito ang higit sa kalahating upuan. Saka nito hinigit ang braso ko at mabilis na napakandong ako sa kanya. Para akong tuod na hindi nakakapagsalita. Tahimik lang ako habang nakapulupot ang braso ni Mayor sa bewang ko. Hinaplos nito ang likod ko. Ang awkward naman, nakauniporme pa man din ako. “Ihahatid kita mamaya, but you’ll stay extra longer than your regular out.” Bulong nito. Tumango ako, okay na iyon kesa lagi akong matatakot. Totoo ngang bumalik kami kaagad sa mga trabaho. Pagkatapos ng dalawang oras at tapos ko na rin naman lahat ng trabaho e lumabas ako at nagtanong sa kanya kung may gagawin pa ba ako o wala na. No’ng umiling ito eh naupo na lang ako sa sofa at nagbuklat ng notebook. Nagmememorize kasi ako at ang nakakatawa pa eh may papikit-pikit pa akong nalalaman. Nahihirapan talaga akong magmemorize at totoong mahirap din akong makaintindi kaagad. “Hanana, may paparating na delivery mamaya. Kumain ka muna bago tayo umuwi.” Ngumuso ako at tumango saka nilipat sa ibang pahina ang notebook. Iniintindi ko nga ng mabuti no’ng may kumatok at napatalon ako sa gulat. Isa lang pala sa mga BG ni Mayor at iniaangat ang mga supot. Na siguradong pagkain ang laman. Ako na ang nagbukas at kinuha ang mga yon saka nagpasalamat. Lumapit ako sa adjacent na table ni Mayor at nilapag doon ang mga pagkain. May pangdessert at syempre hapunan na yata iyon kasi may kanin. May softdrinks din doon na sobrang lamig kaya siguro nakakaganang kumain mamaya. “Eat, Hanana. Tatapusin ko lang ito.” Umiling ako at sinilip ang kakaunting papeles na nandoon sa tabi nito. Lumapit ako at sinilip ang ginagawa niya. Napatingala pa nga ito at nagpipigil ng ngising yumuko bago umiling. Binasa ko nga at iniintindi. Naiintindihan ko naman dahil madalas ko ring trabaho iyan. Mga complaints yata at iba’y proposal sa kung ano. Pansin kong iniiba ni Mayor ang mga papeles na hindi pinirmahan. Mukhang rejected iyon. Pagkatapos ng tatlong papeles eh tumayo na ito at uminat. Mukhang tapos na sa trabaho, papagabi na rin kasi at medyo nakikita namin ang dilim sa labas. “Kain muna tayo bago umuwi...” ngiti nito. Tumango ako at naupo sa harap ng table. Doon naman sa likod si Mayor at binuksan ang mga laman. Tinulak nito ang para sa akin kaya nahihiyang binuksan ko iyon. Palakuwento nga ito at madalas puro kwela. Sinabi ko nga sa kanyang wag naming pag-usapan iyong buhay ng ibang tao kahit na nakakatawa lang iyon. “Si Bogi nga eh hindi alam na lalaki iyong katext, nahuli niya lang ng nakasabay sa bus at nasilip na puro conversation nilang dalawa ang nandoon. Eh nasa likod siya, malaking mama kaya silip na silip talaga ang palitan ng text.” Nabibilaukan nitong sabi. Ako nga e naubo at natawa na lang din. “Bakit kasi yong mga tao eh madaling mainlove kahit text lang... hindi ko maintindihan.” Komento nito. “Bakit Mayor? No’ng kabataan mo ba eh hindi mo nasubukan iyon?” Hamon ko rito. “Ha? I don’t text Hanana... mas gusto ko ang meet up.” Nag-init ang tenga ko at napatitig sa kanya. Ewan ko ba, pagdating dito dumudumi ang isipan ko. Pakiramdam ko ibang meet up ang tinutukoy nito. “Meet up kaagad? Paano kung hindi magclick? E di sayang ang isang gabi.” Komento ko rito. Sandaling nangunot ang noo nito hanggang sa napahagalpak na ng tawa. Kita ko ngang mas lumiwanag ngayon si Mayor. Di mababanaag ang mga problema at trabahong hinaharap araw-araw. “Hanana, hindi sa bawat meet up ay may nangyayari. Mahirap magkasakit.” Mas lalo tuloy nag-init ang pisngi ko at kahit nandoon ito eh napahawak na lang ako sa pisngi ko. Paano ko ba ipapaliwanag na ganoon ang pagkakakilala ko sa kanya? Sa tabas pa lang ng pananalita at kung paano ako tratuhin nito e talagang alam kong sanay ito sa babae. Paano ko naman itatama ang nasa isipan ko kung yon na agad ang nakatanim? “Saka zero s*x life na ako simula pa no’ng natapos ang eleksyon.” Nabilaukan tuloy ako at umubo talaga. Si Mayor nama’y tawang-tawa. Naglalaro naman sa isipan ko ang ideyang imposible naman yata iyon. He’s a man, afterall... imposible talagang wala. Magto-two years na itong walang ganoon? Imposible! Sa itsura pa lang nito at sa laki ng katawan pakiramdam ko eh ibang level yata ng libido ang meron ito. “Kita sa mukha mo ang hindi makapaniwala, Han... mukha ba talaga akong ganoon? Sa dami ng trabaho at problema Hanana wala na akong oras para mag-isip ng ganyan. But sometimes, pag sumasagi sa isipan ko ang taong yon... I can’t help but to play with myself.” Parang umuusok yata ang tenga ko. Mainit na mainit ang pisngi ko sa usapan. Natigilan na nga ako sa pagsubo at nakatitig na lang kay Mayor. Parang iba rin ang pagkakaintindi nito. Inakala yatang interesado ako at tinuloy-tuloy ang topiko. “Normal sa lalaki iyon, Hanana. Pag walang babae ay natututo na lang kaming magsarili. Kayo ba?” Ngisi nito habang malalim ang titig sa akin. Napaawang ang labi ko at parang umaaksyon na maninigaw. Hindi ako makapaniwala na tinatanong niya ako ng ganyan. Ang awkwardddd! Mahabagin! “M-mayor! Wala ah! Hindi ako naggaganyan!” Nangangasim na sabi ko rito. Natawa ito, iyong halakhak talaga. Mas lalo akong natahimik at napapahiya. “Sure? Kahit finger?” Nalaglag ako sa upuan. Hindi ko alam kung paanong nangyari iyon. E wala namang butas itong inuupuan ko at nakaayos ang upo ko roon! Siguro sa gulat kaya ganoon. Umalingawngaw ang tawa nito sa buong office. Nanginginig naman akong naupong muli at tinitigan itong naiiyak sa katatawa. Niluho ang bibig dahil sa pagpipigil ng init. Pakiramdam ko e sasabog ako ng dahil sa mga tanong nito. “Mayor ah?! Nakakainis ka! Wag mo nga akong matanong-tanong ng ganyan. Nakakahiya kaya...” mahinang sabi ko. Natatawa na lang itong tumango. Akala ko e magiging ganoon na lang dahil tahimik naman itong kumakain. Nakikiramdam na lang din ako sa paligid at tinitimbang ang nangyayari. Iyon nga lang mabilis lang natapos ang pag-iisip ko nang nagtanong ito. “Did Kevin touch you anywhere? Kung oo, kulang yata ang pagbabantay ko sa’yo noon.” Laglag ang panga ko at napatitig sa kanyang kunot naman ang noo. “Hindi ah! Wala! Mabait naman iyon!” “Good! Sige mag-ayos ka na at uuwi na tayo.” Utos nito bago pangisi-ngising ibinaba ang mukha para humalik sa labi ko. Ako nama’y tulala lang nakasunod sa kanyang nagliligpit ng mga pinagkainan namin. Ha?! Ano ba ‘tong ginagawa ni Mayor? Bakit laging may halik pagkatapos na kumain? Kadiri ah! At nakakainis!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD