12

2043 Words
Nanlalamig ako sa tuwing sinusundo sa eskwelahan ni Mayor. Hindi ko alam kung nagiging issue na ba ang laging pagtapat ng isang magarang sasakyan dito tuwing uwian. Mabuti nga eh hindi iyong sasakyan sa Munisipyo ang ginamit, kundi nagkalintikan na! At pag umaga, si Mayor ang dumadaan sa bahay para ihatid ako sa eskwelahan. Sa hapon nama’y ganoon din. No’ng tumagal-tagal na eh sinabi ko na sa kanyang, “I think, okay na ako Mayor. Pwede na akong magcommute ng mag-isa.” Sabi ko rito, dalawang buwan pagkatapos ng pasukan. Birthday ko na nga next week eh at plano ni Mama na magpadala panghanda raw, magcelebrate daw kami kasi proud nga raw na nakakapag-aral ako kahit walang galing sa kanila. Nagdadrama yata dahil malapit ng matapos iyong kalbaryo sa mga utang ni Papa. “No, I insist. Di pwedeng hayaan kitang mag-isa Hanana. Lalo na at aalis ako bukas.” Napatitig tuloy ako ng matagal sa kanya. Yumuko ito para magsulat ako nama’y napailing. Oo nga naman, nakalimutan ko bang si Mayor ito kaya syempre matic ng lagi itong may lakad. “Birthday ko po next week Mayor, maghahanda kami kaya pumunta ka ah? Isama mo na rin sina Kuya Lando at Kuya Dindo. Iinvite ko iyong ibang mga ka-close ko rito. Kaya aasahan kita.” Tumingala ito at tumango. Pagkatapos ay bumalik na kami sa kanya-kanyang trabaho. Nang out na nga eh hinintay ko na naman itong matapos dahil sabay kaming uuwi. Kinabukasan maaga pa lang ay sinundo na ako nito. Mabuti katatapos ko lang kumain kaya diretso kaagad. Habang nasa byahe e nagtatanong ito tungkol sa date ng birthday ko. Kung may theme ba raw o may kailangan ba raw gawin. “Hindi, okay na Mayor kahit wala. Simpleng handaan lang talaga iyon.” Tumango ito at sinabing asahan niya raw ang mga ‘to na pupunta talaga. Kahit ang dalawang bodyguard eh nanunuksong pupunta talaga. Si Kuya Dindo na bodyguard s***h driver nagtanong pa kung pwedeng magdala ng anak. Tumango ako at nanukso ba naman. Doon ko naisip na mukhang hindi naman ginagawan ng issue ng mga tao sa paligid ang pagiging close namin ni Mayor. “Itetext or tatawagan kita, ipapahatid pa rin kita sa kabilang sasakyan. May driver roon... baka matagalan bago ako makauwi. O baka nga bukas pa.” Bulong nito, hindi yata napapansin ng dalawa dahil nag-uusap tungkol sa kung ano at hinihintay muna akong bumaba. “I want to kiss you but there are eyes...” Nag-init na naman ang pisngi ko kaya nagmamadaling lumabas. Tulad no’ng mga araw, busy din sa eskwelahan lalo na at pressure talaga. Gawa siguro na halfday lang ang classes kaya ganoon. Medyo nakakaintindi pa naman ako, so far wala pa naman akong bagsak. Average kumbaga ang mga nakukuha kong grades... pero pwede na iyon. Naging abala rin ako kinahapunan. Ni hindi ko pa nga nakikita si Ma’am Bessy dahil umakyat na kaagad ako para maumpisahan ang trabaho. Pati ibang drafts mula kay Mayor ay ako na ang gumawa. Binalik ko lang sa kanya ang papel nang nakagawa na ako ng bago. Pagkatapos eh naglinis ako ng kaunti... dapit alas 5 ay umuwi na ako at tama nga sa hula kong totohanin ni Mayor ang sundo. Babae ang nagdadrive, nagulat akong ganoon. Iba naman kasi ang sumundo kanina sa’kin do’n sa eskwelahan. “Ate, nasa’n po si Kuya Fernan?” Usyuso ko rito. Lumingon muna ito ng isang beses bago nagtataka ang mga matang napatitig muli sa akin. “Ma’am, di niyo po ba alam?” Alangan na tanong nito. Ako na naman tuloy ang nagtataka. Ano ang hindi ko alam? Syempre wala talaga akong alam. E hindi ko naman katawagan si Kuya Fernan at lalo na ang text kapag pauwi na. Awtomatikong sinusundo na kaagad ako nito sa Munisipyo at sukat na nito ang oras. Minsan lang din nangyayaring sinusundo ako nito dahil laging kay Mayor ako napapasabay. “Ano ba iyon?” Tanong ko na rito. Mukhang may pag-aalangan sa kanya. Ngunit sa huli ay sinabi nito ang nagpalamig sa kalamnan ko. Kaya rin wala si Kuya Fernan dahil humalili bilang driver at utusan doon sa hospital. “S-s-si Mayor? Okay lang ba siya?” “May mga bali Ma’am! Pero nasa stable na condition na raw. Kapag umokay siya after 3 days baka ibababa na rin para sa bahay na lang makapagpahinga.” Tumango ako at tuluyan na ngang nanigas ang lalamunan sa kaba at pag-aalala. Mas malala nga raw ang inabot ng dalawang bodyguard. Nabali ng tuluyan ang isang paa ni Kuya Lando, si Kuya Dindo nagkaproblema sa mga mata dahil tinamaan nga raw ng bubog. Tumabingi nga raw pati ang bibig dahil sa lakas ng impact. At mabuti walang nalagas. Iyon nga lang hindi ako makatulog sa pag-iisip. Mabuti na lang weekend at sa bahay lang ako. Atat na nga akong umalis para bisitahin si Mayor. Ang tanong nga lang, pwede kaya iyon? Siguro pwede! Sasabihin kong sekretarya ako nito at syempre normal na bumisita. Bumangon na kaagad ako sa hinihigaan at naligo sa ibaba. Pagkaakyat e nagsuot lang ako ng t-shirt na may malaking labi sa gitna at short-shorts na maong bago tumawag doon sa bagong driver. Mabuti na lang kinuha ko kahapon, kundi wala akong mapagtatanungan. “Ma’am doon po sa Bernardo Hospital.” Sabi nito. Sa City lang kaya mabilis sigurado ang byahe mamaya. Syempre nilabas ko muna ang ipon at tumungong sentro para mamili ng tatlong basket ng prutas. Ubos nga kaagad ang ipon ko, di bale na lang. Pagkababa sa town proper e nagtawag ako ng tricycle na maghahatid sa akin palooban. Doon mismo sa hospital. Hindi naman naging sobrang strict ng hospital. Hinayaan naman ako kahit hanggang doon sa reception. Tinanong ko kung saan ang room ni Mayor pati ang dalawa nitong bodyguard. “Naku Ma’am, puno pa po kasi sa itaas. Kinokontrol pa po namin ang mga tao. Kung maaari pwede po bang pakihintay na lang hanggang sa mabakante?” Napilitan akong tumango kaya doon na lang ako sa lounge area naupo. Panay nga ang bantay ko sa elevator, binibilang ko naman ang nga taong papasok at palabas. Hindi gaanong karamihan ang bumababa. Kaya tumagal ako roon ng dalawang oras bago napansin ang pagbaba ng mga media. Marami iyon kaya siguradong bakante na sa itaas. Lumapit akong muli sa receptionist at nagtanong kung anong room si Mayor. Kita niya namang pwede na akong umakyat dahil tulad ko e napalingon din ito sa pagdagsa ng pagbaba ng mga bisita. “Pakifill up po muna Ma’am ha, VIP po kasi ang bibisitahin niyo. Pre requisite po.” Panandalian lang naman ang ginawa ko roon. Nilagay ko ring sekretarya ako kaya dapat talagang hayaan na lang nila akong umakyat. Pagkakuha ko sa floor at numero ng private room ng tatlo eh nag-elevator na kaagad ako. Nag-inat inat muna ako sa loob dahil sa pangangalay. Tatlong basket ba naman ng prutas ang dala ko kaya pati braso talaga e nanakit. Unang pinuntahan ko ang silid ni Kuya Lando. May batong nagtatalon-talon doon sa sofa at may edad na babaeng nakaupo sa tabi noon. Kita ang pag-aalala sa taong nakahiga na ngayon nga’y putol na ang isang paa. Nahabag ang puso ko sa nakikitang sitwasyon. Parang pinipiga ang puso ko habang nakatitig sa natutulog na si Kuya Lando. Ang asawa yata nito ang lumapit sa akin at nagtanong kung kakilala ko ba raw si Kuya Lando. “Secretary po ako ni Mayor, Ma’am. I hope Kuya Lando will get better.” Inabot ko sa kanya itong isang basket ng prutas na punong-puno. Nagpaalam din kaagad ako at sinunod ang silid ni Kuya Dindo. Tulad din ng kay Kuya Lando ang silid nito, puting-puti at may maliit na sofa. Private room din yata ito. Gising ito pero hindi nakakapagsalita. Kasama nito ang isang binata. Parang kaedaran ko yata at nahihiyang lumapit sa akin para magtanong. “Secretary po ako ni Mayor, may ibibigay lang ako.” Nahihiya pa itong tumanggap noong una. Ngunit ipinilit ko at nagpaalam din kaagad. Gusto ko na talagang makita si Mayor. Nag-aalala ako para rito. Iyong sitwasyon ng dalawa malala na nga eh, paano kaya kung malala rin ang kay Mayor? Hindi ko alam. Nagkagulatan pa kami ni Lopez. Nandoon ito sa labas ng pintuan at dalawang pulis ang nagbabantay. Maya’t maya ay unti-unti itong napapangiti. Iyong ngiti na parang ewan. “Ma’am Hanana, bibisitahin niyo po si Mayor? Lalo kayong gumaganda ah?” Puri nito. Hilaw naman ang naging ngiti ko at tahimik na tumango. Nakangiti rin ang isang pulis na kasama nito bago binuksan ang pintuan. “Brad, babae ba yon ni Mayor? Ang ganda, sobra.” Narinig ko pang sabi ng isa. Naninindig naman ang balahibo ko sa kilabot. Pakiramdam ko e bumabalik sa akin iyong takot ng may sumusunod sa akin noon. “Hindi ah! Sekretarya niya iyon!” Huling rinig ko mula sa labas. Napatitig naman ako kay Mayor na nakatitig din pala sa akin. Gising na gising. Napalakad tuloy ako nang mabilis para malapitan ito at mailapag na rin ang dalang prutas. Walang katao-tao sa loob. Siguro dahil tapos na ang pagbisita. Nag-aalala naman akong nakatitig dito na may cast na sa isang braso at ang isang paa eh nakataas. May benda rin. “Kakatapos ko lang operahan kahapon. I didn’t expect you to visit me here.” Natatawang saad nito. Ngunit tumigil din dahil parang nakakaramdam yata ng pananakit ng katawan. Tikom naman ang bibig ko at nahahabag sa sitwasyon nito. Tumalikod nga ako at naghanap sa palibot ng mga gamit at may nakitang kutsilyo sa isang tabi. Naupo ako pagkabalik at tahimik na nagbalat ng singkamas. Kumuha na rin ako ng lalagyan para doon ilagay ang nahiwa na. “Nawalan ng preno iyong nakasalubong naming SUV. Napuruhon iyong dalawa. I was fine at first but we found out that I have fractures.” Tuloy nito. Tahimik pa rin ako at tinapos ang paghihiwa. Kumuha rin ako ng grapes at kinuha sa maliliit na sanga at nilagay sa tabi ng lalagyan. “What about the two? Did you visit them? How’s there situation?” Tanong nito. Noon naman ako tumingala at tumitig sa gwapo nitong mukha. May kaunting galos sa noo nito. Maliban doon ay wala na maliban nga sa mga bali. “M-malala,” nanginginig na sabi ko. Noon naman nito napansin ang takot na pinipigilan ko. Nag-aalalang inabot ng isang kamay niya iyong ulo ko at hinaplos haplos. Doon naman nanginginig ang labing pinakawalan na ang hangin na puno ng kaba. Hindi naman ako umiyak pero alam kong kabadong-kabado ako sa nangyari. “Kumain ka ah? Kailangan mong gumaling Mayor.” Sabi ko at inabot ang lalagyan. Kumuha naman ito. Expected ko pa naman sanang manglalambing ito at magpapasubo. Nagpigil na lang ako ngiti at tinitigan itong namumula at medyo namasa ang labi dahil sa prutas. Pagkatapos no’ng medyo kalahati na e humiwa na ako ng mansanas. Alas doce yata ng nakaramdam ako ng gutom at tumayo para magpaalam. Pinigilan naman ako nito at hinawakan sa braso. “Stay here. May pagkaing dadating mamaya.” Tumango na lang ako at pagkalapat ng pang-upo e dumating nga ang pagkain. May nakalaan kay Mayor na galing sa hospital at ang sa akin ay galing sa fastfood chain. Sinamahan ko itong kumain, mga ala una e bumisita ang doctor nito. Mga nasa 50’s na yata iyon at panay ang titig sa akin. Nahihiya nga akong gumilid. May dalawang nurse rin ang nandoon. Paano ba naman e VIP itong nandito kaya todo asikaso. “Maaliwalas kayo ngayon Mayor Pentagon, dahil ba maganda mong girlfriend?” Mapanuksong ngisi nito. Natawa na lang si Mayor at hindi nagsalita. Ako naman itong natataranta at baka kung ano ang magiging chismis eh pumagitna kaagad at sinabing, “Secretary lang po ako ni Mayor, Doc.” “Ah?” Mapanukso pa rin ito. Mas lalong nag-init ang pisngi ko at napatitig sa dalawang nurse, iyong isa e mapanukso rin ang ngiti at ang isa ay busangot. Pagkalabas e ako na naman ang napabusangot kaya natatawang nakatitig sa akin si Mayor. “Sa Lunes, I’ll start working from home Hanana... pakidaan ng mga papeles sa Munisipyo at doon tayo sa bahay magtatrabaho.” Parang hindi ko yata gusto itong mangyayari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD