Hindi na ako nakabisita the next day, si Ate kasi nakakainis at pinagpipilitan akong sumama sa get together daw ng mga kaklasi nito noong College. Takot yatang umuwi ng mag-isa.
Simula ng sinundo kami hanggang sa dalampasigan ng isang private beach bukambibig ng lahat iyong nangyaring aksidente na kinasangkutan ni Mayor.
“Binisita mo na ba, Hanana?” Iyong mga mata pa nito eh parang hinuhusgahan kaagad ako. Kung sabihin ko kayang tapos na? At naglandian lang kami roon? Baka mahimatay.
“Ha? Boyfriend ba ng kapatid mo, Bobs?” Kunot noong sabi noong babaeng nakaupo sa harapan, Maila yata? Mila? I’m not sure, magkakatunog din naman.
“Hindi ah! Secretary lang at scholar ako ni Mayor!” Todo deny ako sa pag-iisip nilang ganoon.
Napatawa naman si Ate, iyong tawa na mapanglait.
“Mataas ang standard ni Mayor, hindi papatol yon kahit sabihin pang pila-pila ang nagpapansin dito! Saka, si Mayor? Sigurado ang gusto noon ay babaeng matalino at classy.”
Ako na naman ang napasama ng titig kay Ate Bobby. Kung makasabi ‘to parang hindi ako pasado. Sabihin ko kayang naghalikan na kami ni Mayor? Tiyak, maglulupasay at magbubunganga ito! Tingnan natin kung hindi mahimatay.
Tinikom ko na nga lang ang bibig. Baka ano pang masabi ko sa sobrang inis. Mabuti naman at iniba na ang usapan, iyon lang si Mayor pa rin.
“Oo nga! Nakita ko na sa personal iyon saka bumisita din sa bahay namin. Ang tangkad pala talaga nito sa personal. Barumbado ang datingan, natulala nga ako kasi ang gwapo at malakas ang dating.” Hagikhik ng magaling ko Ate.
Napaismid na lang ako at sinilip ang cellphone. May mga nagtetext na hindi ko naman kilala kaya binablock ko. Isang oras ang ibinyahe namin bago nakarating sa isang magandang private beach. Kakilala daw no’ng isang kaibigan ni Ate Bobby ang may-ari nito. Hindi nga sana ipapagamit pero dahil kakilala at may utang na loob daw eh pumayag na lang din.
“Diyan ka muna, Hanana. Magpipicture-picture muna kami.”
Iniwan nga ako ni Ate do’n sa tapat ng isang magandang cottage. Sinuot ko na lang ang sombrero at tumitig sa maalinsangang panahon.
Napabuntong hininga na lang ako at sumandal sa upuan bago ipinagkrus ang mga binti. Suot ko pa ang sunglasses at nagulat na lang nakatulog pala ako at may tumatapik sa akin.
“Miss, hindi ka ba makikisaya sa mga ‘yon?” Turo nito kina ate na nakapagbikini na pala! Ni hindi man lang ako inaya.
Ngumiti na lang ako at umiling. Ngumiti rin ito kaya lumabas ang biloy.
Nawala iyong ngiti ko at napalitan ng kunot noo. Hindi ko maalalang nakasama namin ‘to sa byahe mula kanina.
“I’m Jeir, pinsan ng may-ari. I saw you alone kaya lumapit ako. Baka kasi nabobore ka.” Palakaibigan na sabi nito.
Medyo kinakabahan ako rito ngunit kinalma ko naman ang sarili. Hindi naman siya mukhang masamang tao. Desenti nga eh. Siguro kaya ako nagkakaganito ay dahil sa nangyari sa’kin. Ngayon, pakiramdam ko lahat ng lalaki ay masasama.
“Hindi ko naman kasi mga kaklasi iyan, si Ate sinamahan ko lang.” paliwanag ko.
“Ang lambing ng boses mo ‘no?” Tawa nito.
Natawa na lang din ako at sarap sanang sabihin na baka magulat ito kapag nang-away na ako. Pati nga si Mayor e nasigawan ko na...
“Ano nga palang pangalan mo Miss?” Tanong nito kalaunan.
“Hanana Francisco, magna-19 sa 24.”
“Ha? Talaga? Teen pa pala,” halakhak nito.
Hindi na ako nagsalita pero nakangiti pa rin ako. Pansin ko iyong itsura ni Jeir eh parang boy-next-door. Tamang tangkad sa pagkakatayo at hindi gaanong malakas ang hatak ng kagwapuhan pero gwapo pa rin. Tipikal na gwapo. Kung siguro para sa ibang normal na babae eh magkakacrush kaagad. Kaso ako ito, busog na sa kagwapuhan ni Mayor.
Makuwento ito at ang catchy ng pinag-uusapan namin nang bumalik si Ate at basang-basa. Iyong titig nito e napakamapanghusga. Inirapan ko nga at inirapan din ako.
“I’ll see you around, mapapadalas yata ang bisita ko roon sa inyo.” Halakhak nito bago nagpaalam.
Tumango lang ako at tumayo dahil pagkatapos nitong magpaalam ay may kainan na kaagad. Maraming dala ang mga kaklasi ni Ate, si Ate nama’y inutusan ako kahapon na ipagluto ito ng kare-kare ngayong umaga... di kasi marunong. Ineenjoy ko na lang ang buong maghapon. Hindi na ako naligo dahil siguro tinamad at saka pahapon na naman para doon. Alas kwatro ng nag-ayos na kami para umuwi.
“Gwapo noong kausap mo kanina, Hanana... pinopormahan ka ba?” Hagikhik ng isang kaklasi ni Ate Bobby.
Mabilis akong umiling at lumipad kaagad ang isipan sa labas. Tinitingnan ko kung matatanaw ba pauwi iyong hospital kung nasaan ngayon si Mayor. Ilang palapag lang ang abot ko habang dumadaan doon. Bukas nga eh ihahatid ko raw ang trabaho sa bahay nito. Syempre, kailangan kong sundin dahil trabaho iyon.
Nasasanay na lang akong nagigising nang mas maaga, simula nang dinadaanan ako sa bahay e sumasakto ang labas ko at nandoon na ang sasakyan.
“Ma’am dadaan lang tayo mamaya sa Munisipyo then balik po tayo pauwi kina Mayor. Mamayang alas diez kasi ay uuwi na po sila.”
Nakakaintinding tumango ako kay Kuya Fernand. Alas doce nang natapos akong kumain at lumabas ng eskwelahan. Sakto rin ang pagdating ng sasakyan.
Pagkarating sa Munisipyo e ang dami palang nag-aabang at ako kaagad ang pinutakte ng tanong.
“Okay na po si Mayor, kaso iyong dalawang kasamahan nito e napuruhan talaga... kukunin ko nga ang trabaho ngayon at ihahatid sa kanila.” Paliwanag ko roon sa isa.
Hinayaan naman nila akong umakyat, si Ma’am Bessy lang ang naglakas loob na sumunod sa akin. Nahihimalaan ako sa pagiging seryoso nito ngayon. Madalas kasi puro panunukso lang ang lumalabas sa bibig nito. Parang ano eh...
“Titingnan ko Ma’am, babalitaan kita kung anong madadatnan ko mamaya.”
“Gusto kong sumama, Hanana. Kaso may trabaho rin ako. Sige sa weekend bibisitahin ko si Mayor.”
Ngumiti ako rito at pinumpon ang mga papeles sa ibabaw ng mesa ni Mayor at nilagay sa lalagyan. Kinuha ko rin ang sa akin at nagsave ng drafts sa isang USB at umalis na kaagad.
Tahimik kong tinitingnan ang hawak na cellphone habang napapadaan sa tapat ng bahay namin. Pagkaliko nga eh natulala na lang ako sa malalawak na lupain. Dito sa likod na bahagi ng lugar puro malalawak na lupain at taniman ang meron. Minsan palay, minsan patubigan lang. Mga malalaking negosyante ang nagmamay-ari rito. Malapit din kasi sa lugar kung nasaan ang ancestral house nina Mayor. Nadadaanan lang namin noon iyong lupain na puno ng pine trees at ilang prutasan, na pagmamay-ari nina Mayor. Medyo makitid nga ang daan. Sementado naman pero parang nasa ibang dimensyon yata. First time ko kasing makakapasok. At talagang nabusog ang mga mata ko sa medyo pataas na bahagi ng lupa sa magkabilaan na punong-puno ng isang klasi ng damo. Damo na parang tulad noon sa ibang bansa. Kaya siguro parang pakiramdam ko nasa ibang bansa ako. Malinis, maaliwalas, maraming tanim at napakalawak ng babaybayin bago marating ang dulo.
Isang gate pa ang tinulak at nakita ko kaagad ang ancestral house ng pamilya. Malawak din ang garage area... may tambayan sa kabila at syempre medyo marami ngang tao.
“Ma’am magpapark lang po ako. Pwede na po kayong bumaba.”
Tumango ako at lumabas saka tinitigan ng ibang taong nandoon.
May lumapit kaagad na isang katulong yata dahil nakauniporme.
“Ma’am ihahatid ko po kayo kay Mayor.” Ngiti nito.
Ngumiti ako at sumunod sa likod nito. Doon kami sa likod dumaan at nagulat ako ng may isang simpleng up and down na bahay. Dalawang palapag lang na gawa sa semento at kaunting salamin. Nilingon ko nga ang kabilang bahay at matao naman.
“Maiwan ko na po kayo Ma’am. Maghahatid na lang kami ng meryenda mamaya.”
Pinapasok lang ako nito hanggang sala. Hindi kalakihan ang bahay kumpara sa dati naming bahay. Tanaw nga ang kusina na tanging tv lang ang division. May iilang hagdan ang papunta sa ikalawang palapag. Doon sa gilid ng kusina ay may dalawang pintuan. Nagulat ako noong pumihit iyon at halos manlamig nang nakitang lumabas si Mayor at may tungkod. Ngunit hindi iyon ang nagpagilalas sa akin.
Nakita ko na itong mag-t-shirt lang noon, cargo at kung anong hindi pormal. Ngunit ang makitang hubad ang pang-itaas nito at nakaboxer lang?! s**t! Totoong nakakapanindig balahibo ang katawan nito. Napatalikod tuloy ako... nag-init kaagad ang pisngi na napaskil na sa isipan ko iyong katawan nitong malapad at malalim ang bitak ng muscle. Magkakasala na ako! Nakakainis!
“Hanana?!”
Rinig ko iyong tuwa sa boses nito ngunit ayaw kong kumilos doon. Napapikit pa nga ako nang mariin. Bakit kasi ganoon? Alam naman siguro nitong bibisita ako ngayon tulad ng utos nito.
“Hanana,” ulit nito at naramdaman ko na lang ang braso nitong pumulupot sa labas ng uniporme ko.
Namimilog na lang ang mga mata ko nang naramdaman ang init ng katawan nito. Para akong nakalunok ng malaking bato... ramdam ko ang pananakit ng lalamunan.
“M-mayor! Bitaw nga!” Saway ko rito.
Nakakahiya kaya, ang landi naman kasi nito. Bakit ganoon makayakap? Hubad pa naman na akala mo ay normal lang iyon! Unang beses ko kayang makita itong ganoon. Tapos di ko inasahan na ganoon pala talaga ang katawan niya.
Tumawa ito ngunit bumitaw naman. Nanunukso lang yata. Noon naman ako humarap at nag-iinit ang pisngi na inabot sa kanya ang mga papeles.
Pigil ngisi ito at ipinakita ang tungkod pati ang napilay na braso.
“Please pakilagay sa kwarto. Iinom lang ako.”
Mas lalong nag-usok ang pisngi ko sa utos nito. Papasok ako sa kwarto nito? Seryoso ba ‘to?
“Please Hanana... hindi pa ako magaling.” Pangongonsensya nito.
Napanguso na lang ako at sumunod sa likod nito. Tinuro nito ang isang pintuan na nilabasan niya kanina. Napilitan akong itulak kahit nahihiya. Sinisilip ko nga siya sa gilid. Batak na batak ang katawan. Mas lalong nakakailang iyon. Pero bahala na. Kapag may ginawa itong hindi maganda, sisigaw talaga ako.
“Pasok na, Hanana. May maliit na office ako riyan. You can have it while I’ll do my work on bed.”
“Opo,” nag-aalangang tulak ko nang tuluyan.
Hindi ko inasahan na sa isang simpleng pintuan at sa maliit na kusina eh malapad pala ang loob ng silid nito. Malapad din at malaki ang higaan. Medyo nagulo na iyon, may mga unan. In fact mas marami kumpara sa akin. Lima kasali na roon ang isang kulay blue na patriangle ang hugis ngunit medyo pahaba at inclined. Para siguro sa paa nito.
Nauna na akong pumasok at nagmamadaling nilapag ang mga papeles nito. Ang akin ay doon sa isang corner, na may office na maliit pero open space. Katatapos ko lang maglapag nang bumalik si Mayor. Napatitig tuloy ako sa tiyan nito na naghuhugis V patungo doon sa gitna. Nag-init na naman ang pisngi ko at tumalikod. Narinig ko pa nga ang tawa nito ngunit hindi na nagkomento pa.
“M-mayor, favor naman po... pwede ho bang magbihis po muna kayo.” Napakamot batok na sabi ko.
“Sure!” Natatawang saad nito, “Can you get me a new one? Masakit pa ang braso ko at hindi ako makakilos masyado.” Ngisi nito nang lingunan ko. Nakaupo na ito sa kama...
Aayaw sana ako kaso sa nakikitang sitwasyon nito ngayon parang totoong mahirap nga.
Hinanap ko na lang sa malapad nitong cabinet ang isang t-shirt. Itim iyon at hindi ko rin alam kung bakit yon pa ang napili ko.
Inangat nito ang isang braso kaya kita iyong pagshape ng muscle doon sa ibaba ng braso. Nakakainis! Lalaking-lalaki! Sa tanang buhay ko ngayon lang ako nakakita ng ganitong lalaki, mayroon naman eh pero iba kasi pag sa personal na.
“Isuot mo lang dito Han, nahihirapan kasi ako.”
Napailing na lang ako at lumapit saka isinuot sa isang ang butas para sa braso. Naamoy ko na naman siya, iyong amoy na lalaking-lalaki ngunit ang sarap langhapin. Ganoon din sa kabila. Kinuha muna namin doon sa handler at dahan-dahang ipinasok sa isa pang butas. Doon ko rin ibinalik ang cast nito.
“You okay?” Mapanuksong tanong nito at hinaplos ang noo kong pinagpapawisan. Napaiwas tuloy ako. Hindi naman normal iyon lalo na’t malamig sa silid nito.
Tumawa lang ito, iyong tawa na may kasamang panunukso. Sa hiya ko eh naigilid ko ang mga mata na agad kong pinagsisihan. Kanina ko pa nga iniiwasan iyang umbok diyan sa tapat ng boxer... ngayon parang napatagal yata ang titig ko roon. Naputol lang sa mapanuksong halakhak ng isa.