"T-tutulungan po kita sa paa niyo po, Mayor." Kabadong sabi ko at bumaba. Ayaw ko kayang makipagtitigan doon. Sobrang nakakailang, at mas pa kung nahuli ako nitong nakatitig doon.
"Ipapatong mo diyan?" Nagtatakang tanong ni Mayor.
Ako na naman ang nagtaka at pabalik-balik sa kanya at sa paa nito ang mga mata. Saan ko ba dapat ipatong?
"Dapat diba?" Nag-aalangang tanong ko rito.
Umiling ito at naupo nang maayos.
"Tulad ka rin ni Inday, inakalang pangpatong ng paa iyan. Pakilagay sa gilid, Hanana... I'd never used that one for years. Huling gamit ko niyan ay bago ang eleksyon." Paliwanag nito.
Ako namang kunot ang noo ay kinuha iyon at nilagay sa kabila ng kama. Mukhang patungan naman ah, matigas lang talaga. Pinasadahan ko nga ng tingin at inaalisa kung para saan ba talaga ito.
"Hanana, you don't have to know." Mapanuksong sabi nito nang bumalik ako.
Nag-init na naman ang pisngi ay umiwas na lang ako at naupo roon sa tapat ng office table nito.
"Mayor, password po?" Tanong ko habang nakabaling sa kanya. Kumukuha na ito ng tatrabahuin, trabaho pa rin pala kahit nadisgrasya na. Ewan ko ba rito, binuburyo ang sarili sa bayang 'to. I think, si Mayor iyong tipo ng tao na kahit anong profession eh talagang mamamayagpag.
Tumango ako pagkabigay nito. Agad kong sinaksak ang USB at nagscroll ng drafts. May printer rin doon kaya walang problema. Pagkagawa ng dalawang summary eh may narinig akong boses doon sa labas. Tumayo na lang ako at sumilip, iyong katulong pala na naghatid sa akin kanina. Lumapit ako at nagtanong kung may kailangan ito. Pansin ko ang pag-aalangan nito habang sumisilip sa pinto na pinaglabasan ko.
Ngumiti ito, iyong ngiti na alam kong may kahulugan. Nag-init na naman ang pisngi ko at nanginginig ang daliri na inabot mula rito ang bitbit na meryenda.
"Ma'am, mukha naman po kayong disente... bakit di niyo po akitin si Mayor? Kesa tumandang binata iyan, sayang naman ang genes..." hagikhik nito.
Mapanukso ito samantalang nag-iinit naman ang pisngi ko sa sobrang kahihiyan. Tama nga talagang dapat siguro dito ko na lang sa labas gawin ang trabaho. Mag-iisip talaga ng kung ano ang tao lalo na't kaming dalawa lang ang nandoon.
"Ayaw ko po, secretary lang po ako noon."
Humahagikhik pa rin ito kahit paalis na. Napailing na lang ako at bumalik sa kwarto. May maliit na coffee table na nasa pagitan ng maliit na make-office nito at sa higaan. Doon ko nilapag ang dalang meryenda saka nagligpit ng trabaho.
"Mayor, sa labas ko na lang po gagawin 'tong mga trabaho." Mainit ang tengang paalam ko rito.
"No, Hanana... you stay here." Utos nito.
Natulos na lang ako at napatitig nang matagal sa minatamis na saging na nandoon. Hindi ko alam kung dapat ba akong sumalungat. Pero kasi, mali eh na kaming dalawa lang ang nandito. Paano kung ganoon din ang isipin ng susunod na sisilip dito? Paano ko naman ipapaliwanag na puro trabaho lang naman talaga ang ginagawa naming dalawa? Wala ng iba.
"Why do you worry about what people think about us?" Nangangasim na sabi nito nang tingalain ko.
Lumunok ako at tumitig sa galos doon sa isang parte ng mukha nito.
"H-hindi naman po, kasi hindi naman talaga tama na tayong dalawa lang ang nandito. Mabuti sana kung gurang na ako eh, siguradong hindi mag-iisip ng kung ano-ano ang mga tao. Ang malala pa, mag-ex tayo! Nakalimutan mo na ba yon, Mayor?"
Lumunok ito, parang nag-aalangan sa sasabihin. Naiyak na lang ako pagkarinig sa sumunod na sinabi nito. Hindi ba nito maintindihan na hindi nga tama! Dalaga ako, binata ito! Ngayon gusto niya namang paglaruan ako.
"T-tama na Mayor ah. Ayaw kong pinaglalaruan mo'ko. Ano yan? Kapag okay ka makikipagbalikan ka na lang sa akin? Hindi ka naman siguro bata pa para makipaglaro sa feelings ko." Naiinis na sabi ko rito.
Natigilan ito, sukat ba namang ayain akong makipagbalikan? Pagkatapos niyang makipaghiwalay, babalikan niya ako? Buang din ang isang 'to eh! Alam naman niyang hindi ako nakikipaglaro.
"I'm serious, Hanana... we can be together again. Babawi ako." Seryosong saad nito.
Bakit ganoon? Hindi naman ganito kasikip ang puso ko nang naghiwalay kami ni Kevin. Ngayon, para bang pinipiga iyon kahit ang sarap sana sa pakiramdam na ito na mismo ang gustong maging magboyfriend at girlfriend kami ulit. Kaso, trauma lang ang binigay nito sa akin kaya ayaw ko na.
"Pass Mayor," ang nasabi ko na lang at lumabas para doon na lang sa labas gawin ang drafts. Bukas ko na lang siguro gagawan ng bagong summary. Hindi ko kayang manatili roon at sumama lang ang pakiramdam. Mag-aaway lang kami noon.
Ilang minuto kong ginagawa ang trabaho nang lumabas si Mayor at bitbit din ang trabaho at nakakainis pa e tumabi talaga sa akin. Ngumiti ito, iyong ngiti na parang nanlalambing. Nangungunot naman ang noo ko lalo na noong tumabi sa akin saka inakbayan ako ng kamay na hindi napuruhan. Humahalik-halik nga sa pisngi ko. At ako naman itong hindi inaasahan iyon ay nanlalaki ang mga mata. Ngunit nang nakabawi ay tinulak ko ito palayo. Ngunit kahit may pilay talagang mabigat pa rin ang katawan. Tinulak nga ako at kinababawan doon sa sofa.
Namimilog ang mga mata ko sa nangyayari. Kumabog ng sobrang bilis ang puso ko na parang sasabog anytime soon. Ramdam ko kung paanong mangilabot ang bawat himaymay ko sa nakikitang sitwasyon. Pakiramdam ko nakakulong ako ngayon, iyon lang at sa isang bisig ni Mayor.
"Kailangan yata kitang daanin sa santong paspasan, Han... seryoso naman kasi talaga ako eh. I was just worried for you. You know I'm a politician and we play dirty. I don't want you to drag into this messy situation. How could I cruelly make you miserable? You're young Hanana, boys went flocking under you charm... what can I possibly do to make you safe?" Malalim na tanong nito.
Natigilan ako sa panlalaki ng mga mata at napalunok. Kagat na ngayon nito ang pang-ibabang labi. Malalim pa rin ang titig sa akin.
Tahimik kami ng ilang minuto hanggang sa naitulak ko ito at namumulang napatitig sa pintuan. Isang bagong katulong na naman na laglag ang panga at nakatitig sa'min.
"Sorry po, Sir... balik na lang po ako mamaya." Namumulang sabi nito at mabilis na umalis.
Para akong masusunog habang iniisip ang pagkakahuli sa'min. Pero itong si Mayor, unti-unting natatawa. Samantalang hindi naman madrawing ang mukha ko sa sobrang pagkapahiya.
"At nahuli pa tayo..." natatawang saad nito bago sumandal sa upuan. Nakahawak na nga ngayon sa tiyan. Natutuwa siguro ng sobra, kaya ganyan.
"Machichismis tayo niyan..." hindi ko napigilang komento.
Kumalma muna ito, saka tumitig sa akin. Kung makatitig naman kasi eh, parang laging mauubusan. Sobrang lalim na pati ako ay hindi rin maarok iyon. Ewan ko ba rito, bakit naman kasi ganito makatitig. Parang pati kaluluwa ko e hinahalungkat.
"Hindi naman siguro. Hindi tulad ng iba hindi ichichismis ng mga yan ang nangyayari rito sa loob. What happen here stays here..." kibit nito.
Napabuntong hininga na lang ako at sumandal habang nararamdaman ang pagod sa buong araw. Pagkagaling sa eskwela, trabaho kaagad, pagkauwi ay mag-aaral... at matutulog ng gabi, gigising na naman ng maaga kinabukasan. Sa ilang buwan na ganito lagi ang routine ko e nakakaramdam na rin ako ng pagod. Dinagdagan pa ng mga nangyayari sa buhay ko.
"Why don't we try again, Hanana? Baka sakaling makita mong mahalaga ka talaga sa akin." Ngiti nito.
Umiling ako, nakanguso at hindi makapaniwala na ganito pa rin... walang humpay ang paghahabol. E pareho kaming hindi sigurado.
Pagkatapos ng lahat ay para kaming ewan.
"Sorry Mayor ah, ayaw ko po. Period."
Ngumingiti pa rin ito, ngunit nawala rin kalaunan. Ako nama'y tahimik lang at naghihintay sa kanya. Noong tumango ito eh tumango na rin ako at inayos ang trabaho. Hindi niya talaga ako mapipilit diyan sa gusto niya. Dahil talagang natuto na ako. Kapag kasi natrauma ka sa isang bagay, wala na... ayaw mo na ulit.
Mga isang oras yata kaming naging seryoso sa mga ginagawa nang pumasok muli ang nahihiyang katulong. May mga dala itong gamit, parang kay Mayor yata.
“Sir, ilalagay ko lang po ito sa silid niyo.” Nahihiyang paalam nito.
Tumango si Mayor, naglakad ito at nakabuntot naman ang mga mata ko sa likod nito hanggang papasok ng silid ni Mayor. Naghintay ako ng ilang minuto hanggang sa lumabas ito at nangingiming ngumiti sa akin. Ganoon din ang ginawa ko hanggang sa umalis ito.
Noon naman nagsalita si Mayor,
“Hanana, balik ka rito bukas. Bring all the works I need.” Bulong nito.
Noon naman ako tumitig sa kanya at bahagyang tumango bago binasa ang ilang drafts.
“And for the meantime, while I am healing... we’ll work here together.”
Tumango na naman ako, may magagawa pa ba? E mahirap din ang sitwasyon nito, wala tayong magagawa.
“Is it okay if I kiss you?” Biglang singit nito.
Ako nama’y namimilog ang mga mata at hindi makapaniwalang nakatitig sa kanya. Na ngayon nga’y malalim pala ang pagkakatitig sa akin. Napalunok lang ako. Ngumiti ito at dumungaw saka marahang pinagtago ang labi naming pareho hanggang sa kumilos. Malumanay noong una, naging mapusok noong sumunod. Napadaing nga ako sa sobrang galing nitong humalik. Nakakainis iyong lambot ng labi nito... nagiging mahina ako. Sumunod ay dila nitong mainit at mabango... at nakakainis din dahil nagiging marupok ako rito.
Noon lang ako natauhan nang naramdaman ang nakakakilabot na paghaplos nito sa tiyan ko. Naitulak ko tuloy ito palayo at namumulang napatitig sa kanya. Mabuti na lang talaga tinigilan naman ako nito.
“You’re so soft, Hanana. I can’t get enough.” Ngiti nito samantalang ngiwi naman ang binibigay ko.
Hindi na ako nagkomento pa. Ramdam niya rin naman siguro na sobra akong naiilang sa ginawa namin. Ang hilig talaga nitong manghipo. Mabuti nga eh naagapan ko kaagad. Baka kung saan na naman umabot iyon kapag pati ako ay nagpadala sa nararamdaman nitong init.
Tumayo na lang ito kaya sumunod ang mga mata ko rito. Pumasok lang ito sandali at lumabas din kalaunan. Nahihiya ako sa pagbitbit nito ng mga meryenda. Nilapitan ko na lang at binitbit din para hindi na ito mahirapan pa.
Pagkaupo sa sofa ay siyang tulak nito ng meryenda papunta sa akin. Napilitan akong makisabay. Tahimik pa rin ako. At hindi na lang namin namalayan na alas singko na pala.
Tumayo na ako at tumitig kay Mayor. Amusement yata ang nasa mga mata nito, tama ba ako? Ewan ko rito. Basta uuwi na ako.
Kinabukasan eh sinundo na naman ako ni Manong Fernand. Kinuha lang namin sandali ang mga tatrabahuin sa Munisipyo. Hindi ko na nga masyadong nakausap si Ma’am Bessy, nagmamadali rin kasi ito at may inaasikaso.
Nasa labas si Mayor nang umikot ako papunta roon sa likod ng ancestral house. Nakatayo ito roon at nakatitig sa mga punuan. Nagpapalamig yata o kaya nababagot sa loob.
Ngumiti lang ito nang nakita ako. Pumasok na kaagad kami sa loob at agad na namula ang pisngi ko nang nandoon ang dalawang katulong at nagtutupi.
“Hi po Ma’am,” makahulugang sabi ng isa, iyong unang umalalay sa akin kahapon.
Bumati rin ako pabalik, at nahihiyang sumunod sa likod ni Mayor. Ayaw ko nga sana kaso may mga dala akong trabaho... hindi rin kasi kami makakapagtrabaho sa labas.
Iyon nga, pinagsisihan ko talaga ng sobra-sobra... dapat siguro pumwesto na lang ako sa labas. O kahit saan. Wag lang dito sa kwarto ni Mayor na impit kong pinanlalakihan ng mga mata.
Sukat ba namang itulak ako pahiga... pinatungan at marahang nilalandi sa mga mumunting halik nito. Syempre, ako naman itong nasa matinong pag-iisip pa, e hinihindian siya.
“Hanana, it’s okay... we’ll go safe.”
Pinangilabutan na ako nang tuluyan ng naramdaman ang paghaplos ng labi at dila nito sa leeg ko. Medyo malamig nga, dagdag sa sensasyong dumaloy sa ugat ko. Napapikit pa ako nang mariin nang naramdaman ang malambot na paghaplos nito sa’king dibdib. Nanginginig tuloy ang kamay kong hinawakan ito sa brasong hindi napuruhan.
Umiling-iling ako kahit nanghihina... kahit na gumagapang ang kamay nito sa ilalim ng uniporme ko.
“Don’t worry Hanana, I won’t make you pregnant... we’ll go on a safe method.” Pang-aalo nito. Kunswelo siguro oo.