"Han, dali, lapit ka." Senyasan ang mga kaklasi ko habang bitbit ko iyong dalawang bottle ng tubig. Hinihintay ko lang na tawagin ako ni Ms. Cabanban bago ko iabot ang bottle. Si Mayor nga e pangiti-ngiti at hindi ko alam kung paanong hindi napapansin ng mga tao iyong mapanukso niyang ngiti sa akin. "Bakit?" Nag-aalangang lapit ko nang tuluyan. "Regards mo naman kami kay Mayor o?" Nagsitilian pa ang ilan naming kaklasi. Tumango ako at bumalik sa pinagpuwestuhan kanina. Noon naman sumenyas si Ms. Cabanban kaya lumapit ako sa stage at inabot kay Mayor ang bottle. Halos mahulog ang puso ko sa nerbyos at agad napatalikod sa audience. Hindi ko rin maintindihan 'tong si Mayor, ang landi e. May pahaplos-haplos pang nalalaman samantalang nasa harap lang kami ng maraming estudyante. Paano kung n

