Hindi ko naman yata kailangan pang ikuwento kung ano ang nangyari pagkatapos ng eleksyon dahil talagang nanalo si Mayor bilang Governor ng lalawigan. Isa na rin ako sa mga bumoto at nagdasal na rin na sana ay maging ligtas ang eleksyon. Nanalo nga si Mayor, nanalo naman ang isang Mayora… na hindi ko napaghandaan ang naging hatol sa desisyon nitong alisin lahat ng mga casual.Nakakapanlumo ngunit alam ko namang ganoon nga ang mangyayari. Iyon lang hindi ako handa. Ni hindi ko nabanggit kay Mayor ang tungkol dito, nalaman nito ng may nagsumbong. Pati ako ay tinanong nito, natahimik nga siya’t napatitig sa akin. Na parang gusto niya akong pangaralan, siguro kasi ay dahil naging malihim ako o kung ano. Ayaw ko lang dahil ang totoo niyan, kakapanalo pa lang niya at hindi niya obligasyon kung an

