Savannah "Lolo!" Malakas na tawag ko sa kanya, nang makita ko siya sa akin harapan. Umabot hanggang puso ko ang saya. "Lolo!" Muling kung sambit sa kanya. Ngumiti siya sa akin, na masaya s'ya. Inabot ko ang kamay niya pero tumanggi siyang hawakan ko iyon. May pagtataka sa mga mata ko. Pero hindi nawala ang saya ko sa puso ko. "Savannah, apo... Masaya ako na makita kita ulit, at salamat sa pagaalaga mo sa lola mo, nang mawala ako sa inyo.. At ngayon, sana kahit wala na kami ni lola, mo sayo. Huwag mong pababayaan ang sarili mo, apo. Ipagtuloy mo ang buhay mo. Umaasa ako malalagpasan mo ang pagsubok na darating pa sayo. Umaasa rin kami na magiging masaya ka. Basta buksan mo lang ang puso mo sa mga taong handa kang tulungan, hija.. Salamat ulit apo..." Saad ni lolo. Na puno ng luha ang a

