Savannah Bilisan ko ang lakad, kahit hawak pa ni Maxton ang kamay ko. Nararamdaman ko naman ang palagi n'yang paghigpit sa kamay ko. Hinihingal na ang mga kasama ko sa pag-akyat sa bundok. Pero ako, hindi ko alintana ang hingal at pagod sa pag-akyat dahil sanay na ako. Iwan ko sa mga kasama ko. Na malalaki ang katawan. Tsaka hindi naman sila mataba, pero grabe ang hingal nila. Si Maxton, lang yata ang kayang sabayan ako sa pag-akyat sa amin lugar, mukhang hindi siya nahihirapan, nakuha pang magseryoso ang mukha niya kahit hawak pa niya ang kamay ko. Napansin ko narin ang paligid sa bundok. Parang may iba dito? Kaya nangunot ang akin noo. Ang mga punong, nagtumbahan. Kapag ganito ang paligid, nangangamba na kami ni lola. Marami akong nakita at bakas iyon ng kalupitan ng bagyong dumating

