Chapter 1

1698 Words
Savannah "Savannah, apo. Savannah! Gising na. . . Baka ma-abutan kapa ng katiran ng sikat ng araw sa daan. . . " Malamyos na boses ni lola Nora, ko ang gumising sa akin. Kinusot ko ang mga mata ko at tumayo hinawi ko ang kurtinang nagsisilbing pintuan ng kwarto ko at lumabas habang humihikap pa. "Magandang umaga, La." Masiglang bati ko sa kanya at biglang napakunot ang noo ko sa nakita ko si lola, nagpapadingas ng mga kahoy, sa may kalan na gawa lang sa putik. "La, ako na po d'yan. Baka mapaso pa po kayo, n'yan e. Mausok pa r'yan. Baka po mahirapan na naman kayong makahinga n'yan mamaya." Saway ko sa kanya na may pag-alala. Nagmadali akong lumapit kay lola at inagaw ang kanyang ginagawa. "Ano ka naman bata, ka! Hindi ba ako pwedeng kumilos sa loob ng bahay? Para makatulong man lang sa'yo?" Huminga ako ng malalim at namewang humarap kay Lola. "La, di'ba ang bilin ko sa inyo, magpahinga nalang kayo at 'wag ng kayong kumilos sa loob ng bahay natin. Hayaan nalang po niyo ako, ang gumawa nito." Saad ko. Kabilin-bilinan ko sa kanya 'wag s'yang kikilos dahil sa sakit niya. Kumuha ako ng dalawang tasa at nilipag iyon sa lamesa. Naupo si lola sa harap nun at pinanuod ang ginagawa kung pangtitimpla ng kape. "Ikaw talagang bata, ka.Napaka- malalahanin mo. " Nakangiting sabi ni lola Nora, sa'kin. "Si lola, talaga! ng bola pa... Ayaw lang niyong matikim ng sermon mula sa akin e." Dagdag na pabiro kong sabi sa kanya. "Hija. Mas lalong mapapagod ang lola, mo. Kapag walang ginagawa rito sa barong bahay natin." "Pero La? mag-aalala naman ako sa inyo. Kapag napagod kayo ng husto. 'Di ba, po ba? Heto na po ang kape niyo. May dalawang piraso pa pong pandesal, dito sa lamesa. Kainin na po niyo ito at maliligo lang po ako at magpapalit ng damit. Maiwan ko po muna kayo rito ah?" "Sige, apo." Sabay tango ni lola sa akin. Lihim kung pinagmamasdan si lola sa kanya likuran. Simula ng mamatay si lolo Lito. Unting-unting nang bumabagsak ang katawan ni lola at naghihina na rin. Minsan nahuhuli ko siyang umiiyak habang yakap niya ang lumang litrato ni lolo sa kanyang silid at minsan din sa tabi ng bahay namin kung saan nakalibing si lolo, na kinakausap ang puntod ng namayaong asawa niya. Ramdam ko. Kung gaano nangungulila si lola kay lolo. Pero ako lang ang pumipigil sa kanya na. 'Wag n'ya akong iwanan. Dahil hindi ko kakayanin mabuhay na magisa dito sa bundok. Walang akong nakagisnan na mga magulang at kamag anak, man lang. Sila lang, bukod tanging nakasama ko. Hanggang sa lumalaki ako at nagkaisip na. Masakit para sa akin nakikita ko siyang parating malungkot. Pero pinipilit ko lang magpakatatag sa harap niya na kahit nasasaktan na ako sa paghihirap niya ng dahil sa sakit niya at sa pagtutol ko. Namalayan ko nalang ang pagpatak ng luha ko sa'kin pisngi at nagtungo sa maliit na banyo sa likod ng kubo namin. Baka marinig pa ni lola umiiyak ako at mag alala pa siya sa akin. Inalis ko sa akin isipan lahat ng agam- agam na nanunumbalik na naman. Alam ko mahal ako ni lola at hindi niya ako iiwan katulad ng pagiwan sa akin ng magulang ko. Nung maliit palang ako. Masakit isipin ang ginawa nila sa akin pero ayaw ko nang pabalikan pa at sariwaan iyon. Naligo ako at nagtapis ng tuwalya pumasok sa silid ko. Naghanap ako ng matinong bestida na maaring kong isuot papunta sa pelengke para magtinda ng gulay doon. Iilan peraso nalang ang matitinong damit ko at sa katagalan na rin, ay 'yung iba ay luma na rin at maliit na rin sa'kin. Halos hindi nga magkasya sa katawan ko. Hindi ko narin naiisip na bumili ng bagong damit. Para may gamit sa tuwing baba ako ng bundok para magtinda sa bayan. Mas mahalaga sa akin kasama ko si lola at mabili ko ang gamot na kailangan niya araw-araw para sa sakit niya. Kesa unahin ko pa ang sariling kong pangangailangan sa katawan. Kinuha ko sa lumang kabinet ko ang paborito kong bestida na bulaklakin na kulay pula. Ito 'yung ang madalas kong suotin parati. Ni regalo kasi ito ni lolo, Lito. Bago siya namatay. Ito nalang din ang naiwan niyang alala, na magpapa-alala sa'kin. Kung gaano siya naging mabait na lolo sa akin. Sinuot ko ang bestidang at sakto parin ang sukat nito sa katawan ko. Alam ko maganda ang katawan ko at madalas ko iyon mapansin sa tuwing naliligo ako sa ilog at sinasabi rin ni lola Nora, na talagang maganda ang hubog ng katawan ko. Pinasadahan kong tignan ang akin sa sarili. Gamit ang akin mga mata at lumabas na ako ng silid ko. Nakita ko nalang si lola nakaupo sa kahoy na sofa sa tabi ng pintuan. "La. Tapos naba kayong mag almusal?" Tanong ko ng lapitan ko siya. "Oo, apo. Ikaw magkape ka muna bago bumaba. Para mainitan yan sikmura mo. Akina suklay mo apo. Ako na magsusuklay sa buhok mo." Naupo ako sa tabi ni lola. "Heto po, ang suklay La." Abot ko sa kanya. "Ganda talaga ng apo ko. Kapag 'yan ang suot mo, nabigay sa'yo ng lolo Lito, mo hija." Aniya ni lolo na masaya. "La. Maganda ba talaga ako? Lagi ko, naririnig 'yan sayo. Simula bata palang ako." "Oo, apo. Maniwala sa akin. Maganda ka. Kamukhang mukha mo nga mama mo. Nung dalaga pa siya." Napawi ang ngiti ko sa labi ko ng bangitin niya ang ina ko. "La, kung kamukha ko siya? Bakit niya ako iniwan sa inyo? bakit hindi nila ako binalikan? hindi ba nila ako mahal? kaya ayaw nila sa akin La?" Malungkot na tanong ko kay lola. "Apo, mahal ka ng mga magulang mo. 'Yan tatandaan mo parati. 'Wag kang magtatanim ng galit sa kanila. Hindi ibig sabihin nun, na hindi kana nila binalikan. Ay hindi ka nila mahal. O ayaw na nila sayo. Baka may nanyaring masama sa mga magulang mo. Kaya hindi ka nila nabalikan pa." Marahil nga tama si lola baka may nanyaring masama saka nila kaya hindi nila ako nabalikan pa. Wala din naman kakayahan sila lola noon kung saan hahanapin ang mga magulang ko. Sabi ko nalang sa isip ko. "Pero, La. Alam mo ba kung saan nakatira ang mga magulang ko? Kung may kapatid ba ako? nang makilala mo sila? ng ibigay nila ako sa inyo ni lolo, Lito." "Nung ibinigay ka ng mga magulang mo sa amin ng lolo mo. Dalawang taon gulang ka palang noon. Ang pagkakatanda ko. Buntis ang mama mo nun. Kasama niya ang papa mo. Nung ibigay ka nila sa amin. Dahil hindi nila kayong kayang buhayan magkapatid. Kaya pina-ampon ka nalang nila sa amin. Dahil sa wala kaming anak ng lolo mo. Tinggap ka namin at hindi ako nagsisisi. Ikaw ang naging apo ko. Salamat apo. Kahit hindi ka namin tunay na apo. Minahal mo kami ng lolo mo." Maiyak-iyak na kwento ni lola sa akin. Matagal kuna rin alam na hindi nila ako tunay na apo. Sila din nagkwento sa akin nun. "Salamat din po, sa inyo ni lolo. Kasi kayo ang umapon sa akin at hindi niyo ako tinuring na ibang tao." Magaan na hinaplos ni lola ang mahabang kung buhok sa pasasalamat ko sa kanila ni lolo Lito. "Savannah, apo." Sa tono palang ng boses ng kanyang lola ay parang may gustong itong itanong sa kanya. "Bakit La?" Tanong na pabulong ko. "Wala bang nanliligaw sayo, apo. Sa pelengke? Maski. Nagkakagusto sayo. Wala bang ganun? sa tuwing baba ka sa bayan?" Nangunot ang noo ko kung bakit iyon tinatanong ni lola sa akin. "Wala naman po, La. Bakit niyo po naitanong ang bagay na yan?" Ikinagulat ko ang tanong na iyon ni lola sa akin. "Malapit na ang ika-dalawang-put tatlong kaarawan mo, apo. Wala ka bang pupusuan na mga lalaki man lang d'yan?" Muli niyang tanong sa akin. "Wala pa po sa isip ko' yan, La, tsaka po. Ayaw ko pong mag asawa. Kung iiwan din po niya ako katulad ng pag-iwan ng mga magulang ko sa'kin. Ang alam lang magtanim ng gulay sa tapat ng bahay natin at magtinda sa pelengke. Ano po ang ipagmamalaki ko. Kung mag-aasawa po ako? Tsaka nand'yan naman po kayo, La. Kaya hindi ko po kailangan ng lalaki sa buhay ko. Kayo ang kailangan ko. Hindi lalaki, La." Saad ko kay lola na hindi humaharap sa kanya at totoo naman ang sinabi ko. Ano nga ba ang ipagmamalaki ko. Kung mag aasawa ako? kung sakaling magkaroon ako nun. At wala talaga sa isip kung magasawa kahit tumanda pa ako katulad ng kay lola. Marami bagay sa mundo ang hindi ko alam. Hindi ako nakapag tapos ng pagaaral. Ilan buwan lang ako nag-aral ng grade tree ng pahintuhin nila ako. Nila lolo, at lola, sa pag-aaral. Sa bahay nalang daw ako mag-aral mas maganda pa daw. Pero hindi naman nila ako tinuturuan magbasa at magsulat. Kaya naman palihim ako noon nag-aaral na mag-isa kung may pagkakataon ako pumuslit at habang tumatagal naiisulat ko na ang pangalan ko at nakakabasa na ako sariling sikap ko. Naalala ko nun. Nagpupunta pa ako sa ilog noon, dahil sa kagustuhan ko matuto. Kaya kahit papaano marunong akong magbasa at magsulat ng pangalan ko at magbilang rin. Pero hindi ko sinabi kila lola at lolo, nakakabasa na ako. Alam ko magagalit sila sa akin. Kapag sinaway ko ang gustuhan nila. Na para din daw naman sa kapakanan ko ang ginagawa nila. Dati hindi ko naiintindihan kung bakit? At hindi rin ako nagtanim ng galit sa mga umampon sa akin. Kahit ayaw nila ako matuto. Minahal ko sila na parang tunay na mga magulang ko. "Apo. Makinig ka sasabihin ko sayo. Pasensya kana kung hindi ka namin pinag-aral ng lolo mo at marami kaming pinagkait sayo na mga bagay dito sa mundo. Kasi natatakot kaming mag asawa. Kapag marunong kanang magbasa at nakakaintindi kana. Baka iwanan mo kami ng lolo mo. Kaya mabuti namin na wala kang alam. Patawad sa nagawa namin sa'yo apo, ng lolo mo?" Ang paghingi ng tawad ni lola Nora. Ang bumagsak sa katahimikan ko. Upang mapahikbi ako sa pagiyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD