Savannah
Sapat ba nga bang sisihin ko sila sa ginawa nila. Dahil marami silang pinagkait sa'kin na mga bagay na dapat na malaman ko. Pero sa kabila ng lahat ng nun. Minahal ko parin sila na walang galit na naghahari sa puso ko. Humarap ako kay lola na nakangiti.
"Tapos na po yun, La. At kalimutan na natin 'yun. Wala naman akong sama ng loob sa inyo ni lolo. Alam ko nagawa lang niyo iyon. Dahil sa mahal niyo ako at ayaw lang niyo ako mawalay sa inyo. Kaya tahan na po La. Baka makasama pa sa inyo ang pag-iyak e." Gumagaralgal na sabi ko at pinunasan ko ang mga luhang humagos sa kanyang pisngi.
"Salamat, apo. Napakabait mong bata at napaka-swerte ang lalaking pangangasawa mo. Marami ka man hindi alam. Pero maraming ka din katangian na pwede niyang ipamalaki sayo. Lalo na 'yung kabaitan mo. Kapag nakilala mo ang lalaki iyon, 'wag mo na sana s'yang iiwan, apo. At mahalin mo siya katulad ng pagmamahal niya, sayo."
Huh? "Pero, La. Hindi ko alam kung paano magmahal ng lalaki? at paano ako makakatiyak na may magkakagusto sa akin, sa ganitong ayos ko?"
"Apo, kailaman hindi naging bulag ang pagmamahal. Maraming lalaking magmamahal sa'yo sa kabilang ng pagiging mang-mang mo hija. Kapag naramdaman ng puso mo. Ang salitang pagmamahal. Sundin mo lang ang tinitibok n'yan. at ang sinisigaw. Siya ang magtuturo sayo. Kung paano magmahal. Kapag nakilala muna ang lalaking nilaan para sayo ng panginoon. Hindi habang buhay, apo. Kasama mo ako. Darating 'yung panahon, na lilisanin ko itong mundong ito. Ayaw man kita iwanan na magisa. Dahil alam ko malulungkot ka. Pero hindi ko hawak ang buhay ko. Kung hanggang kailan pa ako mananatili sa tabi mo at magtatagal sa mundong ibabaw. Masakit din sa akin kalooban na, iiwanan kita apo. Pero wala akong magagawa. Dahil siguro panahon ko rin para magpahinga at makasama ko ang lolo Lito mo sa kabilang buhay. Kaya ang gusto ko sana. Lakasan mo pa ang loob mo hija at magpakatatag ka. Para sa amin ng lolo mo. Babantay ka namin ng iyong lolo, Lito. Kung nasaan ka man naroroon hija." Muling bumalo ang mga luha ko sa mga mata ko. Habang sinasabi ni lola ang mga ganun salita. Parang unting-unting nauubusan ng lakas sa pinapahiwatig ni lola.
"Lola! 'wag naman kayo magsalita ng ganyan! Pakiramdam ko tuloy... Parang handa na n'yo akong iwanan magisa dito sa mundo e. Paano na ako?!" Humihikbing kung tanong sa kanya. Sinalubong ko ang tingin ni lola sa akin. Kahit nanlalabo ang mga mata ko sa paiyak. Gusto kung bawiin niya lahat ng sinabi niya na hindi niya lilisanin ang mundo lalo na ako.
Pero ngumiti lang siya may kakaibang aura. Hinaplos ng makagaspang na kamay ni lola mukha ko.
"Savannah, apo. Tahan na. Huwag kanang umiyak. Maganda ka at mabait na bata. Maraming magmamahal sayo na mga tao. Ang sabi ko sa'yo, babantayan kita. Kami ng lolo mo, 'yan ang lagi mong tandaan apo."
"Bakit ang dali lang niyo sabihin 'yan sa akin, La?"
"Dahil gusto ko maghanda ka sa posibilidad na manyayari apo. Lahat ng bagay sa mundo. May hangganan. Isa na d'yan ang mabuhay ko, apo. Marami ka man pagsubok na daraanan kapag nawala ako sa tabi mo. Alam ko makakayanan mo iyon dahil malakas ka. Gusto kong paghandaan mo iyon apo."
"Ano po ba ang ibig niyong sabihin, La?
Hindi ko maintindihan. Hindi pa ba naging sapat ang mga pagsubok na naranasan ko. Nung bata pa ako? Pitong taon palang ako ng turuan ako ni lolo. Magtinda ng gulay, sa palengke. Magtanim ng gulay sa likod ng bahay natin. Magsibak ng kahoy para may pang gatong lang sa kalan?"
"Apo. Hindi iyon ang ibig kong sabihin na pagsubok. Higit pa dun ang mararanasan mo pero magtiwala ka sa sarili mo na malalagpasan mo iyon.
Pero ang pinaka gusto ko. Bumuo ka ng sarili mong familya. Na matatawag mo sa'yo talaga. Na magpapasaya sayo, sa kabila man ng maraming hamon sa buhay mo apo." Napaka-imposible lahat ng sinasabi ni lola. Paano ako magkakaroon ng familya? Wala naman lalaki sa buhay ko. Umiling lang ang ulo ko. Hindi ako naniniwalang magiging masaya pa ako sa kabilang ng lahat. Kung lahat sila ay iiwan din ako kagaya ng ginawa ng mga magulang ko sa akin.
"Apo, sana 'wag mo isarado ang isip mo at puso mo sa bagay na 'yan?" Hinawakan ni lola ang mga kamay ko at pinisil. Tipid na ngiti lang ang binigay ko sa hiling niya sa akin.
"Aalis na po ako, La." Saad ko at tumayo. Mabigat na sa dibdib ang lahat ng sinasabi ni lola sa'kin. Ayaw ko nang makarinig ng ganun sa kanya. Ininum ko muna ang kape ko. Kinuha ko ang isang supot na puro mga gulay ang laman sa gilid ng pintuhan namin.
"Mag-iingat ka, apo." Bilin sa akin lola.
"Oo, po La. Kayo rin po? mag-iingat kayo rito sa kubo. Babalik ako kaagad kapag naubos na po ito." Paalala ko sa kanya na parang walang nanyaring iyakan.
"Wag mo ako masyadong alalahanin, apo. Ayos lang ako rito. Sige na, alis kana, ingat ka sa daan."Bilin ulit sa akin ni Lola.
"Oo, po, La..." Sigaw ko habang papalayo ako sa kanya. Iniwan siya nakaupo sa kahoy na sofa.
Ma-aliwalas ang mukha ni lola bago ko siya iwan sa kubo. Pero may bumundol na kaba sa puso ko hindi ko maintindihan. Pero kaagad ko iyon winaksi sa isipan ko. Hindi naman siguro papabayaan ng panginoon ang lola ko na mag isa.
Huminga ako ng malalim at ngumiti at nagsimula ng lumakad na patalon-talon pa ako sa paglalakad sa ma-alikabok na kalsada.
"Ay!" Medyo sigaw ko ng mapigtas pa ang tsenilas kung di goma. Sa katagalan na rin. Huminto muna ako sa paglalakad at naghanap ng manipis na pako at ipinasok ko sa butas ang nagsisilbing kandado nun at itinusok sa madulo ang pako. Ng maayos ko na. Naglakad na ako muli.
Sa edad kong pitong taon. Batak na ang
murang katawan ko sa pagtitinda ng gulay. Ito lang ang kinabubuhay namin maglola sa ngayon dahil sa hirap ng buhay sa bundok. Aminado ako na salat kami sa maraming bagay at minsan lang makakain ng kanin sa isang taon at makatikim din ng ulam. Kapag maganda ang kita ko sa pagtitinda ng gulay sa bayan. Mahirap man ang pinagdadaan ko ay, ayos. Basta pinaparamdam sa akin ng mahal ako.
Kapag wala akong kita. Halos gamot lang ni lola Nora ko ang nabibili ko at gamit sa bahay. Katulad ng kape at asukal, lang ang nauuwi ko sa bahay namin. Minsan kapag wala talagang kita. Wala akong nauuwing gamot ni lola, sa galing sa pagtitinda. Na-aawa ako para kay lola. Matanda na siya pero hindi pa siya nakatikim ng magandang buhay sa buong buhay niya. Pero ito lang ang alam kong hanap-buhay para lang mabuhay kaming dalawa at hanggang ngayon ay hindi ko parin napapa-tignan si lola sa mga doktor, sa center. Dito sa may bayan namin. Dahil napaka-layo at ang mahal pa ng singil nila para sa check up lang ni lola sa puso. Kakulangan din sa pera. Kung bakit hindi ko magawang dalhin si lola sa center.
Kaya todo kayod na ang ginagawa ko ng husto. Para lang may pabiling gamot si lola Nora. Aa pang araw-araw niyang pangangailangan. Nang matanaw ko na ang pelengke ng bayan. Nagmadali na akong lumakad makarating lang ako doon.
"Magandang umaga, po." Bati ko sa mga kaibigan ni lola na matatanda na rin katulad niya. Nilapag ko ang bitbit kung supot sa sahig at naglatag ng sako.
"Mabuti dumating kana, hija." Tuwang may halong pag-alala.
"Bakit po? Hinihintay niyo po ba akong dumating?" Tanong ko naman.
"Oo, hija. May naghahanap kasi sayong dalawang tao, kanina rito. Isang babae, at isang lalaki." Sabik niyang kwento sa akin. Nangunot ang noo ko.
"May naghahap sa akin? Sino po sila? at bakit daw po nila ako, hinahanap?" Nagtatakang tanong ko
"Hindi nila sinabi kung bakit ka nila hinahanap. Pero 'yung babeng may kasamang lalaki. Siya ang naghahanap sayo at nagtatanong sa'yo. Tungkol sayo hija. Kung kilala ka ba daw namin at saan ka daw nakatira. Ang gwapo ng lalaking naghahanap sayo at mukhang mayaman. Iyon nga lang. . Masungit ang dating at medyo nakakatakot, sa totoo lang." Mahabang salaysay ng matanda sa akin. Binundol ako ng kaba sa kwento niya. Dahil hindi ko kilala ang tinutukoy niyang mga taong naghahanap sa akin.
"Ano po, sinabi niyo. Duon sa lalaking
naghahanap sa'kin? Sinabi niyo po ba, kung saan ako nakatira?" Umiling naman ang matanda. Ikinatuwa ko.
"Hindi hija. Kahit pa nagbigay sila ng pera, ay hindi ko tinanggap. Baka sindikato iyon at mapahamak pa kayo ng lola mo. 'Yan ang unang pumasok sa isip ko habang kausap ko sila. Ka-aalis nga lang nila bago ka dumating e. Kilala mo ba ang naghahanap sayo hija?" Balik na tanong niya sa akin at nakahinga ako ng maluwag. Mabuti nalang hindi niya sinabi baka dagdag pa iyon sa iisipin ko at aalahanin ko pag-uwi ko mamaya sa bahay.
"Naku po, hindi po at wala akong matandaan na may naghahanap sa'kin na lalaki. Ayon po sa kwento niyo sa'kin. Sa susunod po na magtanong sila ulit, tungkol sa akin? maari po ba n'yong. Ipangako sa akin na, wag niyo ituturo ang bahay namin ni lola?"
"Makaka-asa ka, hija." Mabilis na sagot ng matanda sa'kin.
Sino kaya sila? bakit nila ako hinahanap? Anong pakay nila sa akin?
Mga tanong na mahirap bigyan ng kasagutan. Malalim na bumuntong hininga ako at napa-isip sa isang lalaking, hinahanap daw ako. Bakit kaya? Tanong ko sarili ko. Sino kaya sila? Hindi tuloy ako makag-pokus sa magtitinda ngayon. Kinakabahan pa ako. Kung ano ang nanyayari sa'kin parang may kakaiba sa dibdib ko. Kaya minabuti ko nalang umuwi nalang sa bahay. Baka bumalik pa iyong lalaking naghahanap sa akin. Walang akong matandaan na may kaibigan ako at kakilalang tao. Maliban sa mga naging kaibigan ng lolo ko at lola ko. Iyon lang.