Chapter 3

1301 Words
Savannah Lakad takbo ang ginagawa ko ngayon makauwi lang sa bahay namin ni Lola. Halos kapusin ako ng hininga sa pagmamadali at tagaktag na rin ang pawis ko sa noo ko at likod ko. Pero hindi ko iyon alintana makauwi lang sa bahay. 'Yung mga gulay na dapat ititinda ko sa pelengke ngayon ay iniwan ko nalang sa pwesto ng kaibigan ni lola. Ititinda ko nalang iyon kapag nakababa ako muli sa palengke. Sa ngayon kailangan ko muna hindi bumaba. Baka bumalik ang mga naghahanap sa akin. Nakaramdam kasi ako ng takot at hindi ko pwedeng sabihin kay lola ang tungkol dun. Alam ko magalala siya ng husto sa akin at magtatanong siya sa akin at mahihirapan akong ipaliwanag ang bagay na iyon sa kanya. Nang makarating ako sa kubo namin pumasok kaagad ako at nagpunas ng pawis at hinanap ko kaagad si lola sa loob ng barong kubo at dumiretso ako sa maliit na silid ni lola at hinawi ang kurtinang nagsisilbing pinto nito. Nakita ko siya nakahiga sa kanyang pagpag na mahimbing natutulog na yakap pa niya ang luma litrato ni lolo. Nakadama ako ng lungkot na unting-unting bumabalot sa puso ko. Magisa nalang ako, kung iiwan pa ako ni lola para sumunod kay lolo. Alam ko sobra na ang pangungulila ni lola kay lolo. Pero lagi kung iniisip, paano ako? Kung iiwan niya ako? At umalis ako sa harap ng kwarto ni lola at nagtungo sa likod ng kubo. May maliit na ipuan dun at naupo ako tsaka tuminga lang langit. Minsan naiisip ko kapag nagiisa ako, lungkot ang buhay ko. Parang daming kulang sa pagkatao ko. Noong bata pa ako. Bilang kulang sa mga kamay ko nakipag laro ako sa mga katulad kung bata noon dahil maaga ako sinusundo ni lolo sa paaralan para hindi daw gabihin sa daan dahil delikado na. Naiintindihan ko sitwasyon noon. Kung gaano kahirap manirahan sa bundok. Paano kaya kung hindi ako iniwan ng mga magulang ko kay lola at lolo. Ano kaya buhay ko ngayon? Hinagad ko noong bata pa ako. Na sana dalawin ako ng mga magulang ko at kunin nila ako. Kasi gusto ko rin magkaroon ng magulang na inaalagaan ang kanilang mga anak. Naiingit ako sa mga kaklase ko noon, nung nagaaral pa ako na may nagsusundo saka nilang nanay at tatay. Ngumingiti nalang ako kapag tumitingin sila sa akin. Naghintay ako ng matagal sa pagdating ng mga magulang ko. Baka sana maalala nila ako, na may anak silang iniwan. Hanggang sa lumawak ang isip ko na wala akong halaga sa magulang ko? Kaya hindi nila akong binalikan. Ayaw ko magtanim ng galit sa kanila dahil magulang ko sila. Hindi sana ako nakakaramdam ng lungkot na parang nagiisa sa mundo. Kahit ang mahalagang araw sa pagkatao ko, na umaasang bibisitahin nila ako. Pero wala sila sa mga araw na dumadagdag ang edad ko at nagkakaisip ako at isa pa sa dumadagdag sa kalungkutan ko ang naghahanap sa akin? Pero hindi matatandang ang naghahanap sa akin. Kundi binata at dalaga daw. Paano ko iisipin kung magulang ko ang naghahanap sa akin? Kung taliwas ang itsura ng mga naghahanap sa akin at binata pa? "Savannah.." Napatayo ako bigla ng marinig kung tawagin ako ni lola. "Ikaw pala, La?" Kinagulat na sabi ko sa kanya. "Kanina kapa ba, nakauwi, apo? Bakit ang aga mo yatang ngayon? Na ubos ba, ang tinda mong gulay, apo?" Tsaka siya lumapit sa akin at upo sa inupuan ko at tumingin sa akin. "Kararating kulang po, La.. At Nagpapahinga lang apo, ako saglit at nagpapahingin rin po dito sa likod ng kubo natin, La... Hindi po, naubos ang gulay na dala ko, kasi po? Matumal at walang gaanong tao ngayon sa palengke, La.. Kaya naisipan ko nalang umuwi ng maaga, La..." Pagsisinungaling ko kay Lola. Pero napansin ko rin kanina na walang gaano ng tao talaga sa palengke. "Ganun ba, apo? Napansin ko sayo, kanina, apo. May malalim kang iniisip? Pwede mo bang sabihin akin Savannah, apo?" May pagalala tanong sa akin ni Lola. Tumalikod ako mula sa kanya at tumingin muli sa langit ang mga mata ko. "Wala po iyon, La... At wag na po niyo intindihin iyon. Na pagod lang po ako pag-akyat sa bundok makarating lang po sa bahay, natin..." Pagkukunwaring alibay ko at ayaw ko bigya si lola ng alalahin dahil matanda ito. "Maaga ka nalang matulog, apo. Para makapag pahinga ka ng maaga, ah?" Saad ni Lola sa akin at pumasok sa loob ng kubo at sa akin pagiisa muli. Kalungkutan ang naghahari sa akin puso ng tumingala ako sa langit at may nagbabadyang parating na ulan. Sumunod na rin akong pumasok sa loob. "La.. Maghahanda lang po ako, ng hapunan natin. Wag muna po kayong pumasok sa silid, niyo..." Paalala ko kay lola ng akmang tatayo na siya ulit sa kina-uupuan niya ng madatnan ko siya sa mahabang sofang kahoy na kaupo. "May pagkain paba tayo, apo?" Napatigil ako sa pagbukas ng sardinas ng tanungin ako nila Lola sa bagay na iyon? "Oo, po, meron pa, po La... Meron pa tayong ilan araw na pagkain sa bahay... Di'ba, noong nakaraan araw, La. Malaki ang kinita ko sa pagtitinda. Kaya po, bumili po ako ng sobrang pagkain natin sa bahay, La. Para hindi po kayo, nagugutom sa tuwing nagiisa kayo dito sa kubo, La..." Habang lintaya ko. Nilagay ko ang isang maliit na mangkok ang sardinas na pagsasaluhan namin ni Lola ngayon hapunan at kumuha ako ng dalawang pirasong tinapay at dalawang mais na nilaga kaninang umaga. Ito ang hapunan namin ngayon maglola. "Halika na, La... Para makapag hupunan na po kayo. Malamang gutom na po kayo? Ayaw naman niyong mag-meryenda. Kahit po, may iniiwan naman po akong pagkain sa dito sa bahay..." Pagrereklamo ko sa kanya. "Pansensya kana, apo.... Marahil hindi lang ako sanay na nagmemeryenda sa hapon... Nakasanayan kuna 'yan, simula ng bata kapa..." "Sige, po.. Hindi kuna ipipilit ang gusto ko. Pero kumain po kayo ng marami, kapag hapunan na... Para malakas kayo, pagkagising niyo sa umaga, La..." Ngumiti lang sa akin Lola at nagsimula ng kumain. Magana siyang kumain nakita ko iyon. Kaya naging magana na rin akong kumain... Sana magtuloy-tuloy na ang maganang pagkain ni Lola araw-araw. Dahil ginawa ko ang lahat makakain lang kami sa isang araw dalawang beses. "Salamat apo, sa masarap na hapunan... Na busog, ako..." Masaya sabi niya sa akin at napangiti ako ng husto. "Walang anuman, La.. Ginagawa ko ito para sayo... Gusto kung lumakas kapa..." Gusto ko pa sanang sabihin na para matagal kupa siyang makasama pero ng makita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Nawalan na ako ng lakas para sabihin iyon sa kanya. "Apo, mauna na ako pumasok sa silid ko. Gusto kunang humiga. Magpahinga kana rin ng maaga pagkatapos mong kumain ah?" Lumapit sa akin so Lola at hinaplos niya ang mahabang buhok ko ng magpapaalam siya sa akin. "Sige, po, La... Magpahinga na po, kayo... Ako na bahala, dito..." Tumango nalang si lola at umalis na sa harap ko at pumasok sa silid niya. Dali-dali na rin ang akin ginawa sa paglilipit ng pinagkainan namin. Hinugasan ko ito at naghilamos na rin ako ng akin katawan. Dala ng pawis ko kanina malagkit ang pakiramdam ko. Pero bago ko tinungo ang silid ko. Sumilip muna ako sa silid ni Lola. Kung ano ang nakita ko kaninang pagdating ko na ayos niya. Iyon ang nakita ko ngayon, ulit. Pumasok na rin ako sa loob ng silid ko ng lisanin ko ang kwarto ni Lola. Nagpalit rin ako ng damit ko at naglatag ng igahan sa papag at nahiga. Pagod ang isipan ko pati katawan ko. Pero mas pagod ang puso ko sa kalungkutan nararamdaman ko. Mahirap magsimula at bumuo ng panibagong yugto sa buhay ko. Nais kung maging masaya? Bakit taliwas ito sa nanyayari sa buhay ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD