Savannah
Maaga ako na gising dahil sa ingay ng kulog sa labas at may dalang malalakas na hampas ng hangin. Marahil ay may bagyo na naman dumating. Bigla ako na bahala. Baka biglang bumuhos ang malakas na ulan sa kubo namin at tangayin ang mga pinagtagping-tagping pundasyon sa gilid ng kubo, para lang hindi ito masira. Kahit pa nakatali ito sa mga puno. Pero sa lakas ng hangin at ulan na pabagsak palang mukhang hindi kakayanin ng kubo namin ang malakas na unos.
Lumabas ako ng bahay at sinilip ang nanyayari sa paligid. Sabay pikit ng mga mata ko ng salubugin ako ng malakas ng hampas ng hangin sa akin mukha. Ang mga puno mistulang nagsasayaw nakikipag laro sa hangin at ang mga tuyong mga dahon nagsilaglagan sa lupa at ang buong paligid naging madilim. Ganito naman ang nanyayari kapag masama ang panahon sa amin. Iyon nga lang huwag lang sobra. Baka masira din ang mga tanim kung gulay dahil matagal pa naman ulit lumaki mga iyon at mahirap ibenta sa palengke kapag maliit ang mga gulay na ititinda ko. At malamang magigising si lola Nora, kapag ganito ang narinig niya at makita niyang panahon ngayon.
Dali-dali akong pumunta sa silid niya at puntahan siya dun. Hinawi ko ang kurtina ng silid niya.
"La... Gising kana ba? Masama po, ang panahon ngayon, La.." Malungkot na sabi ko ng makalapit na ako sa silid niya at pumasok ako sa loob ng silid ni Lola Nora at naupo ako sa gilid ng igahan ni Lola ng wala akong makuhang sagot mula sa kanya. Kaya hinawakan ko ang kamay niya. Ngunit nangunot ang noo ko at biglang kumabog ang dibdib ko sa kaba, nang malamig na ng hawakan ko ang kamay ni lola Nora. Biglang bumuhos ang mga luha ko sa mga mata ko.
"La...." Umiiyak na tawag ko sa kanyang at niyuyog ko ang katawan ni lola para gumising siya.
"La... Gumising kana, d'yan?! Huwag ka naman, magbiro ng ganito?!" Humahahulgol kung iyak sa kanya at pinapaniwala ko ang sarili ko? hindi ito totoo?
"La, gising? La, gising? Ipaghahanda pa kita ng pagkain mo... Gising kana?! Sige na?!" Nababaliw na tawag ko
"Paano na ako, La?! Iniwan mo rin ko?! Kagabi, ayos kapa... Nagusap pa tayong dalawa di'ba?! Bakit? Bakit?! La?! Bakit sa ganitong paraan mo ako iniwan?! Hindi ako handa, La?! Gumising kana, d'yan.... La!" Nagmamakaawang sabi ko sa kanya gumising siya. Pero kahit anong gawin yugyog sa katawan ni lola Nora, hindi talaga siyang magising. Malamig at matigas na ang katawan ni lola ng yakapin ko ito habang umiiyak sa kanya at hindi ko alam kung ano gagawin ko? Pati ang masamang panahon nakikipag dalamhati sa akin.
"Bumangon na kayo d'yan, La.... Ayaw kung mag-isang mabuhay sa mundo?! Lalo na, dito sa kubo, natin! Gagawin ko lahat! Bumangon lang kayo, d'yan... Wala ba akong halaga, sayo?! Bakit mo ako, iniwan?!" Humahagulgol kung sumbat sa kanya. Masakit sa dibdib na iniwan niya akong nagiisa. Kung gaano kasakit nawala si Lolo sa amin ni Lola. Mas masakit pa iyon ngayon dahil nagiisa nalang ako.
Hindi ba nila akong mahal? Kaya iniiwan nila ako?! Na laging nagiisa? Mas gusto ba nila nasasaktan ako at nahihirapan? Bakit ganun sila, sa akin?
Wala naman akong kasalanan sa mundo. Para makaramasan ko ang ganitong sakit, sa pakiramdam ng mga taong nagalaga sa akin. Masasabi kubang ma, swerte ako? Kung ang bigat-bigat ng pinagdaraan ko ngayon.
"Dapat, La... Sinabi mo, naiiwan mo ako? Para sumama nalang ako, sayo? Alam niyo kung gaano kasakit sa akin ang ganito, e? Gusto kung magalit sayo?! Pati sa mga magulang kung, binuhay pa ako?! Kung ito naman ang mararanasan ko?!" Napasalpak ako sa lupa habang umiiyak sa malamig na bangkay ni lola. Ang ingay ng hangin? habang tumatagal lumalakas. Ganito ang bumabalong ang mga luha ko, na puno ng sakit at pangungulila sa mga taong nagalaga sa akin simula ng bata pa ako.
Iyak, hagulgol ang ginawa ko habang nakatingin ako kay lola, nakahiga sa kanyang hinihigaan. Hindi ko alam kung masaya ba siyang iniwan niya ako? Bakas naman sa mukha niya ang masaya siya. Kasi makakasama na niya si lolo, Lito sa langit... Tumayo ako mula sa pagsalampak ko lupa, habang yumuyog ang magkabilang balikat ko sa pagdadalamhati ko. Pumunta ako kaagad sa likod ng kubo at patakbong pinuntahan ko ang puntod ni lolo Lito duon.
Umiiyak napasalampak muli ako sa puntod ni Lolo. "Lo.. Alam mo ba? Ang daya, daya, ni Lola?! Kasi iniwan na, niya ako? Katulad mo, iniwan mo rin ako? Kayong dalawa? Kayo nalang ang familya ko, iniwan niyo pa ako? Masaya ba kayo, Lo? Dahil nakikita niyo akong umiiyak sa harapan niyo?! Bakit lupit ng mundo sa akin, Lo?!" Halos yakapin kuna ang lupa sakakaiyak sa harap ni lolo. Sana ang lahat ng bagay ay may hangganan katulad ng kalungkutan na naghahari sa puso ko. Pero may katapusan ba? Simula ng sinilang ako sa mundo, ito na ang nararamdaman ko sa pagkatao ko. Kahit pagod na pagod ako sa kakaiyak, pinilit ko parin bumangon mula sa lupa at lakas loob kung kinuha ang pala at naghukay ng libingan ni lola sa tabi lolo.
Humahagulgol ako sa paiyak habang ginagawa ko ito. Halos malambo na ang paningin ko sa pagiyak ko. Ang unting-unting pagpatak ng ulan ay ramdam kuna. Mas lalong lumakas ang iyak ko. Sa bawat patak ng ulan sa lupa, ito na ang magiging buhay ko ang mag-isa. Dito na ako tatanda at mamatay din katulad ng kay lolo at lola.
Hindi ko alinta ang pagod sa paghuhukay. Mas maramdam kupa ang pagod sa sakit. Nanginginig ang mga kamay ko ng binitawan ko ang pala ng matapos akong maghukay. Hindi kakayanin ng lakas ko ang maghukay ng malamig kaya tumigil na ako at pumasok ulit sa loob ng kubo at puntahan si lola sa kanyang silid.
Kinagat ko ang labi ko ng mariin sa paghikbing ko. Pumasok ako sa loob ng silid ni lola at pinagmasdan ko siya ng maihigi. Ito na ang huling makikita ko siya at mahahawakan at mayayakap.
Niyakap ko si lola. "Ang daya! daya! mo La?! Nangako ka sa akin, hindi mo ako iiwan? Pero ano itong ginawa mo sa akin?! Hindi ganito ang pangako mo sa akin, di'ba?!" Sumbat ko sa kanya ulit at kinuha ko ang kumot ni lola na lagi niyang ginagamit. Na abutan ko siyang na walanang hininga at ako pang maglilibing sa kanya sa huling hatungan niya. Sobra ang sakit na dama ko! Binalot ko ang katawan ni lola ng kumot niya at nanginginig ang buong pagkatao ko habang ginagawa ko ang bagay na ito sa kanya.
Buong lakas kung binuhat ang bangkay ni lola, kahit hinang-hina na ang katawan ko, para ilabas siya at dalhin sa kanyang libingan niya, na hinukay ko at Maingat ko siyang binaba at hiniga sa kanyang magiging tahan niya, kasama ang kanyang asawa sa tabi niya. Sa akin pagsigaw sa pagiyak.. Dun lang bumuhos ang malakas na ulan. Halos matuba ako sa ayos ko sa lakas ng bumuhos ng ulan sa katawan ko. Basang-basa na ako. Pero wala akong pakialam... Dahil ang ulan lang ang kasama ko sa pagdadalamhati ko. Tinabunan ko ang puntod ni lola at muli kung binuhos ang natitirang lakas ko sa katawan ko. Dala ng pagod sa paiyak at paghuhukay. Ramdam kuna rin ang hilo at bigat ng katawan ko.
"La.... Paalam! Mahal na mahal ko kayo, ni Lolo! Salamat sa lahat!" Huling katagang binitiwan ko ng mapaluhod ako sa pagod. Matabunan lang ang ng lupa ang libingan ni lola. Masaganang luha at sakit, na tamo ko ngayon araw.
Ang sakit! Sakit! Halos mapunit ang puso ko sa pangungulila saka nila.... Halos humiga na ako sa lupa, ng nagdilim ang paningin ko. Ang panginginig ng katawan ko halos hindi ko rin kayang pigilan sa lakas ng ulan at sa lamig ng hangin dumadampi sa basa kung katawan. Pinikit ko ang mga mata ko at nagpalamon sa dilim na nakikita ko ngayon.