CHAPTER 7 - PART 1

1179 Words
CHAPTER 7 – PART 1 Kakababa lang ng kotse nina Aurora at Ade. Nasa school parking lot na sila. As usual, pinagtitinginan sila ng halos mga nakapansin sa kotse niya. Nakabukas naman ang bubong ng sasakyan niya kaya iniwan muna niya ang bag sa upuan. Sinabihan na niya si Ade na siya na ang magdadala ng sariling gamit dahil sinusubukan nito kanina na bitbitin ang bag niya. Wala pang 9:00 kaya napaaga ata sila ng dating. Sumandal muna si Aurora sa gilid ng kotse at tiningnan ang ayos ng sarili sa camera ng phone niya. Si Ade naman ay kausap ang ama sa tawag. Nakaupo pa ito sa passenger seat. After a few minutes ay tinawag siya nito. “Signorina, okay na daw yung kotse ko, andon na sa bahay namin. Uuwi ako sa weekend para kunin yun, ayos lang po ba?” There was a problem with Ade’s car kaya nag train ito paglipat ng lugar. “Sabay na tayo. How about after our classes on Friday? I’ll ask papa to use our jet.” “Mag j-jet tayo, signorina?” Gulat nitong tanong. “Ou. Para madali tayo makarating don.” “Pero pwede naman na ako na lang ang umuwi. May gusto ka bang kunin don? Ako na bahala.” “Wala naman. Gusto lang din ni mamma na umuwi ako for family dinner. They wanted to know how I’m doing personally.” “Family dinner niyo sa Saturday ba?” “Si. And we’ll drive back by your car.” “Oh. Magiging busy na naman si Butler Durante.” Napaingos pa ito. “Magiging komportable ka kaya sa kotse ko.” “We both know your car is better suited for a long drive than mine.” Hindi nga kasing mahal o engrande ng kotse niya ang kotse nito pero mas komportable naman yun sa mahabang biyahe, and besides, she doesn’t mind. Kotse naman yun ng kaibigan niya and she’s with Ade so there’s no problem at all. “It's your car at ikaw ang kasama ko. Okay na yun.” “Aw.” Ade felt overwhelmed by her friend’s words. She looked at her with admiration. Iba talaga ang signorina niya. “Sabihan ko lang si Butler Durante.” Tinawagan niya ulit ang ama. Kinalikot din ni Aurora ang phone niya. Tinawagan ang taong nasa isip and for the first time, pipindutin niya ang contact number nito. After the second ring ay nasagot na din. “Hello. Good morning, Max.” Bati niya sa binata. “Hey. Good morning din. How’s your rest?” Ganti nito sa kabilang linya. She likes his voice on the phone. Ano ba, nagsisimula na naman diwa niya. “Ayos naman. I figured out you're driving that’s why I called. We’re already here at the parking lot.” “Yes. I’m about to enter the parking.” “Oh, okay. I see your car.” Tumingin siya sa b****a ng parking lot at ayun ang blue Lamborghini nito na nakakaagaw pansin. “Is there a vacant space near you?” “Yes.” She raised her hand to wave at him so he can see where she stands. “There. I saw you. Let me end the call.” Pinatay na nga din nito ang tawag. Palapit na kotse nito sa direksyon niya at dahan-dahang Ipinark ang kotse sa kanyang harapan. Katabi ng kotse niya. “Ade, I’ll put the roof on.” Sabi niya sa kaibigan at lumabas na din ito sa passenger seat. Kinuha na din ni Aurora bag niya at pinindot na ang remote para tumaas na ang bubong. “Did you wait that long? I’m sorry.” Sabi agad ni Max paglapit sa kanya. “No. We just came too early.” Sagot niya. Ayan na naman si Aurora na naka shades. He finds it a bit irritating and he don’t know why. Pero mas okay na yun para hindi siya matulala sa mga mata nito. “Hello, Ade.” Pansin niya sa isang babae na ilang hakbang ang layo sa kanila. Nag-aabang lang ito. “Magandang umaga.” Bati nito. “How did you get so good in Tagalog?” Natanong niya na din. Sa pagkakaalam kasi niya ay pure Italian talaga ang pamilya nito na naninilbihan sa mga Fontalva. “Tagalog kasi ang lengwaheng gamit nila sa mansyon at madalas ako doon. Gusto ko din matuto. Interesting kaya matuto ng ibang lengwahe. Dagdag sa resume na din.” Nakangising sagot ni Ade. Natawa siya sa huling sinabi nito. Totoo nga naman. Dagdag points na din for future purposes. “Anyway, are you all set? Let’s go?” “Tara.” Excited na bulalas ni Ade. Tumango lang si Aurora. They entered the campus and Max started explaining each building. It feels like they were brought back in old times dahil sa estraktura ng lugar. Malalawak ang kada building at nakakamangha tingnan. They both listened intently to what Max were saying dahil magaling din ito mag explain. He’s a good speaker. Making some side jokes sa ilang kwento. May pagkakataon na hindi namamalayan ni Aurora na napapatitig nalang siya dito. He’s really into this campus tour. Seems like he’s introducing a product and it’s a great presentation na makukuha nito ang kliyente. He would be an outstanding businessman, no doubt about it. Syempre hindi rin nakalagpas sa pansin ni Aurora na kahit saan sila pumunta ay may napapatingin at nakasunod na mga mata sa gawi nila. Ang ilan din ay tumatawag sa binata. Max is famous, alright. And there are also some guys na lumalapit para makipagkilala sa kanya. Halos mga kakilala din ni Max ang mga yun at bumabaling sa kanila ni Ade. Ade is quite pretty herself. She’s two inches shorter than her. She had a natural tanned skin, shoulder length brown hair and big brown eyes. She had a petite figure but full of energy. Halata naman yun dahil sa bubbly personality nito. She had that childish glow in her. Kaya nakakawala din ng stress ang kaibigan niya. A quarter before Ade’s class starts, hinatid nila to ni Max sa class hall nito. “Text me after your classes. Let’s have lunch together.” Sabi niya bago ito pumasok sa loob. “Syempre, signorina. Puntahan kita pag free period ko.” Sagot nito at tumalikod na. Sabay sila ng lunch time sa ibang mga araw. Sila nalang ni Max ang natira at bumaling siya dito. “Thanks for the company.” Sabi niya sabay tanggal ng eyeglasses, ipinwesto yun sa ulo niya. “Sure.” Pansin ang saglit na pagtitig nito sa mga mata niya at umiwas din ng tingin, umiling pa ito. “You’re quite famous. Do they know who you are?” “I don’t know. Wala din naman akong sinasabihan. Only few of my friends knew.” “Do you have somewhere else to go or anything to do? I’m fine here alone. Ayoko lang makaabala kung may gagawin ka pa.” “Do you want me to go?” “Do you want to stay?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD