CHAPTER 6 - PART 1

1256 Words
Aurora closed the roof of her car nang mailipat na lahat ng boxes sa trolley at kinuha din ni Ade ang mga binili nilang pagkain. It seemed quite heavy to push. Buti nalang nga at nagpatulong sila. She locked the car before entering the building. Ade and Max at her tow. Max was managing the trolley behind. He needed to be extra careful dahil sa mga laman ng boxes. Most students coming in and out of the building at lalo na sa pagpasok nila ay napapatingin sa binatang nagtutulak ng karga. Mga babae naman kasi sila lahat sa building. Ang ilan ay pumansin dito at tinanguan lang nito bilang tugon sa mga pagbati. He's famous. A campus hearthrob maybe. Rinig niya ang pagbati sa kanya ng receptionist pati sa kanyang bisita. Nginitian niya lang ito at taas-noo na siyang dumiretso sa elevator. Pansin niya na may nakalagay na harang doon. Agad naman tumakbo palabas ang receptionist at kinuha ang signage na nakalagay. “Ho prenotato l’ascensore, signora Aurora. Il tuo amico mi ha detto che hai ancora alcune cose da trasferire e un ospite che ti aiuta.” I reserved the elevator, lady Aurora. Your friend told me you still have some things to transfer and a guest to help you. May ilang mga bulongan siyang narinig sa mga nasa lobby nakatambay at ang ilan ay nakatayo na nag-aabang gumamit ng elevator. Naririnig niya sa iba kung bakit napaka VIP niya, sino siya at feeling prinsesa talaga. Unfair din ang trato na may mga naunang gustong gumamit sa elevator. She wanted to roll her eyes pero wala na siyang suot na shades. “Thank you, signora Trina.” Magalang niyang pasasalamat sa ginawa nito. Nagkibit-balikat siya sa mga naririnig. It’s not her fault that the building’s management chose to do the extra mile for her. Hindi naman niya inutusan ang mga ito. She was even surprised but thankful for the thoughtful act towards her. Nakakahiya kung paghintayin nila si Max na libreng tumutulong sa kanila. “Nessun problema, signorina. In qualsiasi momento.” No problem, signorina. Anytime. Tumabi na ito at binuksan ang elevator para sa kanila. Aurora stepped aside para paunahin si Max at ang trolley. Bago siya sumunod at si Ade na siyang pumindot para isara ang pinto at kung saang floor sila. She held her head high habang nakatingin pa rin sa kanila ang mga nasa lobby hanggang sa magsara na ang pinto. “Would these fit in your room?” Biglang tanong ni Max habang papaakyat sila. “Yan nga din iniisip ko.” Ade seconded. Bumaling siya sa kanang likuran dahil nandon si Ade. Si Max ay nasa kaliwa naman. She’s at the center front. The trolley is right behind her. “Kung hindi, let’s send it back to your dad.” Nakangiti niya pang sabi dito. Agad nag-iba ang itsura ni Ade. “Pero signorina—” “--I’m kidding!” Napatawa siya sa reaksyon nito na nanlaki pa ang mata kung ganon nga ang mangyayari. “Let’s just see.” Umiiling pa siya dahil sa nakakatawang takot nito sa mukha. Ang cute talaga ng kaibigan niya. Kahit kailan hindi ito nasanay sa mga patutsada niya. Max resisted a smile. Muntik na din siyang matawa sa naging reaksyon ni Ade sa sinabi ng kababata. Aurora’s rich laughter resonated in his ears. Parang nag e echo pa yun sa utak niya kahit saglit lang narinig. They’re fun to watch. Halatang madalas kinukutya ni Aurora ang kaibigan nito. The elevator pinged at its destination at naunang lumabas si Aurora. Dire-diretso ito hanggang sa pangalawang huling pinto sa kanan. Medyo malawak naman ang koridor at malinis ang paligid. Halata na bagong pintura din ang pader dahil medyo nangangamoy pa. Sa dulo ng koridor ay may terrace na may ilang upuan at dalawang mesa. The building is decent looking nang tiningnan niya yun kanina paglabas ng kotse. Pero it’s not up to his standards for Aurora to stay, for people like them. She stopped to open the door with her key and fully pushed the door inside. Nauna itong pumasok. Sumunod si Ade. He pushed the trolley right outside the door para madali lang mailipat sa loob ang karga. The room was bigger than an ordinary dorm, much bigger. Obviously, she requested the things around. From the beds to the other furniture that were not typical in a dorm room. Pansin niya rin na may gitarang nakatayo sa gilid ng kama at keyboard sa isang sulok. So, she still play until now. Mahilig talaga ito sa musika at napakaganda rin ng boses. “Balcony ba yan, signorina?” Excited na bulalas ni Ade at inilagay sa vanity desk ang mga bitbit bago nagtungo para buksan ang black-out curtain. Agad pumasok ang liwanag na galing sa labas. Medyo nakakasilaw yun. Aurora put her things on her bedside table at bumalik sa pintuan. Siya na ang nag-alalay kay Max sa pagbaba nito ng maleta. Si Ade ay nandon sa balkonahe, sa excitement nalimutan agad ang mga kagamitan. Hinayaan niya nalang ito. Iginuyud na niya ang maleta pa isa-isa patungo sa gilid ng kama ni Ade. “Please put the boxes here.” Sumunod si Max at pagliko sa isang pader ay may long table don na nakahanda. “Signorina, kita pala dito ang kalsada sa baba. Mababantayan pa rin natin ang kotse mo.” Sabi ni Ade. Ilang saglit lang ay pumasok na din ito. “Ang lawak nga dito signorina. Thank you sa malaking space ah.” Lumapit na ito sa kanila. “This is your space. Para sa mga kagamitan mo. And that wardrobe is yours.” She pointed across the room, the wardrobe at the left side, the right one is hers, malapit sa kama niya. Panay pasalamat ito sa kanya pero inutos na niyang ibalik ang atensyon sa binatang nagkakarga ng kagamitan nito. “Sorry.” Ade made a sheepish smile. “It’s okay. The space was enough for your things. You don’t have to worry then. You don’t need to send them back home.” Napangiti siya ng maalala ang mukha nito kanina. His head snapped to Aurora’s when he heard her chuckled at what he said. Malamang naalala din nito ang reaksyon ng kaibigan. She walked into another corner with the take-outs. Kusina siguro yun. Dalawang box nalang ang ililipat niya. Hindi na mabibigat ang mga yun. He finished it quickly. “Maraming salamat talaga sa tulong, Max.” Ani Ade. “It’s nothing. If you two need anything, just call me. Aurora already had my number.” “Yeah. Never even pressed it once.” Sagot nito na kakabalik lang. Kahit kailan ay hindi naman sila nagkaroon ng mobile communication. Nagkikita naman sila madalas sa mga family gatherings ng bawat pamilya. “Then it would be useful now.” “Mas mabuti na ikaw Max kesa sa ibang tao sa labas. Lalo na sa katapat na building.” “Yes. It’s much safer that way.” Sang-ayun niya. “By the way, I'm going then, para makapagpahinga na kayo.” “I know you’ve eaten already. Still, do you want to have some tea?” Alok ni Aurora. “Tea? Meron na po ba tayo non, signorina?” Singit ni Ade. “The fridge was already loaded, Ade. We have our own kitchen.” She replied. “Talaga?” Nagliwanag ulit ang mukha nito sa kagalakan at nilagpasan silang dalawa, halos patakbo itong pumasok sa hallway katabi ng isang pinto. Tama nga ang hinala niya, kusina iyun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD