Chapter 21 | Bilhin ang Batas

1420 Words
[Zach's POV] Bawat hakbang ko patungo sa selda ay ang paghakbang sa aking isipan ng mga katagang sinintensya sa aking kanina sa korte. "Zach Kim is...Guilty beyond reasonable doubt of two accounts of murder, p*******e which is murder of his own father, Alfred Kim, the victim, and Matricide, which is murder of his own mother, Darlyn Kim, the victim. The Suspect is sentence of Life imprisonment and serve that sentence without any possibilities of parole or conditional release." Naalala ko kung paano nila nilagyan ng posas ang kamay ko habang pilit kong hinuli ang tingin ng Judge. Nang marinig ko ang pang-habangbuhay na sintensya saakin ay tumulo ang mga luha ko. "Your Honor, parang awa nyo na po, Hindi ako ang may gawa ng pagpatay...Please, parang awa nyo na po, Hindi po ako mamamatay tao!" Pasigaw kong pagmamakaawa sa judge habang hinihila ng pulis papalabas ng korte. Naputol ang pag-iisip ko ng madinig ang malakas na pagkakasara ng selda ko at ang papalayong tawa ng pulis na naghatid sa akin sa silid na ito. "Magpakabait ka jan totoy!" Pinagmasdan ko ang Selda, maliit at masikip para sa apat na tao. Kahit hindi titigan ng mabuti ay maaamoy mo ang dumi ng silid na'to, pinaghalong amoy pawis at sigarilyo na siguro'y nanggagaling sa tatlong kasama ko dito, kapwa malalaki ang katawan ng mga ito at sa tantya ko ay nasa edad tatlumpo o higit lang ang kanilang edad. Lahat sila ay nakaupo sa kanya-kanyang higaan, ngunit mas kapansin-pansin sa akin ang lalakeng nakangisi sa akin simula ng pumasok ako sa silid na ito. He is bald and tattoos are all over his body, and I can sense his uneasiness on laying the bed, tanda ito na masyado syang malaki at matangkad para sa kama nya. Samantalang ang dalawa naman ay may pinagkaka-abalahan na basahin sa dyaryong hawak nila at hindi man lang ako tinapunan ng tingin simula kanina. I feel so strange, I can feel unsafe inside this room with three people that I just met today, Takot ang nadama ko para sa sarili at pagkaawa, takot para sa kaligtasan ko at paglaban sa panibagong pagsubok na ito. Napakainit, patuloy ang pagtagaktak ng pawis ko kasabay ng pagtulo ng maiinit kong luha ng maalala ko ang mga kaibigan kong sina Yuri at Mark. Ang tangin mga tao na witness ko sa krimen na nangyari sa aming tahanan nung gabing iyon, bakit hindi sila nagsalita? ~Flashback~ "Luis, parang awa nyo na, hindi ako ang pumatay, hindi ko magagawa iyon sa magulang ko" pagmamakaawa ko. "Zach, tama na pwede ba? Lahat ng ebidensya ikaw ang tinuturo, korte na mismo ang humatol kaya pano mo masasabing hindi ikaw ang may gawa? Maawa ka naman sa magulang mo, kahit man lang pagsisihan ang nagawa mo ay hindi mo magawa? Anong klaseng anak ka?" Sabi ni Luis sa naiinis na tono. "Luis, maniwala ka sa'kin, nasisiguro kong framed up to, iurong nyo na ang kaso, kailangan kong mapanagot ang kung sino talaga ang nasa likod ng krimeng ito, parang awa nyo na, kilala nyo ko, alam nyong hindi ko magaー" Pinutol ni Yvie ang sasabihin ko, ang babaeng minahal ko. "Hindi Zach, sa lahat ng nangyari, hindi na talaga kita kilala, tingnan mo ang sarili mo Zach! Isa kang mamamatay-tao, wala kang konsensya, paano mo nagawa yon sa sarili mong magulang?" Sabi nya at tiningnan ako na parang ibang tao ako sa kanyang paningin. "Yvie, pati banaman ikaw? Yvie, Hindi ko kayang pumatay!" Nanlulumo kong sinabi. "Kilala mo ko Yvie, sa lahat ng tao, alam kong ikaw ang mas nakakakilala sa akin, bakit hindi ka nagtitiwala sa akin? Matagal na tayong nagsasama, alam mong di ko magagawa ang ganitong karumaldumal na bagay!" dagdag ko habang pinipigilang humagulgol sa harap ng babaeng mahal ko. "Yvie, tumingin ka sa akin, ako ito, ang taong minahal mo, please, ikaw ang lakas ko, 'wag mo naman akong ganituhin..." Sabi ko sabay pilit hinahanap ang mata nya upang tingnan ako. "Ewan ko, Zach. Hindi ko alam kung ikaw pa ba ang taong minahal ko. Sa tingin ko, hindi ko kayang mahalin ang...kagaya mong, isang mamatay-tao." Walang-emosyon nitong sinambit habang iniiwas ang tingin sa akin. Bigla naman dumating ang mag-kapatid na Jang, ang Tatay at Tita ni Luis. "Nakikiusap po ako, tulungan nyo ako, iurong nyo po ang kaso..." sabi ko sabay lumuhod sa mag-kapatid na Jang. "Hijo, bakit ko naman hahayaang mapakawalan ang isang kagaya mong mamamatay-tao at mang-aagaw? Hindi pa ako nababaliw para gawin iyon hijo." Sabi ni Kelvin Jang habang natatawa. "Hindi ko po maintindihan...hindi po ako ang may gawa at lalong wala ho akong inaagawa sa inyo o sa anak nyo." sabi ko pa din sa nagmamakaawang tono at pinipigilang maluhang muli. "Inaagaw mo ang babaeng gusto ng anak ko, hindi ba naituro sayong dapat ay hindi ka nakiki-apid sa relasyon ng iba?" Napatanga naman ako at patuloy na naguluhan. "....nobya ko si Yvie, at hindi ko sya inagaw kay Luis, kami ang tunay na nagmamahalan ni Yvie una palang! yan! yang anak niyo ang nang-agaw!" sabi ko sabay bumaling kay Luis. "Luis ano ba ito?" Nabigla naman ako ng inabutan ako ni Mr.Jang ng isang daang pisong papel. "Eto hijo, tanggapin mo. Bayaran mo ang batas at tingnan kung saan aabot ang perang ito sa pag-abot mo sa hustisyang hinahanap mo. Sandali, hustisya para kanino? Para sayo? Para sa isang taong mamamatay-tao at sinungaling?" Sarkastiko nitong sinabi sabay mahinang tumawa. Napahiya ako at nainsulto dahil sa perang inabot nya, sasagutin ko sana sya ng pabalang ngunit napigilan ako ng mga pulis at agad na kinaladkad palayo sa kanila. Habang papalayo sa kanila ay nararamdaman ko din ang unti-unting paglayo ng buhay ko sa tahimik na nakagisnan ko noon. Bawat araw ay iniisip ko, bakit sa akin nangyayari ito? Do I deserve to be treated this way? Bakit kailangan madamay ang mga magulang ko? Ang mga magulang kong inosente sa lahat ng bagay na ito, na nadamay at pinatay ng walang kalaban-laban. Ni hindi man lang ako nakapagpaalam ng maayos at maipagluksa ang pagkamatay nila kahit na sa huling hantungan nila. ~End of Flashback~ "Hoy utoy! Magpatulog ka naman, gabi-gabi ka na lang umiiyak eh!" hinampas nito ang higaan ko mula sa baba ni Hugo ang kalbong natutulog sa ibabang parte ng double deck na higaan namin. Natauhan ako sa kalampag at nagpatuloy ang pagluha ko ng tahimik nang maalala ko ang perang inabot sa akin ni Kelvin Jang. Pera at kapangyarihan na lang ba talaga ang nagpapaikot at nagpapasaya sa mga taong katulad nya? Hindi ko maiwasang hindi masaktan para sa mga magulang ko, mga walang-puso! Parang baboy lang nilang binili ang pagkatao at hustisya para sa magulang ko! Parang isang pirasong Candy lang ang pag-bili nila sa Batas! At sa pagkakagising ko sa kalampag, ay ang pagkalampag ng galit at pagnanais ng paghihiganti para sa magulang ko. Inay, itay, hindi ko hahayaang ganito na lamang matatapos ang laban ko para sa hustisya sa pagkamatay nyo. Isusumpa ko! isusumpa ko na itataya ko ang buhay at pagkatao ko na mananagot ang sinuman ang nasa likod ng krimeng ito! ipinapangako ko... Natulog na muna ako para makapag-pahinga sa kapaguran ng aking emosyon at pisikal na katawan. Kinabukasan ay pinag-linis kami ng Visitor's Room habang wala pang bisita. Habang naglalampaso ako ng sahig ay bigla akong Hinampas ni Hugo ng Walis Tingting sabay sarkastiko siyang natawa. "Kuya pwede ba? ayoko po ng gulo, hindi naman kita inaano ah?" mahinahon kong sabi. Tapos bigla naman niya akong sinakal hanggang tumama ako sa Pader at inilapit niya ang mukha niya saakin. "Hoy bata, wag mo akong pipigilan sa mga gusto kong gawin lalo na sayo ha? Ipakikilala ko lang ang sarili ko sayo tutal hindi mo pa ako kilala. Ako ang Boss sa selda natin, naiintindihan mo? Kaya kung ano ang sasabihin ko, susundin mo! at pag may ginawa ako sayo, Tanggapin mo! wag kang mag-inarte dahil hindi ka artista!" gigil na sabi nito saakin habang sakal ang leeg ko at dinuraan ang uniporme kong pang-preso. Ayoko na, gusto ko nang umalis dito! Tapos naglakas loob akong Sinipa siya sa sikmura kaya napa-upo naman siya at tumakbo ako papalabas ng Visiting area hanggang sa makalabas ako ng presinto at wala akong pakealam sa tatlong pulis na humahabol saakin. Kasing bilis ng takbo ko ang pagtibok ng aking puso sa ginawang pagtakas. Ang gusto ko maka-aalis ako dito sa impyernong lugar na ito! Hindi dapat ako ang nandito dapat yung hayop na pumatay sa mga magulang ko! [To be Continued...]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD