[Suzy's POV]
"Ms.Suzy Baek...Nakikiramay kami." Malungkot na sabi ni Mr.Jang, ang CEO ng Pelia Foods. Why i smell something unusual here simula nung dumating sila? nag-bow sila at nag-bow din ako. "I don't want to say Thank you dahil parang ipinag-papasalamat ko pa ang pagkamatay ng Daddy ko. But I'm glad you came Mr.Jang..." malamig kong sambit. "Suzy, I'm sorry for your loss..." mahinang sabi ni Ms.Levie. "Suzy...Nakikiramay kami. I'm sorry..." ani naman ni Luis.
Ngumiti naman ako ng mapait sakanila at pinaupo na rin sila then nakisuyo ako kay Lily na handaan muna ng makakain ang mga Jang.
[Zach's POV]
Pangatlong araw ko na dito sa loob ng presinto, Dalawa lang kami dito sa loob at malinis na malinis ang kulungan pero ayoko dito dahil kulungan parin ito. Kumusta na kaya ang mga magulang ko? Nasaan na kaya sila? Gusto ko silang makita...Ate...Ate Clarisse umuwi ka na dito kaylangan kita ngayon. Naluluha kong bulong sa aking isipan na sobrang gulo. "Zach Kim, May dalaw ka." ani nung pulis at pinosasan ako bago ako palabasin sa selda ko. Sino kaya iyon?
Pagpunta ko sa Visiting Area ay nakita ko doon si Yvie. Nilapitan ko siya sa tuwa pero agad naman siyang umatras. "Y...Yvie..." mahina kong sabi. "Zach...Ano nanaman ito?" tanong niya na naluluha. "Yvie, wag kang maniniwala sakanila please! Sakin ka maniwala kasi diba ako ang Nobyo mo? diba Prinsipe at Prinsesa ang turingan natiㅡ" naputol ang sasabihin ko dahil bigla siyang nagsalita. "Noon! Noon lang iyon Zach! pero ngayon? Hindi ko na alam! alam mo bang hindi na kita kilala ha? Yung kabit mo! Sinasaktan ako nung nasa park tayo katulong niya pa yung kaibigan niya!" sambit nito saakin. Nakita kong si Yvie ang nauna sa away but of course i didn't say that to her dahil ayokong mag-away pa kami lalo.
"Yvie please, maniwala ka wala kaming relasyon ni Suzy. Kasalanan bang makakilala ako ng ibang babae?" tanong ko. "Hanggang ngayon pinaninindigan mo parin yang sinasabi mo ano? Zach, ibang-iba ka na! pati magulang mo nagawa mong patayin!" mariin na sabi nito saakin at pati yung ibang bisita ng ibang preso ay nakatingin na saamin. "Grabe ka Yvie...Yvie Nobya kita diba? at ako ang Nobyo mo! Hindi kita sinusumbatan pero please alalahanin mo naman yung maraming beses na kasama mo ako sa loob ng apat na taon! sa napaka-tagal na panahong iyon ay ni minsan hindi kita nagawang lokohin! pumatay pa kaya ng tao Yvie?" naiiyak kong sabi. "Yvie, dapat nakilala mo ako sa loob ng apat na taon...pero sa isang litrato lang na may babaeng nagbigay saakin ng kape ay ginawan mo na ng masamang ibig-sabihin! Tapos yung litrato na iyon galing pa kay Luis na kamakailan mo lang naman nakilala. Ano? bakit sakanya ka naniniwala? siya ba ang nobyo mo ha? kayo na ba? baka ikaw ang may Kabit? baka si Luis ang karelasyon mo na ngayon kaya mo ako inaakusahan na parang iba ako saiyo!" sabi ko sa mataas na boses at bigla akong sinampal ni Yvie ng malakas.
"Huwag mong ibabalik sakin ang sinisisi ko sayo!" mariin nitong sabi. "Y...Yvie patawarin mo ako, na...nabigla lang akㅡ" naputol kong sabi. "Mula ngayon, Tapos na tayo...Bahala ka na sa buhay mo!" sigaw niya saakin at tumalikod na siya tapos bigla naman akong hinawakan ng dalawang pulis at ibinalik sa loob ng selda.
[Yvie's POV]
Naglakad ako ng mabilis papalayo sa police station at tumingin ako ulit sa gusaling iyon. "Paalam, Zach Kim." bulong ko at ibinaling ko ulit ang tingin ko sa harapan sa pupuntahan ko. Binuksan ko na ang Pinto ng Kotse ni Luis sa parking lot ng makarating ako dito at pumasok. "Naghiwalay na ba kayo Yvie?" tanong ni Luis at tumango naman ako. "Oo, Luis." nakangiti kong sabi tapos niyakap naman niya ako ng mahigpit tapos hinalikan ako sa pisngi. "Simula ngayon, magpaalam ka na sa buhay mo na mahirap dahil sasama ka na saakin at magiging malaya ka na, kasama mo ang mga kapatid mo. Hindi ka na naka-kadena sa kahirapan Yvie." nakangiting sabi ni Luis at Niyakap ko naman siya at nagpasalamat. "Thank you Luis, pangako...magiging masaya tayo." ani ko. "Ipakikilala na kita sa pamilya ko mamaya, maghanda ka na sa bagong mundo na papasukin mo. Mundo ng mga mayayaman." paalala nito.
[Writer's POV]
Lumipas ang Isang linggo ay nailibing na ang Daddy ni Suzy pero siya ay nagluluksa parin sa loob ng kanilang mansyon. Ang kawawang dalagita, mag-isa nalang ngayon sa napakalaking mundo niya. Habang si Zach naman ay kumpirmado na na siya ang pumatay sa kanyang mga magulang dahil binayaran ng mga Jang ang Korte para idiin si Zach sa krimen na hindi naman niya ginawa. Hindi rin niya madepensahan ang sarili niya dahil wala siyang abogado at wala ring tumulong sakanya kahit si Yvie. Ang tanging dalawa niyang kaibigan na sina Yuri at Mark ay tikom din ang bibig dahil Bayad sila ni Luis ng tig-50,000 Pesos. Matapos hatulan si Zach Kim bilang Guilty sa loob ng korte ay inilabas na siya ng mga Pulis para dalhin sa kulungan na para talaga sa mga kriminal na guilty.
[To be Continued...]