[Zach's POV]
Narito ako ngayon sa presinto at tinatanong ng isang pulis sa isang kwarto. "Sir, hindi nga ho ako ang pumatay sa mga magulang ko." ani ko. "Pero hawak mo ang baril Sir.Zach paano mo maipapaliwanag iyon?" tanong ng pulis. "Sir, na-Framed up lang po ako maniwala kayo saakin. Sinong walang utang na loob na anak ang papatay sa sarili niyang magulang na bumuhay sakanya?" paliwanag ko. "Kung hindi ikaw ang pumatay Sir.Zach, eh di sino? may naiisip ka bang pwedeng gumawa nito sa pamilya mo?" tanong ng pulis. Ayokong manisi...pero...hindi kaya ang pamilya Jang? sa pagkaka-alam ko galit ang pamilya nila kina Inay at Itay pati saakin lalo na si Luis dahil napahiya ko siya kaninang hapon sa park. "W...wala po, mababait po ang mga magulang ko Sir." sagot ko. "Kung ganon maghahanap pa kami ng ibang suspect pero sa ngayon ikukulong ka muna namin sa selda mo hanggat wala pang sapat na dahilan para hayaan ka namin sa labas. Sige, ipasok niyo na yan." utos nito sa mga kapwa pulis. "Sir! Sir parang awa niyo na ayoko pong makulong please, wala naman po akong kasalanan eh! Sir!" pagma-makaawa ko.
[Suzy's POV]
Narito kami ngayon ni Lily sa tapat ng ER ng ospital. Bakit? bakit si Daddy pa? ano bang kasalanan niya? Niyakap naman ako ni Lily para pakalmahin sa nangyari dahil medyo nanginginig ako sa mabilis na pangyayari kanina sa tapat ng aming mansyon. Tapos may napansin akong dalawang parang kasing edad ni papa sa tabi ng hinihigaan niyang kama. Ginagamitan nila ang isang babae at isang lalake ng "Counter-Shock" para ma-revive ito dahil mukha ring nabaril but their faces are very familiar lalo na yung babae i payed attention to the woman's face and...Tita Darlyn?
"B...bes..." ani ko. "Bakit bes?" tanong ni Lily. "Si tita Darlyn ba iyon?" sabi ko. "Uhㅡkamukha nga niya!" ani nito. "Diba? siya nga iyan! tingin ko asawa niya yung kasama niya..." ani ko. "Oh my god ano nangyari sakanila? nasaan si Zach?" tanong ni Lily. Si Zach...Oo nga si Zach! Tapos nakita kong itinigil na nila ang pag-revive kay Daddy tapos tumingin yung Doctor sa orasan niya...Hindi...alam ko ang ibig sabihin niyon. Dad, hindi! hindi! no! don't leave me! Tinutuktok ko yung salamin kung saan kami nakatingin ni Lily at tinakluban na nila ng kumot si Daddy hanggang matakpan ang mukha nito. No! Dad! tapos pagbukas ng pinto nung isang Nurse sumugod ako sa loob at wala akong pake kahit nabangga ko siya dahil ang importante saakin ang Daddy ko!
Inalis ko yung takip na kumot sa kanya at niyakap ko siya habang humahagulgol sa iyak. "Dad naman eh! Sabi ko diba hindi ko kakayanin pag iniwan mo rin ako! Umalis na nga si Mommy pati banaman ikaw?! Dad! please don't do this to me! Daddy, Wake up! Wake up!" Tapos tinatapik ko yung mukha niya sa pag-aakalang pwede ko pa siyang magising. Tapos nakayakap lang ako sakanya ng mahigpit na parang ayoko siyang iwan at pakawalan. "Dad, you can't do this to me! wake up! don't leave me!" sabi ko habang humahagulgol sa iyak. Ito nanaman, nadudurog nanaman ang puso ko. My mom passed away 1 Year ago and ngayon si Daddy naman? Bakit? Why is this happening?!
[Kelvin's POV]
"Ano?! Di ako nagsisising sabihan kayo ng tanga kanina dahil mga tanga nga talaga kayo! Ang linaw ng sinabi ko ang sabi ko si Suzy Baek ang patamaan niyo hindi yung Tatay niya! Ang tatay niya ang CFO ng kumpanya kaya paano na ngayon ha?! mga Bobo!" galit na sabi ko sa mga tatanga-tangang hitman na ito. "Kulang yata kayo sa practice ng Assassination? eto, tuturuan ko kayo." ani ko at Kinuha ko yung baril na may silencer at pinagbabaril ko ang dalawa sa kinatatayuan nila. Napatakip naman ng bibig si Levie pag tingin ko sakanya at si Luis naman ay nakatakip ng tainga niya. "Ayan ang dapat ginagawa sa mga taong tanga para hindi na maulit pa ang katangahan, Bwisit!" inis kong sambit at binitawan ko yung baril. "Itapon niyo yang mga katawan niyan, ayoko ng basura dito sa mansyon ko." utos ko sa mga Bodyguards ko. "Sir, saan po namin itatapon?" tanong nung isang bodyguard ko at tinitigan ko siya ng dalawang segundo. "Pwede naman sa bahay mo kung gusto mo." sarkastiko kong sagot, isa pang tanga ito eh. "Ah, sorry po." paumanhin nito. "Natural doon sa liblib na lugar diba?" ani ko. "Opo sir, masusunod po." sagot nito.
"Kuya, pano na iyan? patay na ang CFO natin na si Mr.Tristan Baek, sino na ang CFO ng Pelia Foods?" tanong ni Levie. "Dahil sa katangahan ng dalawang iyan mukhang maililipat sa anak niyang si Suzy Baek ang position niya bilang CFO." malamig kong sabi.
"Give me my wine!" utos ko sa mga maids at ibinigay saakin ang Champagne glass ko ng red wine. "Cheers! ngayon masaya na ba ang dalawa kong mahal sa buhay? wala na ang mga taong kinaiinisan niyo." ani ko at nakipag-cheers din sila saakin ng nakangiti. "Kawawang Zach, ano na kaya ang nangyayari sakanya sa kulungan? siguro iyak siya ng iyak doon? ahahaha! I wannna hear him crying in pain!" natutuwang sabi ng anak ko. "Ngayon, nakaganti narin ako sa babaeng iyon na dahilan ng pagkamatay ng baby ko." nakangiting sabi ni Levie. I'm so happy for the two of them. Walang pwedeng bumangga sa Jang Family.
[Writer's POV]
Lumipas ang 2 araw at hindi pumapasok sina Yuri at Mark sa trabaho nila dahil hindi parin nila nakalilimutan ang nakita nung gabing may barilan sa tahanan ng kaibigan nilang si Zach. Si Suzy naman ay nasa Funeral homes kasama si Lily at ang Daddy niyang nasa loob ng kabaong. Si Suzy ay Tulala lang na naka-upo sa mahabang upuan sa harap ng biglang may mga hindi inaasahang bisita na dumating. Mga yabag ng mga...mama-matay tao.
[To be Continued...]