[Continuation to Zach's POV]
"Wow, ang kapal talaga ng mukha mong sagot-sagutin ako ano? sambit niya at sinapak ako ng malakas. "Hoy tantanan mo ang anak ko!" saway sakanya ni nanay. "Ang perang sinasahod mo ay galing sa pamilya ko kaya pamilya ko ang nagpapalamon sa mga hampaslupang nagtatrabaho sa Pelia Foods tulad mo!" sumbat nito saakin at sinapak ko rin siya ng malakas. "Bakit, Luis? tingin mo ba aangat ang kumpanya niyo kung wala kayong mga tapat na empleyado tulad ko?" mariin kong sabi sakanya.
"Ang lakas ng loob mo ah? Hayop ka talaga eh!" at sinugod niya ako ng may pag-sakal saakin at pareho kaming natumba sa damuhan sa park na katabi namin. "Zach! Luis! tamana yan!" rinig kong awat ni Yvie pero nagsusuntukan parin kami ni Luis sa damuhan.
[Writer's POV]
"Anak tigilan niyo na yan!" awat ng nanay ni Zach. Sakto naman na Traffic sa Highway at naroon ang kotse ni Suzy at nakita rin ni Suzy pati ni Lily ang lahat pati ang bakbakan ng dalawang lalake sa malapit na park. "Bes! si Zach yun tsaka si Sir.Luis oh! tara awatin natin!" aya ni Lily kay Suzy. "Kuya Bert, ipark mo muna ito pagnaka-usad na may pupuntahan lang kami ni Lily saglit!" paalam ni Suzy sa driver atsaka sila lumabas ni Lily sa Kotse.
"Zach! Luis! tamana yan ano ba?!" awat ni Suzy. At nakita naman siya ni Yvie na galit parin sa hinihinalang ginawang pambababae ng nobyo sa trabaho, nilapitan ni Yvie si Suzy. "Excuse me, ikaw ba si Suzy?" tanong ni Yvie. "Oo, ako nga." sagot naman ni Suzy at bigla siyang sinampal ni Yvie at hinablot ang buhok nito. "Aray! ano ba! Let me go! Sino ka bang babae ka ha?!" sambit ni Suzy. "Ako lang naman ang nobya ng lalakeng inaahas mo, Letche ka!" inis na sambit ni Yvie. "Anong pinagsasabi mo?!" tanong ni Suzy. "Nagmamaang-maangan ka pa ha?!" at sinampal ulit ni Yvie si Suzy ng malakas. To the rescue naman ang BFF ni Suzy at hinablot ni Lily ang buhok ni Yvie at iginapos ang kamay nito sa likod. "Wag mong inaaway ang Sister ko ha babaita ka! Sige, bes gantihan mo! Go bes!" pangchi-cheer ni Lily sa matalik na kaibigan. "aray ko, wag kang make-alam dito!" saway ni Yvie kay Lily na hawak ang dalawa niyang kamay sa likod.
"Hayop ka nakaka-dalawa ka na ah! Oh! ito pa! ang kapal ng mukha nito!" pinagsasampal ni Suzy si Yvie ng tatlong beses at isang sapak. "aw, Bwisit ka! bitawan mo ako wag niyo akong pagtulungang dalawa!" samantalang sina Zach at Luis naman ay nagsasakalan na at ayaw magpa-awat kay Darlyn. "Bitawan mo ang anak ko sabi!" pananaway ni Darlyn kay Luis pero tinulak siya ni Luis at napaupo, lalo namang nagalit si Zach sa ginawa ni Luis sa kanyang nanay kaya sinikmuraan niya si Luis at tinadyakan sa balikat kaya natumba ito. "Nay! Nay okay lang po ba kayo? Oh my, Yvie! Suzy!" ani ni Zach pero nang pupuntahan niya sina Suzy at Yvie na nagsasabunutan ay parang sinakmal siya ni Luis at nagpagulong-gulong sila hanggang sa tumama sila sa isang malaking Flower pot. "Akala mo ba tapos na tayo ah?!" ani ni Luis na sinasakal si Zach. si Zach naman ay nasasakal na at halos dina makahinga dahil siya ang nakapa-ilalim.
"sabi nang tigilan mo ang anak ko walang hiya ka!" tapos natigil lang ang pagsakal ni Luis kay Zach ng bigla siyang Buhusan ni Darlyn ng Isang galong ng palamig. "Aaah! What the?!" napatayong sabi ni Luis sa galit.
"Ahh! aray! malandi ka!" ani ni Yvie. "Ikaw iyon matuto kang tumingin sa salamin! tignan mo nga yang suot mo pang pokpok!" sigaw ni Suzy habang nagsasabunutan sila. Dalawa ang nakasabunot kay Yvie, si Suzy at si Lily, Talaga malakas lang ang loob ni Yvie makipag-away kahit natatalo na siya ng dalawang kalaban niya. Bumitaw naman si Yvie at tumakbo papunta kay Luis ng makita niya itong basang-basa. "Luis! Halika na! halika na!" aya ni Yvie umalis habang hawak nito ang kamay ng bagong nobyo. "Di pa tayo tapos Zach ah at pati yang nanay mo!" pasigaw na sabi ni Luis habang hinihila siya ni Yvie pabalik sa kotse nito para umalis na.
Si Zach naman ay hawak ang leeg niya at inuubo-ubo pa dahil sa pagkaka-sakal ni Luis sakanya. "Ayos ka lang ba anak ha?" tanong ni Darlyn. "Opo, nay ayos lang po." mahinang sagot ni Zach. Lumapit naman sina Suzy at Lily sa pwesto nila Zach. "Zach!" tawag ni Suzy. "Suzy! ayos ka lang ba? nakita ko kayong nagsasabunutan ni Yvie kanina ah?" tanong ng binatilyo. "Ayos lang ako, tinulungan naman ako ni Lily eh." seryosong sabi ni Suzy. "Ikaw si Suzy?" tanong ni Darlyn. "O...opo, bakit po?"
[Suzy's POV]
That b***h, akala niya siguro hindi ako lumalaban ng sabunutan at sapakan. Bwisit siya she ruined my Beautiful hair. pero okay lang, tingin ko naman mas nagulo ko yung buhok niyang mahaba. Inimbitahan pala ako ng Nanay ni Zach sa bahay nila para kausapin. Sabi ko sumakay nalang sila sa Kotse ko para hindi na sila mag-commute at save sa money. umaayaw pa nga si Zach kasi nahihiya daw sila ng nanay niya pero sa huli nakumbinsi ko rin silang sumakay sa sasakyan ko. Pinaupo kami ng Nanay ni Zach sa kanilang maliit at cute na sofa. Malaki-laki rin ang bahay nila ng konti, tiles ang sahig, maaliwalas at bright ang ambience, may mga fancy furnitures din at sobrang malinis, Nice house.
"Pasensya na kayo mga magaganda dilag ah? maliit lang ang bahay namin, ako nga pala si Darlyn Kim ang nanay ni Zach." pakilala nito saamin. "Ayos lang po, maganda nga po ang bahay niyo eh. Ako naman po si Suzy Baek at siya naman po si Lily Hong ang Matalik kong kaibigan." pakilala ko rin. "Suzy, Lily ito oh, mag Juice muna kayo at magmiryenda." alok saamin ni Zach. Napangiti naman ako ng tipid bilang pasasalamat kay Zach. Hindi ko maintindihan bakit sabi nung babae kanina inaahas ko daw si Zach? binigyan ko lang ng kape naging issue na? Oo, aaminin ko i have feelings for him but I'm doing my very best para hindi maipakita iyon! Chaka ng babaeng iyon.
Umupo sa kaharap na sofa sina Tita Darlyn at Zach at may maliit na table sa gitna namin. "Zach, Tita Darlyn kuha na po ako ah? ahaha!" paalam ni Lily at dumampot ng isang Egg Tart at uminom ng juice na inihanda ni Zach. "Sure, para sainyo talaga iyan." nakangiting sabi ni Zach at nakangiti rin ang Nanay niya. Naalala ko nanaman si Mommy..."mmm! Bes! you should try this! Zach ikaw ba ang gumawa nito?" tanong ni Lily. "Ah hindi si Nanay ang gumawa niyan ahaha, pero yung Grape juice ako yung gumawa ahaha!" natatawang sabi ni Zach at natawa naman ng malakas sina Lily at Tita Darlyn habang ako ay mahina lang ang tawang ginawa.
"Suzy, hija...wag ka sana ma-offend sa itatanong ko ha?" paalam ni Tita Darlyn. "Opo, hindi naman po ako madaling ma-offend Tita." nakangiti kong tanong at kinuha ko ang isang baso ng juice na para saakin. "May...may relasyon ba kayo ng anak kong si Zachㅡ" naputol ko yata ang sinasabi ni Tita dahil nasamid ako sa juice na iniinom ko dahil sa tanong niya. Oh my god, what a mess? napatawa naman si Lily sa nangyari saakin at inirapan ko lang siya matapos kong punasan ang bibig at damit ko. "P...po? Tita?" lito kong tanong kahit hindi naman talaga ako nalilito.
[To be Continued...]