Chapter 15 | Tamang hinala

616 Words
[Zach's POV] Habang naglalakad ako sa isang Sidewalk sa Highway pauwi ay may biglang itim na kotseng huminto saakin sa tabi ko at bumaba doon si Yvie. "Yvie! Naga-alala nako sayo saan ka baㅡ" naputol ang sasabihin ko ng bigla niya akong sampalin ng malakas. "B...bakit Yvie?" tanong ko habang hawak ko ang pisngi kong sinampal niya at dahil hindi ko naman talaga alam bakit niya ginawa iyon. "Hayop ka Zach! manloloko ka! niloko mo lang ako!" sinisigawan niya ako habang pinapalo ng sunod-sunod. "Yvie ano bang problema? nakakahiya sa mga tao oh? bakit ka ba nagkakaganyan?" lito kong tanong. "Hindi mo alam? hindi mo alam bakit ako nagka-kaganito ha?! hindi mo alam na hayop ka?! Manloloko ka!" patuloy parin niya akong hinahampas at sinasampal. "Sandali Yvie ano ba?! wag tayo dito mag-away nakakahiya sa mga tao!" awat ko sakanya. "Anong nakakahiya sa mga tao ha?! sa ibang tao nahihiya ka pero saakin na Nobya mo hindi ka nahihiyang lokohin ako! napaka walanghiya mo! Nasaan na yang kabit mo ha?! ilabas mo siya!" sigaw sakin ni Yvie. Kabit? Ako? may Kabit?! "Yvie anong kabit?! wala akong kabit! saan mo naman nakuha ang balita na iyan?!" tanong ko at biglang bumaba si Sir.Luis sa Kotse niya. "Hi, Zach! sarili mong kalokohan hindi mo alam kung kailan mo ginawa?" sambit nito na may pangi-insultong tono. "Sir.Luis?" ani ko at may ipinakita siyang litrato sa Cellphone niya, Litrato namin ni...Suzy? "Teka...nagkakamali kayo wala kaming relasyon ni Suzy!" paliwanag ko. "Suzy?! Suzy pala ang pangalan ng babae mo! napaka bastos niyo! ikaw! may Nobya ka na pumapatol ka pa sa iba!" tapos pinagsasampal niya ako pero sinasalag naman ng bisig ko ang bawat hampas niya. "Sir.Luis ano po bang sinabi niyo kay Yvie bakit nagkakaganito ito?!" Pasigaw kong sabi. "Hey! don't shout at me i am your boss, Zach! at wag mo akong sisisihin sa kalokohan mong ginawa!" sabi niya. "Wag mo na idamay si Luis dito, ginawa niya lang yung tama! at ikaw lalake ka, napaka walang hiya mo nakuha mo pang mambabae ha?! Kelan pa?!" "Hoy! Yvie! wag mo ngang saktan ang anak ko! Zach, ano bang nangyayari dito!?" sigaw ni nanay na tumakbo papunta sa pwesto naming tatlo. "Nay Darlyn, yang anak niyo niloloko ho ako! may ibang babae yan!" panduduro saakin ni Yvie at tinapik naman ni inay ang daliri ni Yvie na pinanduduro niya saakin. "Wag mo ngang maduro-duro ang anak ko! Paanong namba-babae? may proweba ka ba?" tanong ni nanay at ipinakita ni Sir.Luis ang Picture namin ni Suzy sa phone niya. Nang makita ito ni nanay ay tumingin siya saakin. "Anak totoo ba ito?" tanong ni inay. "Nayㅡ" naputol ang sinasabi ko ng bigla akong sigawan ni inay. "Totoo ba ito Zach?!" pasigaw niyang tanong. "Opo nay! totoo yan! totoong magkaharap kami ni Suzy, totoong magkausap kami pero wala kaming relasyon nay! nagsasabi ako ng totoo, wala kaming relasyon!" paliwanag ko. "Oh! wala naman pala silang relasyon nung Suzy eh! bakit ba kasi ang dali mong maniwala Yvie?! sino nagsabi sayo niyang kasinungalingan na iyan? yang lalakeng kasama mo ba ha?! sambit ni nanay. "Hoy ale! don't you ever dare try to accuse me huh! Don't you know who i am?" panduduro ni Sir.Luis kay inay at inalis ko ng padabog yung kamay ni Sir.Luis kay inay dahil wala siyang karapatang duruin ang nanay ko! "Hoy Zach, ako ang boss mo kaya hindi dapat ginawa iyon! ang kapal ng mukha mo!" pasigaw niyang sabi saakin. "Boss kita sa loob lang ng Pelia Foods pero sa labas hindi na!" at nagtitigan kami ni Zach ng mainit at para bang may kuryente sa titig ng mga mata namin. [To be Continued...]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD