[Zach's POV]
Kasama ko ngayon sina Yuri at Mark dito sa Caféteria ng Pelia Foods. Hindi ako pumasok ngayon sa trabaho pero pumunta lang ako dito para manghiram ng pera sa dalawa kong kaibigan sa pagpapa-surgery ng binti ng kapatid ni Yvie. "Mark, Yuri salamat ulit sa pagpapahiram ah? pangako! ibabalik ko ito pag nakasahod na ako ahaha!" ani ko. "Bessy, wala iyon wag mo muna isipin iyon." ani ni Yuri. "Oo nga bro, what are friends for?" dagdag pa ni Mark. "Nako, Maraming salamat talaga sainyo." pasalamat ko ulit.
"Zach? Hindi ka ba nagtataka kung bakit biglang bumait sayo si Sir.Luis?" tanong ni Mark. "Ha? hindi, lahat naman ng tao pwede magbago ano." sagot ko. "Pero bro may kakaiba kay Sir.Luis eh...parang may something? hindi kaya sinasaksak ka na niya ng patalikod?" sabi ni Mark. "Ay oo, Mark! ganyan yung mga nangyayare sa Teleserye diba? kakaibiganin ng Kontrabida yung bida tapos yung Kontrabida pinupuluputan na pala yung jowa nung bida! at ayan ang tinatawag na Kabit! may jowa ka Zach diba?" dagdag pa ni Yuri. "Psst! ano ba kayo mamaya may makarinig sainyo jan eh!" mahina kong saway sakanila. "hindi naman siguro gagawin ni Sir.Luis iyon kasi ayaw naman niya siguro ma-eskandalo yung kumpanya na ito o yung pamilya niya." sabi ko. "Zach ang Ahas tahimik manuklaw at hindi na kaylangan mag-eskandalo." seryosong sabi ni Mark.
Kinabahan naman ako sa sinabi ni Mark saakin. Nakapagtataka nga na naging mabait saakin bigla si Sir.Luis...at magkakilala rin sila ni Yvie. "Guys? alam niyo ba nung isang gabi...bumaba si Yvie na lasing sa kotse ni Sir.Luis at...galing daw sila sa bar." sabi ko. "Bar?!" gulat na sabi ni Mark at tinakpan ko naman bigla ang bibig niya para sawayin siya. "Ano ba Mark, hinaan mo naman!" mahina kong saway. "Sorry, Sorry!" ani ni Mark. "Nako Bessy, delikado yan! No, worries inaahas na yang Nobya mo sinasabi ko sayo, ha?" ani ni Yuri. "Wait nga tatawagan ko si Yvie." sabi ko and i contacted Yvie's Number pero hindi niya sinasagot hanggang sa naka limang beses na akong missed call. "Guys, hindi sinasagot pano ba ito?" pag-aalala ko.
[Luis' POV]
"Si Zach ba yung tumawag?" tanong ko kay Yvie. Buti nalang napakalma ko na siya at napatahan ko na sa pag-iyak. "Oo, si Zach nga." ani niya. At napatulala siya sa Life Size wide window ko sa aking Condo Unit, pinagmamasdan niya ang mga buildings sa labas.
"Yvie, okay ka na ba?" tanong ko matapos siyang hayaan manahimik ng ilang saglit. "Hindi ko akalaing...lolokohin ako ni Zach...akala ko siya na ang Dream guy ko...pero may tinatago rin palang masamang ugali, Napakabastos niya." malamig na sabi ni Yvie habang nakatingin parin sa labas. "Pumapayag na ako Luis...pumapayag na ako maging tayo. Pero sana, hayaan mo muna ako mag-adjust sa relasyon natin." sabi nito matapos niyang humarap saakin. Hinawakan ko naman ang kanang pisngi niya sa tuwa. "Talaga? Oo naman Yvie, gagawin ko ang lahat para magawa mo rin akong mahalin." natutuwa kong sabi. "Pero yung kapatid ko, Luis..." ani niya. "Ako na ang bahala sa kapatid mo, Halika pupunta tayo sa ospital at aasikasuhin na natin ang leg surgery niya." tapos hinila ko na si Yvie palabas ng condo unit ko.
Grabi, sobrang saya ko ngayon! Sabi ko na nga ba mapapasakin rin si Yvie eh. Pasensya na Zach Kim pero may nanalo na at ako iyon! Ngayon panonoorin nalang kitang ipagtabuyan ni Yvie at umiyak sa isang sulok. Pagdating namin sa Ospital ni Yvie ay kinausap ko na agad ang doktor at pinasimula ang surgery sa kapatid ni Yvie. Binayaran ko narin lahat ng Expenses sa ospital bukod doon sa 800,000 Pesos na kaylangan ni Yvie. Sinong nagsabi na hindi nabibili ng pera ang pagmamahal?
[Yvie's POV]
Sinimulan na ang surgery kay Rizzy. At humarap ako kay Luis at bigla ko siyang niyakap ng mahigpit. "Maraming salamat talaga Luis..." ani ko ng maluha ulit. hinawakan naman niya ang magkabilang balikat ko at pinunasan ang mga luha ko. "Yvie, sabi ko gagawin ko ang lahat para maging masaya ka. Lahat ng gusto mo ibibigay ko at ang gusto ko lang na isukli mo saakin ay ang pagmamahal mo." sabi ni Luis na nakatitig sa mga mata ko. Ang mga titig niya parang unti-unti akong nahuhulog sakanya dahil una sa lahat sinagip niya ang kapatid ko at ang mga bayarin namin sa ospital, sunod naman ay hindi ko malalaman ang kalokohang ginagawa ni Zach kung hindi dahil sakanya.
Zach Kim...Manloloko kang lalake ka, Nagkamali ako sayo! akala ko matino ka pero marunong ka rin palang mangbabae!
[To be Continued...]