Chapter 16
"Ready?" Donovan asked and I just nodded.
Nakahanda na ang lahat ng gamit namin. Today, we're going to Batangas. Bukas na ang monthsary namin. Actually I bought a gift for him online.
Hindi naman masyadong bongga but still may regalo. Hindi naman sa mahal o gara ng regalo nasusukat ang pagmamahal mo sa isang tao.
Dumating na 'yon bago pa kami mag-sembreak. It's a necklace with a round pendant. Kasing laki siguro ng limang piso pero butas ang gitna noon but there's a tree inside it. Nagpa-engrave din ako ng pangalan ng initials ng pangalan ko, may puso sa gitna and then initials ng pangalan niya.
I hope magustuhan niya.
"Saan ba talaga tayo pupunta?" pangungulit ko sa kanya.
I really don't know where our destination is. Hindi niya sinasabi. Iniiba niya ang usapan or either iiling lang siya at hindi iimik.
"I didn't plan this alone to reveal my surprise" he said while his eyes still fixed on the road.
He have driver's license anyway kaya nakakalis na kami ng City gamit ang kotse niya. Before kasi we're still both minors kaya tamang Mall na lang and gala around Manila.
"Okay, I'll just take a nap" I said and closed my eyes.
It's still five in the morning. Umalis kami ng four thirty ng Manila. Hindi pa naman masyadong traffic ng ganitong oras and now palabas na kami ng SLEX.
Pinabayaan ko na muna siya. I want to sleep and maybe pagdating namin doon magpapahinga muna siya because of a long drive.
Pinabayaan ko na lang si Donovan. I don't want to ruin his surprise kuno. Ano namang nakaka-surprise sa beach resorts?? Pare-parehas lang naman may dagat and beautiful sceneries. Nakakasawa sa totoo lang pero kapag pupunta ka sa isang resort kasama ang taong mahal mo, the feeling is ecstatic.
"Baby, we're here" malambing na sabi ni Donovan.
Napamulat naman ang mata ko kaagaad. Maliwanag na. Napaayos agad ako ng upo. Baka may kayat pa kong laway. Nakakahiya kung nagkataon.
"Let's go" I said at nauna ng bumaba ng kotse niya.
Sumunod naman siya at kinuha ang dala naming bagahe. He said we're staying here for three days.
Isang maliit na maleta lang ang dala namin. Magkasama na ang mga gamit namin doon. Hila-hila niya 'yon hanggang sa tumigil kami sa front desk.
Si Donovan na ang nakipag-usap dahil siya naman ang nagpareserve. Inilibot ko naman ang mga mata ko sa paligid. As expected, the place were beautiful. Entrance pa lang mahahalata mong mamahalin.
No wonder I can't afford to pay Donovan the half of our reservation. Hindi kasya sa budget ko. He really planned everything.
Napansin kong may touch of greek ang design ng entrance. Ano kayang itsura ng view nito kung sa may parteng dagat na?
Hindi na ako makapaghintay na makita 'yon.
"Let's go" Donovan said and held my hand.
May nag-aassist sa amin papunta sa kuwarto namin. Our room were at the fourth floor of the resort.
Nauna na akong pumasok at nakita kong dalawang double bed ang nandoon? Bakit dalawa? Puwede namang isa na lang double bed. Mas makakamura kapag ganoon.
"Bakit dalawa?" takang tanong ko.
Ipinasok muna niyang maleta at inilagay sa may gilid. Umupo siya sa kama at tsaka ako hinarap. Umupo naman ako sa tabi niya.
Hinawakan naman niya ang kamay ko at pinaglaruan 'yon.
"Yesterday, you felt like what i felt towards you is just lust after all. But i want to prove you wrong. I love you and I know that it's not just lust baby" nakayuko niyang sabi na tila nahihiya sa ginawa niya kahapon.
Ganoon ba talaga ang epekto ng sinabi ko sa kanya?
"I love you too, you don't need to do this just to prove me that. I believe in you" I said. Hinawakan ko ang mga kamay niyang pinaglalaruan ang mga daliri ko.
"At tsaka mas napamahal ang binayaran mo dahil dito. Baka puwede pa nating papalitan ang kuwarto. Okay lang sa'kin na isang bed lang" dagdag ko pa.
"No baby, money is nothing compare to you. I want you to feel that I respect you as a woman, as my girlfriend" masuyo niyang sabi.
Nawala naman bigla sa isip ko ang iba ko pang sasabihin. Ganito ang epekto ni Donovan sa'kin. I feel my hearbeat beats too fast for him.
Nawawala ako sa tamang katinuan kapag kasama ko siya. I love him too much. Is it a bad thing or not?
"Huwag kang ganyan, I'm so touched" mahina kong sabi at niyakap niya.
He hugged me back. Nagtagal kami sa ganoong posisyon. Feeling the warmth of each other. I like this, this kind of moment.
Without lust, without needing each others body. Just pure care and love.
After our momentum. We decided to watch movie. Sa laptop lang kami nanood. We're currently watching a horror movie.
"Ahhhhh" tili ko ng lumabas ang multo sa screen ng laptop.
Donovan just laughed at my reaction. Hinampas ko siya sa braso dahil sa ginawa niyang pagtawa.
"Why?" natatawa niyang tanong.
"You're so happy while me, almost lost my voice for shouting loudly, you're making fun of me" I stated.
"No, baby no it's just that.." he stopped, thinking the right word. "..you're so cute" after he said that. He pinched my cheeks.
Naglalambing rin na niyakap niya ako. We stayed like that in our room. Movie Marathon. Sweet moments but no s*x at all. Nagpahatid na lang rin kami ng lunch sa room namin dahil tinatamad pa kaming mag-gala sa lugar, well si Donovan lang pala.
"Baby, labas tayo, we should enjoy our stay" pangungulit ko sa kanya.
"Bukas na baby. Let's stay here in our room for today, so tomorrow we have extra energy to wander the resort" he said at niyakap na naman ako.
"Okay then, but atleast. Can I open our veranda? Gusto kong makita ang paligid" akmang bubuksan ko na ang kurtinang nakaharang pero mabilis niya akong napigilan.
Kinulong niya ako sa mainit na yakap niya. May nagkakarera na naman sa loob ng puso ko. Sobrang bilis ng t***k. Parang naririnig ko na nga sa sobrang lakas.
"Promise, bukas lilibutin natin ang lugar" aniya.
So we stayed in our room the whole day. Hindi man lang kami lumabas. Nagpahatid na lang rin kami ng dinner namin.
After our dinner. Naligo muna ako samantalang si Donovan naman as usual. Playing Mobile Legends with his friends. It's okay to me though. This time hindi na sila naka-open mic.
Alam ko na ang tawag don. Sinabi sa'kin ni Donovan. It's a strategy daw kapag magkakasama kayong naglalaro pero magkakahiwalay ng lugar, you have communication to each other. Basta 'yon lang naintindihan ko sa sinabi niya.
I took a quick shower at nagbihis na rin sa loob. Nagtoothbrush na din ako bago lumabas. Naglalaro pa rin si Donovan. Hindi ko na lang siya inistorbo.
Kinuha ko din ang phone ko at may nakita akong ilang Missed Calls kay Mama. Kay Papa naman ay dalawang Missed Calls.
Kinabahan naman ako bigla. Did they knew? Did they knew that I'm not home?
Hindi naman nagtagal nagring ang cellphone ko.
Mama is calling.
Napatingin naman sa direksyon ko si Donovan with a questioning look who's the caller.
"Mama" I mouthed before I answered the call.
"Hello, Ma" masiglang bati ko kahit sa totoo lang nanlalamig na ang mga kamay ko.
"Zoila, where are you?" she asked seriously. Mas lalo naman akong kinabahan. She knew?
No Zoila, don't conclude. Maybe you're just overthinking. Don't make a foolish move. You're expert in lying.
"Nasa bahay po" casual kong sagot like I didn't lie.
Yan ganyan Zoila.
I cheered myself
"Okay, tumawag kasi ako kay Delia kanina. she said you're not around. Where have you been?" tanong niya.
Nakahinga naman ako ng maluwag. Akala ko alam na ni Mama. Akala ko alam na ng parents ko.
"Bumili lang po ako sa convenience store and hindi rin po kasi ako nalabas ng kuwarto" palusot ko.
"Okay baby, ingat ka dyan" malambing na ngayon ang boses ni Mama. "Oh here's your Papa. He wants to talk to you" she said.
Hindi naman nagtagal narinig ko na ang seryosong tinig ni Papa.
He's always like that. Very serious. Parang hindi ka puwedeng makipag-biruan but I know deep inside he loves me.
"Zoila, don't do anything stupid while we're out of the country. Be a goodgirl. Take care" he said.
"Yes, Pa" mabilis kong sagot.
"I'll hanging up now" he said and end the call.
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon. Atleast, they didn't knew that I'm not in the house. Pumupunta lang naman doon si Aling Delia kapag maglilinis.
Pagkatapos ng tawag, tapos na rin palang maglaro si Donovan.
I gave him a small smile ng hinarap ko siya.
"What's wrong?" tanong niya.
"Akala ko nalaman nilang wala ako sa bahay. This is the first time na nag-out of town tayo. Hindi ko maiwasan minsan na mag-overthink. What if malaman nina Mama at Papa? I don't know what to do" pag-amin ko sa kanya.
"Shhh" he said while hugging me. "If you want we can go back to Manila right away" masuyo niyang sabi.
Napatingin naman ako sa kanya dahil sa sinabi niya.
"No, I'm okay" I gave him a wide smile to give him assurance that I'm okay.
"Alright, let's sleep" aniya. Lumipat na siya sa kabilang kama dahil magkaiba nga kami ng bed.
The next morning. Medyo na-late ako ng gising. Pagtingin ko sa kabilang parte ng kama. Wala na doon si Donovan. Where is he?
Inaasahan ko pa naman siya ang unang bubungas sa'kin.
Today, October 29 is our nineteenth months of love. Napangiti naman ako sa kawalan.
Bumangon na ako at napagpasyahang maligo muna. Nagtagal ako sa banyo at nagbabad muna sa bathtub.
Hindi ko namalayan na halos isang oras na pala akong nakababad doon kaya napagdesisyunan ko ng umahon.
Pagbukas ko ng pinto. Nakita ko kaagad si Donovan. Nakatalikod siya sa'kin. Unti-unti naman akong lumapit sa kanya at niyakap siya mula sa likuran.
"Happy nineteenth months of love baby" I whisphered.
Humarap naman siya sa'kin. He's holding a boquet of red roses. Tinanggap ko naman 'yon.
"Happy nineteenth months of love. I love you baby" malambing niyang sabi.
Hinalikan niya ako sa noo pagkatapos niya akong batiin.
We eat our breakfast. Lilibutin na namin ang place since hindi ko pa nakikita. Maganda ang design ng tanggapan nila so I conclude na talagang maganda ang view.
Magkahawak- kamay kaming lumabas ni Donovan. Palabas na kami ng hotel and there nakita ko ang napakalawak na swimming pool. Halos kakaunti ang taong naglalangoy. Mataas na rin naman kasi ang sikat ng araw.
Maybe they prefer to eat breakfast first.
"Doon tayo sa may dagat" itinuro ko ang asul na asul na dagat.
Hindi ganoon kakalmado ang tubig dahil hindi naman summer but still I admired the view.
"Beautiful" I muttered.
"Gusto mo pang makakita ng mas magandang view?" Donovan asked. Tumango naman ako.
Nasaan pa? This is so beautiful.
"Turn around baby" he whisphered.
Ginawa ko naman ang sinabi niya. I turned around. Agad naman akong na-amazed sa nakita ko. Is this real? Kakaiba ang design ng hotel. Ngayon ko lang napansin, siguro dahil paghanga ko sa asul na karagatan.
"Nasa Santorini ba tayo?" wala sa sariling tanong ko.
Bahagya namang natawa si Donovan sa tanong ko. O my gosh. Bakit ngayon ko lang napansin? The design of hotel is Santorini inspired.
Isama mo pa ang asul na asul na tubig. Para kang nakarating sa Greece.
"No baby, we're still in Batangas" he said. "You liked it?" tanong pa niya.
Wala sa sarili naman akong napatango. Wow! I didn't expect na ganito kaganda dito.
"So this your surprise?" tanong ko.
Kaya ba ayaw niya akong palabasin ng hotel room? Kaya ayaw niyang buksan ko ang veranda. Ito ang gusto niyang ipakita sa'kin ngayon.
"Uh-huh. Nag-research ako ng magagandang hotel and resort in Batangas at nakita ko 'to" he said.
"Now, I know kung bakit mahal dito. Babalik-balikan mo talaga sa ganda ng view" I said.
"Hey, it's just money. I already told you. You don't need to pay the half. Pinag-ipunan ko talaga 'to" he said while hugging me.
Tumango na lang ako. I don't want to ruin our moment with this beatiful scenery. We took a lot of pictures. Kitang-kita ang hotel sa likod namin.
Kung ibang tao iisipin na nasa Santorini kami but we're not. Nasa Batangas lang kami.
Nilibot namin ng buo ang hotel. May rooftop 'to kaya pumunta kami doon. Mas lalo mong makikita ang napakagandang view. Kitang-kita ang lawak ng asul na dagat.
Ganoon lang ang ginawa namin buong umaga. Admiring the place. Kung saan-saan din kami kumuha ng picture. Masyado talagang pinaghandaan ni Donovan 'to. May dala siyang DSLR.
"Sa restau na lang tayo kumain" he said when it's lunch time.
Ganoon nga ang ginawa namin. We went to hotel restau. It's also greek inspired. The place looks expensive and elegant.
"Table for two Ma'am, Sir?" tanong ng waiter.
"Yes" si Donovan na ang sumagot.
Iginiya naman kami ng waiter sa pang-dalawahang table. Binigyan ng menu.
Even the food they serve is not familiar to me. Sigurado akong pangbanyaga rin ang pagkaing inihahain nila dito. The foods are also pricey but I can afford it.
"I'll pay our lunch" agad na sabi ko kay Donovan pagkaalis na pagkaalis ng waiter.
"If that's my baby wants" he said.
Nakakaloko naman akong ngumisi. I want to teased him.
"Oh, akala ko hindi ka papayag na ako magbayad. Don't you have money anymore?" taas kilay kong tanong. Tila nanghahamon din ang boses ko.
"Are you kidding me? Me? Don't have enough money?" he shot back. Tumikhim pa siya na tila may sasabihin pa. "Well, it's true I don't have money" pag-amin niya.
"Totoo?" gulat kong tanong.
"Syempre oo. Kailan ba ako nagsinungaling sayo" he asked and raised his brow.
"And also we don't have enough gas to go back to Manila. So get ready. By tomorrow morning, magsisimula na tayong maglakad" he added seriously.
Napatanga naman ako dahil sa sinabi niya. Seryoso ba siya doon?
"Are you really serious?" tanong ko. Matagal ko ding tinitigan ang mga mata niya.
"Mukha ba kong hindi seryoso?" he asked seriously.
Oo nga naman. He looked very serious. At tsaka bakit naman siya magsisinungaling sa ganitong sitwasyon.
"You know Donovan. I have my Papa's credit card. We can used it para makapagpa-gas and for other expences here. Sagot ko na rin ang dinner na--" napatigil naman ako ng makitang ngiting-ngiti siya.
"Sabi na e, you're making fun of me again" inis na sabi ko sa kanya.
He's good at acting huh! Napaniwala niya akong totoo. Sa itsura niyang seryosong seryoso talagang maniniwala ka.
Sobrang sama ng tingin ko sa kanya habang siya ay hindi maalis ang ngiti sa labi. It's our monthsary yet he's making fun of me.
Hindi nagtagal dumating na rin ang order namin. We eat quietly dahil naiirita ako sa kaharap ko. He's smiling while me, I want to grab his hair. Hindi ko bibitawan hangga't hindi nawawala ang magandang ngiti namin sa labi.
After we eat. Hiningi ko kaagad sa waiter ang bill. Bahagya pa akong nagulat sa presyo noon pero binayaran ko din naman. Halos maubos ang dala kong cash.
"Baby" malambing niyang tawag sa'kin.
Pabalik na ako sa hotel room namin. Hindi ko siya pinansin . Dire-diretso lang ako.
Pabagsak ko ring isinara ang pinto. Agad namang bumukas ulit 'yon at pumasok siya.
"Baby, sorry na. Naniwala ka talaga?" malambing ang boses niya.
"You're face is so serious. Who would have thought that it's not true?" inis kong sabi.
"Sorry na nga. Do you want island hopping?" because of what he sais agad na nawala ang inis ko.
I want to try that. Hindi pa ako nakakapag-island hopping. Kapag naman kaai nagbebeach kami nina Mama at Papa. They just want to relax and stay in the beach. The don't want to explore the activities that beach resorts can offer.
"Alam mo talaga kung paano matutunaw ang inis ko 'no?" taas kilay kong tanong.
"I'll take that as a yes" nakangiti niyang sabi.
Binuksan niya ang maleta namin at kumuha doon ng susuotin. Ganoon din ang ginawa ko. Since nasa banyo naman siya dito na ako nagbihis.
Isang kulay puting one peace ang sinuot ko pero pinatungan ko ng maong shorts and white croptop see through.
Eksaktong pagkatapos ko. Lumabas na rin si Donovan. Naka-board shorts lang siya at v-neck white t-shirt.
Tiningnan niya muna ang suot ko na parang tinitingnan ang mali doon.
"May mali ba sa suot ko?" tanong ko.
"No, it actually looks good on you" he sighed and give me a small smile.
Nakaa-akbay siya sa'king lumabas ng hotel room. Sinuot ko na din ang shades ko. Nakasabit rin sa leeg ni Donovan ang DSLR niya.
Hindi ko pa rin talaga maiwasang humanga sa nasa paligid ko. Masyado talagang maganda ang lugar.
Agad kaming dumiretso sa may parteng dagat. May isang malaking bangka na nag-iintay doon. Marami ring sakay na mga turista gaya namin.
"Kumpleto na ba?" tanong ng isang tour guide pagdating namin.
Agad namang pinaandar ang bangka. Hindi kalmado ang dagat kung kaya't hindi ko masyadong na-enjoy. Medyo malalaki ang alon na sinasalubong natin.
"Hindi ba tataob ang bangkang sinasakyan natin?" mahina kong tanong kay Donovan.
"No, baby" aniya at nikayakap ako.
Marunong naman akong maglangoy at may suot rin kaming life vest kung sakali mang may mangyaring hindi maganda.
Isiniksik ko ang mukha ko sa dibdib niya at bahagyang pumikit. Medyo nakakahilo rin ang alon.
Mas lalo namang hinigpitan niya ang pagkakayakap niya sa'kin.
Tsaka lang ako nagmulat ng marinig kong malapit na kami sa unang islang pupuntahan namin.
Agad kong natanaw sa di kalayuan ang hindi kalakihang isla pero puti ang buhangin.
Nagsibababan na rin agad ang mga turista. Ako naman ay inalalayan pang bumaba ni Donovan.
"Careful" aniya habang inaalalayan ako.
Matiwasay namn akong nakababa ng bangka. Hanggang tuhod ang lalim ng tubig ng makababa kami.
Agad akong nagpakuha ng picture kay Donovan. Syempre sinusulit ko ang bawat view. Ganoon ang nangyari sa bawat islang pinuntahan namin. Ngayon nga ay pauwi na kami dahil mayroong nagbabadyang ulanin.
Hindi daw pwede na abutan kami dahil delikado. Baka mas lalong lumakas ang mga alon.
"Did you enjoy?" tanong agas sa'kin ni Donovan.
"Yes, ang gaganda ng isla" nakangiti kong sambit.
Sulit naman ang pagsuong namin sa medyo malalakas na alon. Worth it ang pagkaramdam ko ng kaunting hilo sa makikita mong magandang view ng mga isla.
"Swimming naman tayo sa pool" aya ko sa kanya.
Medyo hapon na rin kasi at wala na ang sinag ng araw. Maganda ng mag-swimming.
"Yes baby, pero huwag mong huhubarin ang shorts at suot mong croptop" he said pero nagmukhang utos 'yon.
Wala naman talaga akong balak hubarin ang suot ko. I don't want to show so much skin. Bata pa ako and I understand Donovan. He's just protecting me.
Naubos ang oras namin sa paliligo sa swimming pool. Magdidilim na ng umahon kami.
Pumunta kaminsa hotel room namin para magbanlaw na. Syempre hindi kami sabay, nakikita ko talaga na nagkekeep ng distance sa'kin si Donovan.
"You go first" he said.
Kumuha lang ako ng pamalit sa lamesa at mabilis na nagbanlaw. Naabutan ko siyang nakatayo lang sa may gilid ng banyo. Iniintay akong matapos maligo.
Agad naman siya ang pumalit sa banyo pagkatapos ko. Kinuha ko naman sa maliit na shoulder bag ko.
Kinuha ko doon ang recatangular box na kulay itim. It's my gift for him. A necklace.
Hindi naman nagtagal lumabas na siya sa banyo. Naitago ko tuloy bigla sa ilalim ng unan ang box.
"What's that?" tanong niya.
"Basta" sagot ko.
"Is that your gift? C'mon give it to me now baby" aniya at lumapit.
Tinanggal niya ang nakatakip na unan doon. Mabilis ko namang kinuha ang box at inilayo sa kanya.
Walang-wala ang regalo ko kumpara sa ginastos niya ngayon sa monthsary namin. Nahiya naman ako bigla.
Ilang minuto pa kaming nag-agawan bago niya nakuha sa'kin ang box.
Agad niya 'yong binuksan. Nakita ko kaagad ang tuwa sa mukha niya pagkatapos niyang buksan 'yon.
Napangiti na din ako. He likes it.
"Ang ganda baby. Suot mo sa'kin" he said happily. Nangingiti ko namang sinuot sa kanya 'yon.
"Bakit puno ang napili mong pendant?" tanong niya.
Actually, may meaning talaga kung bakit puno. Hindi naman basta trip ko lang kaya puno ang napili kong disenyo.
"My name, Zoila, symbolizes life so I decided to give you a tree of life pendant" paliwanag ko sa kanya.
Napangiti naman siya dahil doon.
"And one more thing, once na tinanggal mo yan" napalunok ako bago ituloy ang sasabihin ko. "para mo na rin sinabing umalis ako buhay mo" I whisphered.
"That's not gonna happen" he said and caress my face. Hinalika niya rin ako sa noo.
I smiled because of hia gestures.
"Hulaan mo kung anong regalo ko sa'yo" aniya ng magkaharap na kami.
Hindi pa ba 'to ang regalo niya?
"Akala ko ito na 'yon. Vacation with you?" patanong kong sabi.
Umiling naman siya.
Siya naman ngayon ang may hinango sa mg gamit niya sa maleta. Nakita kong may kinuha siya sa lagayan ng mga brief niya.
Maliit lang 'yon kaya naitago niya sa malaki niya palad.
"What's that? Naubusan ka na talaga ng budget?" asar ko sa kanya.
Sinimangutan naman niya ako.
"No, hulaan mo muna kung ano 'to" nanghahamon niyang wika.
"Regalo mo nga sa'kin yan ba't kailangan ko pang hulaan?" I said and raised my brow.
"Because I say so" inirapan ko nalang siya at sinakyan ang trip niya.
Bakit ba kasi huhulaan pa? Kapag yan pangit hindi ko tatanggalin. Charot, kahit ano namang galing sa kanya kahit ano pa yan tatanggapin ko.
"Necklace din?" pagsakay ko sa trip niya.
Umiling naman siya.
"Anklet?"
Umiling na naman siya.
"Watch?"
"Baby, kasya ba relo sa kamay ko?" natatawa niyang tanong. Napasimangot naman ako.
"Earings?"
He shook his head.
"Bracelet?"
Umiling na naman siya
"Ano nga? Sabihin mo na" medyo naiirita ko ng sambit.
"Malapit na baby, just keep on guessing" he said.
Malapit na? Naisa-isa ko na ata lahat ng jewerly maliban sa isa.
Is it a...
"ring?" he smiled widely at binuka na ang kamay niya.
Mayroon maliit na box doon na kulay pula.
Binuksan niya yon and there I saw simple yet elegant ring.
"It's not an engagement ring but this is the sign of my love and sincerity. I promise that someday I will marry you" he said at isinuot ang singsing sa ring finger ko.
--------
12:30 PM. June 1, 2020