Chapter 17
Mabilis na lumipas ang araw. Tapos na agad ang sembreak. Halos dito na tumira si Donovan sa bahay namin.
Sa loob kami ng kuwarto ko kumakain ng breakfast para hindi siya makita ni Aling Delia. Ganoon ang routine namin araw-araw.
Inuwi na din niya ang kotse niya noong galing kaming Batangas para naman walang makahalata na may kasama ako dito sa bahay.
Ngayong araw ang dating ni Mama at Papa. Pinauwi ko na muna si Donovan dahil bukas pasukan na.
Matyaga akong naghihintay dito sa may couch ng padating nila. Ang gusto kasi ni Papa tuwing dadating sila ay nandito ako lang ako sa bahay kaya ganoon ang ginagawa ko.
Habang hinihintay ko sila nagpapatugtog lang ako ng music sa cellphone ko habang tinititigan ang ring finger ko.
"Ang ganda talaga" mahinang usal ko.
Hindi ako nagsasawang pagmasdan ang promise ring na ibinigay niya sa'kin. Panghahawakan ko 'to kahit anong mangyari. Hindi man direkta, parang sinabi na rin niyang ako ang babaeng makakatuluyan niya habang buhay. Sigurado na siya sa'kin.
Hindi naman niya ako bibigyan ng ganitong singsing kung hindi siya sigurado hindi ba?
Sa tagal kong nakatitig sa singsing, nagitla ako ng biglang may magdoorbell. Sina Mama at Papa na ba 'yon? Imposible! Ten o'clock daw ang lapag ng eroplanong sinasakyan nila. Alas nuebe pa lang.
Binuksan ko ang gate at hindi ko inaasahan na makita si Donovan. Gusot-gusot ang damit niya. Magulo ang rin ang kanyang buhok. Agad niya akong niyakap.
"What happened?" nag-aalalang tanong ko habang niyayakap siya pabalik.
"Can I come in?" bakas sa boses niya ang pagod.
Ano bang nangyayari sa kanya? Kahapon lang nandito pa siya at masaya kami. May nangyari bang hindi maganda?
At tsaka papapasukin ko ba siya? Baka maabutan kami nina Mama at Papa dito si Donovan?
"A-Ano kasi.." hindi ako makakuha ng tamang salita para ipaliwanag sa kanya.
Mukha pa naman siyang problemado. Ang sama ko namang girlfriend kung paalisin ko siya.
Pero paano nga kapag naabutan kami ng parents ko dito sa bahay? Ano na lang ang sasabihin nila?
"Hindi ba pwede?" malungkot sa tanong.
Ngayon ko lang nakitang ganito si Donovan. Hindi ko naman siya pwedeng pabayaan.
"Tara" wala sa sariling sabi ko at hinila na siya papasok.
"In one and a half hour dadating na sina Mama at Papa" pang-iinform ko sa kanya.
Umupo naman siya sa couch at nakatulala lang. Parang wala sa sarili. Mukhang hindi niya nga narinig ang sinabi ko.
Pumunta ako sa kusina para ikuha siya ng tubig.
"Uminom ka muna ng tubig" kinuha naman niya 'yon at ininom.
Tinabihan ko siya sa couch.
"Puwede kang magsabi sa'kin. Nandito lang ako" pinagsiklop ko ang mga daliri namin.
"Okay ng nandito ka" aniya at walang sabi-sabing niyakap niya ako.
Pinabayaan ko lang na nasa ganoong posisyon kami. Tahimik lang siya at puro pagbuntong hininga niya lang ang naririnig ko.
"Kung ano man 'yang problema mo. Nandito lang ako baby. Hindi kita iiwan" malambing kong sabi.
Lalo namang humigpit ang pagkakayakap niya sa'kin dahil sa sinabi ko. Gusto ko man siyang tanungin pero mukhang wala siyang balak sabihin.
Halos kalahating oras na nasa ganoon kaming posisyon ng siya na ang unang humiwalay.
"Baka dumating na ang parents mo. I should go" aniya at hinalikan lang ako sa noo.
Tumayo na siya at akmang aalis na pera hinawakan ko ang braso niya.
"Ayos ka na ba? Pwede naman kitang samahan. Saan mo gustong pumunta? Gagawa na lang ako ng palusot kina Mama, sasabihin kong uh..." nag-isip ako ng mga puwede kong idahilan. "..sasabihin kong may emergency at kailangan kong samahan si Cerene"
"No baby, I'm okay. Stay here, hindi ba mas matutuwa ang parents mo kapag nadatnan ka nilang nasa bahay lang?" he said. Binigyan niya ako ng ngiti pero hindi 'yon umabot sa mga mata niya.
Napipilitan nanan akong tumango. Hinatid ko siya sa hanggang sa labas ng bahay. He kissed my forehead again bago umalis.
Umupo muna ako sa may labas ng gate namin
What's Donovan problem? Is it about his family? We're not talking much about his family. We're together for almost two years now pero bakit ngayon pakiramdaman ko hindi ko pa rin siya kilala?
Is it because our relationship is not legal? Should I introduced him to my parents now? Is this the right time?
Matagal pala akong nakaupo dito sa tapat ng gate namin. Tumigil ang itim na kotse at doon bumaba sina Mama at Papa.
"Baby" agad akong niyakap ni Mama. I hugged her back.
"You missed us already? Dito ka pa talaga sa labas naghintay?" nangingiting tanong niya.
"Yes po" mahina kong sabi.
Sinubukan kong ngumiti pero nagmukhang pilit lang 'yon. Sana hindi niya mapansin. Nakalimutan ko ngang dadating sila in any minute ngayon. Nawala bigla sa isip ko. Masyado akong occupied.
Pumasok na kami sa loob at binukasan ni Mama ng malaki ang gate para makapagpark na ng kotse si Papa.
Mukhang masaya sila. Ngayon na ba talaga ang tamang pagkakataon?
"Marami kaming pasalubong sa'yo ng Daddy mo. Hindi talaga nakakasawang pumunta ng Japan" pagkukuwento ni Mama.
We're eating lunch together. Mukhang hindi naman napagod si Mama sa flight. Marami siya kuwento habang kumakain kami.
"Zoila if you want, this Summer Vacation we can go to Japan kahit one week lang din. What do you think Anorld?" paghingi ni Mama ng opinyon ni Papa.
Matagal ko ng gustong makapunta doon. This is the chance, si Mama na mismo ang nag-alok.
"If Zoila is still in honor student right after her recognition. We're going to Japan" pagpayag ni Papa.
May kondisyon pero ayos na rin. I can make it. I will not ditch my class. It's Japan. Pangarap kong puntaha. If that's the reward then I should study hard.
"Asahan mo, Pa. Mas mag-aaral akong mabuti" nakangiti ko ng sambit. Hindi na pilit kagaya kanina.
Japan is my dream destination.
"You should" seryosong sabi niya.
Magana ko ng ipagpatuloy ang pagkain ko habang si Mama ay panay kwento pa rin ng mga lugar na pinuntahan nila. Mas naging pursugido tuloy akong mag-aral. Hindi pa naman huli ang lahat. Puwede pang bumawi sa acads.
"Oh bago ko makalimutan, bibisitahin natin ang Lolo mo Zoila, mag-ayos ka na pagkatapos natin maglunch" Mama said.
November na nga pala ngayon. Araw ng mga Patay. Hindi kami pumapalya sa pagbisita kay Lolo. Ilang taona na rin simula ng pumanaw siya. Masakit sa'kin 'yon dahil paborito akong apo ni Lolo. Spoiled ako sa kanya.
After we eat lunch nag-ayos na ako. Naligo ako at nag-ayos. Siyempre kapag kasama ko ang parents ko. I wear something decent. Acid blue jeans and simple pastel color t-shirt. I just also wear flat sandals.
Hindi naman kami magmamall para gandahan pa ang suot ko. Sa sementeryo ang punta namin.
Eksaktong pagkapony tain ng ni-blow dry kong buhok kumatok na si Mama sa kwarto ko.
"Zoila, are you done?" sigaw niya mula sa labas ng pinto para marinig ko kaagad.
"Yes Ma, susunod na po ako" malakas kong sabi.
Naglagay ako ng face powder na at kaunting liptint. Yung hindi masyadong halata, natural na mapula na naman kasi ang mga labi. Para lang hindi ako pale tingnan.
Tiningnan kong muli ang itsura ko sa salamin at lumabas na ng kwarto. Pagbaba ko naabutan ko silang nasa living room.
Tumayo na si Papa pagkakita sa'kin ganoon din si Mama.
"Let's go" seryosong ani Papa.
Sa backseat ako ng sasakyan nakaupo. Tamang soundtrip lang muna habang nasa biyahe. Dumaan pa muna kami sa flowershop para bumili ng bulaklak pero sila na lang ang bumaba, hindi na ako sumama.
Pagdating sa private cemetery halos wala na rin maparking-an dahil sa dami ng kotse.
Sa malayo na kami nakapag-park. Medyo umaambon pa ng kaunti. Sana naman hindi lumalakas ang ang pag-ambon
"Ma, pahinging payong" sabi ko bago bumaba.
Kihuna ko naman ang binigay niya. Bumaba na ako ng sasakyan at ganoon din sila. Nauuna silang maglakad samantalang nasa likod lang nila ako.
Nagulat nalang ako ng may lalaking sumabay sa'kin sa paglalakad. Dahil nakapayong ako medyo tinagilid niya ng dulo niya dahil sakto lang sa tangkad ko ang pagkakahawak ko ng taas ng payong.
"Pakitaas naman" he said.
"Ikaw na nga lang nakikisilong. Ikaw pa demanding" pabalang kong sagot.
Baka akala niya hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa niya? Pumunta siya sa bahay para mambwisit. Mabuti na nga lang at nandoon si Donovan.
Bigla ko tuloy naalala ang sinabi niya sakin.
If he's annoying then don't come near him. Baby, I'm jealous
Nagseselos siya kay Lean pero wala naman siyang dapat ipagselos. Lean is just my friend at hanggang doon lang talaga 'yon.
"Ako na nga" aniya at kinuha sa'kin ni Lean ang payong.
Aksidenteng nagkahawak ang mga kamay namin pero wala lang naman sa'kin 'yon. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya pero pagbaling ko, hindi ko inaasahan ang makikita ko.
Donovan is staring at us with a hurt expression on his face.
Pupuntahan ko na sana siya ng bigla akong higitin ni Lean papunta sa ibang direksyon.
"Saan ka pupunta? Dito tayo diba?" takang tanong niya habang tinuturo ang taliwas na direksyon papunta kay Donovan.
"Ha?" wala sa sariling sagot ko.
"Hakdog" pambabara niya at inakbayan ako.
Inalis ko naman agad 'yon. Bumaling ako sa direksyon ni Donovan.
Nakatingin pa rin siya sa'min.
With hurt, jealousy and sadness in his eyes tumalikod na siya at nag-umpisa na ring bumuhos ang malakas na ulan.
------
4:44 PM. JUNE 6, 2020