Chapter 1
War
Hindi na bago saakin ang araw na ito. Simula palang ng mapunta ako sa Academy na 'to wala ng salitang maganda umaga/maayos na umaga,breaktime, lunch at uwian.
Bilang isang transfer student shempre pangunahing target na ako ng mga bullies. Pero akala naman siguro nila hindi ako handa. Mga chonggo!! GSP kaya 'to. Laging han-- AW!
"Li-liiiAaaammmmmm!!"kung palakasan kami ng sigaw ni San goku siguro talo na s'ya. Ultra mega super duper Saiyan na ko. Buset talaga kahit kelan yang Hapon na yan,kadiri s'ya.
Pumasok lang naman ako para sa baon hindi ko naman talaga hangad na palitan si San goku sa pagiging saiyan n'ya kaso talagang buset lang talaga yung mga tao dito.
"Humanda ka saakin Liam kikiam. Pag naabutan talaga kita itutusta ko yang panget mong pag mumuka sa ihawan"banta ko dito. Habang pilit hinahabol.
Sa section namin hindi naman ako nag iisang babae pero sadyang ako lang ang trip asarin ng mga chonggong walang magawa na ito.
Pwede naman kasing si Sweet pag diskitahan. Porket hindi ako singganda non ako nalang lagi.
Buti talagang pinanganak akong mandirigma ng magulang ko.
Spartan Awo!! Awoo!!.
"Buset kang Liam ka lagi"wala na akong magawa tumakbo palabas eh,bilib ako sa bilis non. Kaso buset talaga lagi.
"S'ya man ang nag bigay motibo ngunit sa huli ikaw naman ang nag habol dito"broken yata tong Regulus.
Haistt!! pahabain pa ang pasensya, Kelcie.
"Hindi ka ba napapagod Kelcie?"si Galax na hinahagis hagis yung apple niyang pulang pula.
Che!! As if kausapin kita.
Bakit ba kasi sa dinami dami ng section dito pa sa worst section nilagay si ako. Parusa naba ng Galaxy saakin ito.
"Yang chimpanzee na yan mapapagod"pang -e-epal ni Moon. Nakala mo modelo na nag papainit sa araw dun sa may bintana.
Blah!! Blah!! Blah!!
Inirapan ko nalang silang dalawa. At tinalikuran.
"ABA miss beautiful,kaba?"kahit anong insulto sabihin niyo kahit dumada kayo buong araw. WALA. AKONG. PAKE!!
Gwapo nga kayo kaso sasama ng ugali niyo. Kulang ba kayo sa aruga? Paalaga kayo sa chonggong kamuka niyo.
Blah!! Blah!! Blah!!
Yun lang naririnig ko sakanila,bakit ko naman papakinggan mga yan. Kairita!
Yung desk ko malapit ng maging tambakan ng basurahan. Grabe talagang mga walang awa. Umagang umaga high blood ako.
Kita ko ang pag pasok ni Sweet mula sa pinto alangan naman saan pa papasok,diba. Shempre wala silang pakialam kay Sweet. Hindi nila binubully tulad ng ginagawa saakin.
Malinis din yung desk ni Sweet at yung area n'ya dun sa may bandang likod hindi nila hinahayaang marumihan.
Hinawi ko lahat ng basura sa desk ko tapos kinuha yung notebook ko. Kahit na hindi madalas pasukan section namin, kailangan ko parin namang mag-aral. Di naman ako tulad ng mga yan na matatalino nang pinanganak.
Nilapag ko sa desk yung notes ko at inayos yung reading glasses ko. Saktong mag start na ako ng siguro nabutas yung bubong namin para tumagos saakin yung tubig.
Natigilan nalang ako habang pinakikiramdaman ang lamig ng tubig na ibinubuhos saakin. Naubos na yung tubig na nasa lalagyan kaya yung bote naman ang ibinato saakin.
"Kala ko kasi wala ka pang ligo"si Regulus ng lingonin ko ito. Kakatawa eh!! Tadjakan ko kaya utak mo para malaman mong araw-araw akong may ligo.
Complete na pala sila sa likod. Yung tatlo na bullies at tatlong wala naman pakialam saakin sama mo na tong malapit saakin. May sarili silang mundo.
Si Light, Dwight at Sachi. Hindi ko sinasabing mabait sila sadyang hindi lang talaga siguro nila gusto ang immaturity.
"Regulus sumusobra kana ata"saway ni Sachi? Wow for the everlasting first time. May knight and shinning armor na ba ako?
Just imagining. Of course kasali parin si Sachi sakanila pakitang chonggo n'ya lamang iyan.
Nabasa tuloy ang buhok kong pwede ng pugad ng ibon. Witchy kasi style neto parang di nasuklay simula ng tubuan. Bukod sa buhok ko pati reading glasses ko nabasa. Kaya may part sa eyesight ko ngayon kung saan may droplets gawa ni Regulus.
Inalis ko ang attention sakanila. Kinuha ko yung glasses ko at sinimulang punasan ito gamit ang uniform ko.
"Wiiihhh"warning na pala dapat yun. Kaso huli na ng marealized ko. Nasa sahig na yung kaninang hawak ko na glasses. Hindi naman sana mababasag kaso binalikan ni Liam tapos inapak-apakan. Sarap upakan sa muka neto.
Natigilan nalang ako at natahimik. Napintahan ng kalungkutan ang muka,regalo saakin kasi yun special.
Natahimik nalang sila ng walang imik akong tumayo saka pinulot yun,pinagpagan saka isinuot muli. Wala na naman kung magagalit pa diba. Di na naman na mabubuo. Kaso--nag desisyon nalang akong lumabas ng classroom namin. Tatambay nalang ako,kinuha ko yung bag ko tska umalis.
"Hoy!! Witch may class pa tayo"si Liam na kala mo naman may pakisa klase eh tulog naman yan lagi.
Daig ko pa ang taong nag lalakad sa kawalan ngayon. Saan nga ba ako pupunta? Ay ewan basta ayoko nalang munang pumasok. Sa library kaya? Kaya sa field? Sa lab? Ewan talaga.
Pinagtitinginan na ako ng mga nadadaanan ko. Instant sikat dahil sa suot kung basag na reading glass. Maayos pa sana ito kung naiwas ko kaagad.
Kakaikot ikot ko sa campus nag end up naman ako papuntang field. Ang kalmado ng panahon,malilim walang tirik na araw nakikisama ang hangin. Alam siguro nila na inaapi ako kaya kino-comfort ako. Papalapit na ako sa field kaso muka maling desisyon yun.
Anak ng tatay nila. Ginagawang nila dito? Madaling nag tago ako sa isang puno dito. Sumulyap ako sa mga yun na masayang nag lalaro ng badminton.
"Nang aasar ba talaga sila.."ginalingan ko ang pagtatago dito. Kailangan kong makasipat mamaya makita pa'ko ako pa gawing target. Masakit sakit din yang shuttlecock na yan.
Nakakuha ako ng t'yempo madaling lumisan ako sa pinagtataguan ko. At kumaripas ng takbo palayo.
Sana di nila ako mapansin. Manipestingyawa.
"Hoy chimpanzee!!"ah bahala kayo di ko kayo lilingon o kaya babalikan.
Kakapal ng pag mumuka niyo!!
Kung pwedeng maging the flash gagawin ko na. Bakit ba kasi feeling ko ang liit ng hakbang ko.