Chapter 2

1001 Words
War 2 Nang dismissal madaling lumabas ako ng gate. Finally makakalaya pansamantala sa kulongan ng wild animals. May bukas pa akong haharapin. Sinipat sipat ko ang paligid baka nasundan ako ng mga chonggo. Scanning the area.... Enemy clear... Idol ko si dora kaya pati lakad n'ya gaya ko. Tinatahak ko ang daan pauwi. Hindi talaga ako naglalakad pauwi,madalas gumagapang,char. May sundo talaga ako kaso ngayon hindi ako nag pasundo. Dahil parang tanga ako sa suot kung reading glass shempre malamang hinubad ko na tuluyan. Hirap kayang tumingin ng may basag basag na salamin. Kinapa at kinuha ko sa bulsa yung phone ko. Bungad shempre ako,ako lang naman ang one and only shinning shimmering star sa Heart Academy. [AN Ya tagged you in a post] [Comment section:] Lin:Wala ba siang pambile ng bagong salamin. Roi: kawawa naman binully sguro. Stacy: dsrb ba? At marami pang ibang komento. Paki ba nila sa bagong style na pinapauso ko. Auto change account nalang kasi baka hindi ko matansya yang nag post. [Switch account...] Buti pa dito sa account na'to mahal pa'ko ng mga friends ko. Tamang scroll lang ako at react sa comment nila saakin. Maganda talaga ang comment and reaction pag maganda din ang tao. Malayo layo ang bahay namin. Sobrang layo sa school. Bakit ko nga ba kasi naisipan mag drama,may palakad lakad pa akong nalalaman. Tsaka yung sasakyan na sumusunod saakin, ngayon ngayon lang. Kilala ko to 101 percent sure. Tinago ko agad ang phone ko at nag lakad na nothing happened. Umandar ito hanggang sa magkatapat kami. Pero pilit kong nilalakihan ang hakbang. "Kelcie?"kasabay ng pag babang windshield ng sasakyan ng lalaki. Deadma lang Kelcie wag mong pansinin,inday! "Kelcie,baka gusto mong sumakay. Hahatid na kita sainyo"k********g na siguro gusto nilang gawin ngayon. Hindi n'ya ako pwedeng ihatid saamin. Tska isa pa wala akong tiwala dito kay Dwight. Kahit wala s'yang ginawang kasamahan saakin sa nakalipas na araw, kasamahan parin s'ya ng mga iyon. "Kelcie naman can you please listen to me muna"mababang tono ang pagkakasabi nito. Parang nag papaamo ng kung ano. Naiirita na ako kakasunod nito kaya padabog akong tumigil. "Ano!!"sabay irap ko dito ng harapin ko ito. "Sorry"for? para saan dun yung sorry mo ang daming nangyari. Saan dun. "Tigilan mo nga ako d'yan alam mo ginawa n'yo na saakin yang fake sorry na yan. For sure may kalokohan na naman kayong panibago ano"kompronta ko dito. "But—"ayaw kong marinig next n'yang sasabihin nakakadala kaya pag galing sa isang member ng 7 charm ang nag sorry. "Alis na."utos ko dito at tinuro ang daan paalis. Wala na s'yang nagawa kasi naman may padaan ding mga sasakyan na galing din sa school namin. Takot lang n'yang pag piyestahan ng mga chismis. Umandar ito at humarurot paalis. Kinuha ko agad ang phone ko at nag pasundo na. +++ Nasa kwarto na'ko nag aalis ng makeup. Diba panget na nga may makeup pa. Kaharap ang sarili gamit ang mirror. May naalala akong tao dahil sa isang larawan na nakadikit sa salamin. Kinuha ko ito,kung nandito ka pa sana may mag tatanggol saakin. Kaso--iniwan mo'ko. Unting drama sana gagawin ko kaso dinig ko yung disaster na parating. "Kelcie!!"si pader na parang commander. Nasobrahan siguro sa ROTC to nung nag aaral pa. Madaling tumayo ako sa kina-uupuan. At sumalubong sa may pinto. Stand straight shempre kulang nalang mag salute. Bumukas ang pinto kasabay non ang paghahanda ko sa sermon nito o kung ano man. "Kelcie, kamusta naman pinapagawa ko sayo?"bungad nito hindi man lang ako inunang kamustahin. Walang akong maisagot wala namang dapat isagot kaya natahimik kaming pareho. "Kahit kelan talaga wala kang kwentang anak!! Bakit pa kasi niligtas ligtas ka pa ng kuya mo,napaka malas mo naman para mabuhay"halos magiba ang pinto ng isara n'ya. Iniwan n'ya na akong mag-isa dito sa kwarto. Sanay naman ako sa ganoong trato nya. K-kaso nga lang,bakit n'ya ba saakin isinisis yung nangyari sa nakaraan. Wala pa nga akong kamuwang muwang noon. Siguro kung may isip lang ako sana buhay pa si Kuya at ako yung wala na. Lagi naman kasing walang kwenta ang halaga ko dito. Likidong di mapigilan sa pag patak mula saaking mga mata. At damdaming nagpapahirap saakin sa sakit na nadarama. Habang naalala ko ang lahat parang nakakawalang gana na. Bakit ba kasi niligtas pa ako ni Kuya. Sana hindi nalang kasi pinahihirapan lang ako ng kabaitang dinulot n'ya. Papasok sa eskuwela upang harapin ang digmaang hindi ko naman pinili harapin. Uuwing may bugbog at pasa na parang wala nalang epekto sa kawawang balat ko. Darating sa bahay na puno ng sermon paninisi. Hanggang kelan ko ba dapat pagtagumpayan ang mga ito. "Kelcie?"si kuya na nakangiti saakin"wag kang sumuko kapatid"paalala nito. "Kuya sama na'ko sayo,ayoko na dito"pag pupumilit ko. Hindi s'ya sumagot nakangiti lang. Hanggang unti unting kinuha muli s'ya ng liwanag na muntik ng kuha saakin noon. Panaginip na sana hindi nalang ako nagising. Si kuya na yun eh,bakit ba kasi kailangan kung magdusa dito. Pero gaya ng sabi ni kuya laban lang alaxan,char. Bumangon ako at pinunasan ang luha at laway na natuyo. Hindi ako dapat ngayon sumuko siguro next time ganon. Basta hindi ngayon. Ilang taon kung na survive lahat. Ngayon pa bang may utak na'ko hindi nga lang nagagamit madalas. Charm 7 at pader hindi n'yo ako mapapasuko kahit anong pang-aapi gawin n'yo. Si Kelcie kaya ito. Pinatatag ko ang sarili ko dahil wala namang ibang makakagawa non kung hindi ako mismo. Muntik na akong sumuko,sa maliit na bagay lamang. Agad akong kumuha ng papel upang mag plano sa magiging aksyon ko sa school. Gera ang gusto nila gera din ang dapat ibala ko sakanila. Ano kala nila mapapaiyak nila ako sa ginagawa nila. Alam ko namang ayaw nila sa pag mumuka ko na mapunta sa section nila,akala din s'guro nila gusto ko sa pag mumuka nila. Matira matibay tayo mga CHONG!! Kaso lang pano ko magagawa yun? eh yung braincells ko hindi nakikipag cooperate. Nilalayasan ako madalas ng braincells sabagay hindi ko naman sila madalas ginagamit. Hehe!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD