Not coincidence
Papunta ako sa bahay ng kaibigan ko ngayon. Birthday daw kasi ng pinsan n'ya, shempre makikilamon lang ako. Nakarating ako sakanila ng mabilis, dahil 'di naman traffic.
Pagbaba ko palang ay sinalubong na ako ng magandang ngiti ng babae.
"Kelcie!!"madali s'yang yumakap saakin. Hindi naman sa hate ko ang physical touch pero hindi ako o hindi ko lang talaga gustong may yumayakap saakin.
Kumalas ito sa pag kakayakap.
"Kumusta naman,Shadel!"matagal din noong huli kaming nagkita. Wala namang pinag bago sakanya,lagi parin s'yang nakangiti pati yung salamin n'yang sobrang taas ng grado. Ganon na ganonin parin.
"Eto,buhay pa naman hehe"tungon nito"Tara pasok na tayo"pagyayaya nito. Sumunod lang ako sakanya hanggang sa likod ng bahay. Doon inaayos ng mga kamag-anak n'ya yung mga gagamitin sa party.
Napaaga ata dating ko, dapat nag palate pala ako!
"S-sino palang may birthday "binulungan ko ito.
"Si Achi"tungon nito.
Sinamahan n'ya ako papunta doon sa uupuan namin. Hindi ko kilala sino yung may birthday alam ko lang makikikain ako. Invited naman ako eh.
Iniwan muna ako sandali ni Shadel,tutulong kasi ito sa paghahanda. Ako naman ito, chine-check yung binili kong regalo. Di naman kasing kapal ng dictionary ang pag mumuka ko para pumunta dito ng walang ipangpalit sa kakainin ko.
Limited watch 'to, actually couple watch 'to. Nagandahan kasi ako doon sa pang babae eh 'di naman pwedeng bilhin ng isa lang.
Isa pa 'di naman malalaman nung pagbibigyan. At di ko naman kilala yun at di n'ya ako kilala.
Unti-unting nagdatingan yung bisita. Tamang tango lang ang ginagawa ko biglang paggalang sakanila.
Medjo awkward na'ko dito. Patayo na sana ako sa kinauupuan ko para hanapin si Shadel kaso— ginagawa non dito.
Kasunod n'ya si Shadel. Nag-uusap sila. Gosh!! kailangan ko ng umalis kaagad kung andito 'to for sure darating yung kampon n'ya.
Diskarte lang makakasipat din ako dito. Buti nalang memories ko galawan ni swiper the fox.
Tinakpan ko ng bag muka ko. Kahit na alam ko namang 'di ako makikilala ng mga chonggo. Muka tuloy ako timang dito.
Sakanila ako nakatingin habang um-exit.
"Oh,hija saan punta mo?"hindi ko na malayan ang mama ni Shadel.
Medjo pinagtinginan ako kaya inalis ko yung bag sa muka ko.
"Ah dun lang po sa ano"turo turo ako kung saan.
"Kelcie"sigaw sa pangalan ko ni Shadel.
Dora pakuha nga dito.
"S'ge po tita puntahan ko lang si Shadel"paalam ko dito at walang choice na pinuntahan si Shadel na katabi si Sachi.
"Kel—"akmang tatawagin n'ya muli ako sa pangalan ko.
"Kc! KC diba"ani ko habang nakatingin kay Sachi at umaasang makombinsi. Nagtataka lang itong nakatingin habang pilit ngiti ako.
"Anyways! K.C"tinanggap nalang ni Shadel"Si Sachi,yung pinsan kong may birthday"pakilala nito. Kilala ko naman yan eh.
"Ah-- s'ya. S'ya ba"medjo natataranta ako ngayon. Kasi kita kong padating yung mga tropa n'ya.
Hinawakan ni Shadel yung balikat ko"Okay ka lang?"siguro napansin n'ya yung panic attack ko.
"Ah...oo ha ha"awkward na tawa ang ginawa ko.
Napakamot nalang ako ng ulo kahit wala akong kuto.
"Pre! happy birthday!"bati ni Liam kay Sachi.
Agad akong pumunta sa gilid ni Shadel at humawak dito.
Hindi man nila ako makikilala,nakikilala ko naman sila.
"Oii!! may chix!"si Regulus. Ako ata tinutukoy. Napaka babaero talaga nito.
"Pre! pakilala mo naman kami"Si Liam na porke iba itsura ko. Isubsob ko kaya sa cake yang pag mumuka mo.
"Hi Moon nga pala,ang buwan na bumaba sa kalangitan makita lamang ang iyong kagandahan"masusuka ba ako o ano. Trip nito. Pilit ngiti lang ako dito dahan-dahang inabot ang kamay n'ya upang makipag kamay.
Isa-isa silang nag pakilala.
"A-ahh Kelcie! este Kc"ako naman ang nagpakilala.
Mahinang bumulong saakin si Shadel saktong ako lang makakarinig.
"Anong Kc?"kanina pa n'ya talaga gustong itanong yan, sgurado.
"Basta paliwanag ko mamaya"bulong ko pabalik.
Nakatingin saamin sila habang pekeng ngiti kaming dalawa ng mamalayan sila.
May phone kaming narinig na nag notification.
"Papunta na si Sweet"si Sachi habang binabasa ang message.
Napairap nalang ako complete kaming section Black Sheep. Kahit hindi nila alam na classmate nila ako.
Pumunta na kami ni Shadel sa pwesto namin kanina. At doon din nakiupo yung mga chonggo.
"Saan ka nga pala nag aaral Kc?"tanong ng lalaking halata sa muka ang interest saakin.
"Sa school"tugon ko.
Sa muka nito parang nakaramdam s'ya ng hiya"ah shempre shempre haha"ano ka ngayon Regulus.
Parang minsan lang sabi n'ya hindi n'ya type isang tulad ko. Ngayon eto s'ya kulang nalang idikit yung muka sa muka ko.
"Dre! wag mo namang titigan yan baka malusaw"saway ni Liam na busy sa paglamon ng ice cream.
Unahin ba naman yung ice cream lamunin. Tska isang galong ice cream yung hiningi n'ya. Kapal talaga!
"Bakit pala di n'yo ininvite si Shanlee?"luh bakit naman ako naisip ni Dwight.
"Para saan naman? baka mawalan tayo ng gana sa pagkain"saksak ko ata sa lalamunan mo yang isang galong ice cream Liam.
"Hindi naman natin kailangan isama yun"si Regulus na inalis na tingin saakin.
"Bro! trip mo ba yun?"hindi sa nag e-expect ako ha. Nakikinig lang sa usapan nila.
"Hindi pwedeng isama yun mag-aaway lang sila ni Liam"saad ni Sachi.
Tama ka d'yan Sachi! May tama ka naman pala kahit minsan.
"Andyan na sila"saad ng lalaking hindi maiwan iwan yung ice cream n'ya.
"Sweet!"tawag ng mga ito.
Nag besobeso sila. Hindi kona tinignan. Yucky!!
"Sweet,si Kc nga pala. Girlfriend ko"pakilala ni Regulus. Ang kapal naman neto.
"Anong girlfriend mo assuming"si Liam na hindi sang-ayon.
Nawala ang magandang ngiti ni Sweet ng saakin na s'ya tumingin. Parang isusumpa n'ya ako dahil sa attention na binibigay saakin nung dalawa.
"Hi"kaunting waive lang ginawa ng babae at umirap. Ako lang ang nakapansin non. Kahit sa room namin ganyan s'ya kapag may mga babaeng dinadala sa room 'tong mga 'to.
Ang alam ko kaibigan s'ya nila pero ang nababalitaan ko sa ibang level. Pick me girl daw 'tong si Sweet. Muka pa naman s'yang anghel tapos mabait pa tignan pero hindi ko lang alam ang totoo. Tsaka wala naman akong pake sa detalye na naririnig ko sa ibang level.