Chapter 4

1004 Words
Hiding in the makeup Nagsimula na kaming kumain magkakasama sa table. Shempre malakas tama nung dalawa kahit anong pag kain nalang nire-recommend. Nag karoon ng contest sa pagitan nila. Tanggi lang ako ng tanggi kasi...kasi ayoko lang. "Usap tayo"si Shadel ng makakuha ng pagkakataon. Iniwan muna namin sila, sumunod lang ako sakanya papuntang kusina. Kung saan walang tao. Alam kong curious si Shadel sa ganap. Kaya kating kati itong malaman ang sasabihin ko. "So anong nangyayari"saktong tumigil kami sa tabi ng refrigerator. Nag masid masid muna ako sa paligid. Wala namang tao. "Ganto kasi"mahinang sabi ko saktong maririnig n'ya "Classmates ko talaga sila"pag confess ko dito. "We?"dahil sa sinabi ko parang hindi s'ya makapaniwala. Yung naging reaction n'ya kala mo gumawa ako ng isang bagay na impossible kung gawin. Tulad ng lumanggoy sa hangin"bakit hindi kanila kilala."tulad ng tono ko at volume ganon din ang ginawa n'ya. Akala mo may pinagchi-chismisan kaming isang tao tapos dapat hindi marinig ng taong ito,kasi nasa malapit lang. Tumingin muna ulit ako sa paligid"Kasi.."bago ko ituloy kinuha ko muna ang phone ko at nag pakita ng picture kay Shadel. "Sino yan?"tinitignan n'yang mabuti"bakit ang hindi sa pang ja-judge pero sobrang pangit naman n'ya"ouch ha! ako yan beh! kahurt! In-off kuna at tinago sa bulsa yung phone. "Ako yun"pag amin ko sakanya. "Ga...gs!"kita kong hindi parin na download sa utak n'ya yung information na sinend ko. Loading pa s'ya! "Maniwala ka. Ako yun. Power makeup"pagkombinsi ko dito. "Bakla ka bakit?"s'ya ng marealized n'ya na. "Hindi ko pa masasabi sa ngayon"tugon ko dito. Sumigla ito"Alam mo para ka tuloy yung sa True beauty,pero baliktad yung version mo."kaka-kdrama mo yan"Ohmy G!!! akalain mo yun isang mala d'yosa nag panggap na ganon"hindi naman ako kagandahan bakit ba laging mala d'yosa. Medjo lumalakas boses n'ya"shhh"saway ko. "Basta update mo'ko ha! Kung ano man dahilan. S'guro naman may dahilan."natatawa ako sa reaction nito. Sa sobrang addiction sa mga kdrama nanabik sa magiging kwento ng buhay ko. Bakit ko nga ba kasi ginagawa 'to. Anong dahilan? Dahil ba sawa na ako saaking kagandahan. Ay wait medjo mahangin yun ah. Humble lang. Stay humble! Napag desisyonan naming bumalik sa party. Nakabantay ako sa oras kasi alam muna ang isang Cinderella may time limit. Kinuha ko yung gift ko tapos iniaabot kay Sachi. Balak ko na kasing mag paalam para umuwi. Pero hindi talaga ako uuwi. Tatambay nalang ako sa mall o di kaya sa plaza. "Ayesha! uwi na'ko"sabi ko dito. Kaso busy sa pakikipag usap kaya hindi ako pinapansin. "Ehm!!"dinig namin lahat yun kaya napatingin kaming sabay at tumigil sila sakanila mga chismisan. "U-una na'ko"si Dwight. "S'ge lang bro!" "Ingat!" "Bye pre mamimiss kita wabyou" Tumingin saakin si Dwight"B-baka gusto mong sumabay"narinig n'ya ba ako? buti pa s'ya narinig n'ya kahit malayo ako ng kaunti sakanya etong mga katabi ko parang wala lang. Decision making muna tayo. Kung mag stay ako maiinis lang ako sa pag mumuka ni Liam at Regulus and others chonggo. Kung sasabay ako, sa muka lang ni Dwight. Tumango na ako dito"Sure, kailangan ko na din kasing umuwi."tumayo na ako sa kinauupuan ko"Ayesha Shadel una na ako ha"nakangiti akong napalaalam dito"Una na'ko"sabi ko sa iba habang yuko ng yuko,mga tatlong beses. Shadel:"Babyee" Regulus maharot:"Ingat babemahalmylovessosweet" Sun:"Nakaka-Diabetes naman yang pag mamahal mo Regs!" Moon:"Ingat kayo,wag sana kayong mag katuluyan kawawa ako" The rest nakatingin lang at may nag we-wave. Plano ko lang sumabay palabas. Kaso plano ata nito ihatid ako. "Sabay ka na?"tanong nito. "Ah hindi na"tanggi ko. "Mainam sayang sa gas"ngek! tatanong tanong. Sarap tadjakan n'ya habang nakasakay sa motor n'ya ng matumba"Una na'ko"saad n'ya ng matapos isuot yung helmet n'ya tapos ay mabilis na nag drive paalis. Gumaganti siguro yun nung minsan kung tanggihan tapos nag pumilit. Ay wait! hindi n'ya nga pala alam na ako at yun ay iisa. Papasundo sana ako kaso naalala ko na may lakad yung driver namin. Day off n'ya. Sakto lang talagang may pinsan akong matatawagan sa panahon ng walang masasakyan. Matagal bago dumating yung pinsan ko sa malapit na tindahan ako nag tambay para maghintay. May taxi na unti-unting bumabagal ang takbo hanggang tuluyang tumigil. "Kel!"tawag ng lalaki sa loob ng taxi. Makita kong si Kairo ang niluwal ng bintana ng taxi. S'ya yung driver. Pinuntahan ko ito. "An'yare taxi na pala trip mo ngayon?"indi naman sa pang mamaliit. Mamahaling sasakyan collection nito ngayon taxi na. "Grounded ako eh hehe"napakamot ng ulo ito. Sa front sit ako uupo. Binuksan at pumasok na ako tapos isinara ko na. "Saan mo naarbor?"tanong ko sa lalaking nag sisimula ng mag paandar. "Dun sa manong na sinakyan ko,alam muna talk talk then money money"eto talagang si Kuya Kairo kahit ano nalang alam. Nagpahatid lang ako sa mall shempre ginampanan talaga ni Kairo yung pagiging taxi driver kaya siningil ako. "Lamat Kai"sabi ko tapos ay umalis na ito. Mag iikot ikot muna ako dito sa mall baka may mabili akong magagamit. Pag pasok ko sa makeup section agad ako tumuloy. Kulang na kasi yung makeup ko madaling maubos hirap kasing mag papanget ng muka. Pati wig din nag tingin tingin ako. Hindi ko agad na hanap yung angkop na kulay ng foundation. Kaya lipat lipat ako ng pinupuntaha. Makeup is everything saakin. Pagkabili ko sa clothing naman ako wala na kasi akong masuot (kahit na marami pa talaga) ayoko kasing paulit ulit yung damit. Isa pa yung pinang gagastos ko di naman saakin pera, tska pagod. Kay Dracula naman yun. Kung akin gastos sguro nagtitipid ako ngayon hehe. Tamang tingin sa price muna ginawa ko satuwing may matitipuhan na damit. Grabe ha,yung price nakakaloka. Pwede kayang tawaran. Hindi ako pwedeng kumuha ng kung ano-ano nalang tas diko susuotin. Baka mapuno lang kwarto ko. Ngayon medjo na paisip ako parang lugi ata ako sa binayad ko kay Kairo. Ngayon ko kang kasi talaga naiisip isipin yun. Grabe mahal ata ng siningil saakin ng pinsan ko na yun. Porke na grounded wala ng libre dun. Wala akong biniling damit kasi wala naman akong natipuhan kaya lumabas nalang ako sa clothing shop.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD