Sermon
"Chimpanzee!!"bungad saakin ni Liam. Sabay bato ng basura n'ya. Parang kahapon ang bait netong Chonggo na'to. Wala naman akong balak pansinin s'ya.
Si Liam pinaka dahilan kung bakit naubos ang student sa room namin. Lagi n'yang ginagawan ng prank. Worst prank n'ya ay yung bubble gum na dinikit n'ya sa buhok nung kawawang babae. Out of 40 student 9 nalang kaming natira.
Wala na nga ring pumapasok na teacher saamin. Kasi maski yung pinagdidiskitahan nila. Parang pumapasok nga lang ako para makipag gera kay Liam o kaya kahit kanino sakanila.
Sa ngayon binabato nila ako ng mga papel nila. Ang tanging shield ko ay isang notebook sa ulo ko inilagay.
"Chimpanzee laban!"si Liam na mukang timang sa likod.
Ignore lang Kelcie. Wala namang ambag yan sa buhay mo. Ngayon naiisip ko kung gawin ko man yung plano na pinag -usapan namin ni Dracula. Makakaganti siguro ako ng tuluyan sa mga ito. Kaso ayoko namang gawin yun mag mumuka akong golddigger.
Si Mr. Reyes pumasok himala. Teacher namin s'ya sa intro to philosophy. Tanging teacher na may lakas ng loob pumasok dito.
"Class listen!"kinuha n'ya ang attention nila kasi kahit andyan s'ya ako parin ang pinag ti-tripan nila.
Natigilan sila at tumingin kay sir pero bumabato parin si Liam saakin.
"Liam Fundador!"strikto ang pagkakasabi ni sir. Tumigil si Liam sa ginagawa n'ya.
"This section is the most— haisytt"pagpipigil ni sir"Alam n'yo hindi na kinakaya ng lahat ang pag-uugali n'yong basura!"ouch sir damay ako"Hindi ko alam anong kulang sainyo o sadyang wala lang kayong mga isip"real talk sir.
"And so?"si Regulus na walang galang talaga kahit kailangan.
"Regulus Espinoza! Yan d'yan ka magaling. Sagot ng sagot pero kapag recitation wala kang maisagot. Puro ka kayabangan!"Napuno na siguro si sir sakanila.
"Hindi ba kayo nahihiya ha? Grade 11. Tapos edad 19-20 ano gusto n'yo dito nalang kayo. Ang tatanda n'yo na."ay buti nalang 17 palang ako mag 18. Go sir tuloy mo sermon.
"Hindi dahil yung mga magulang n'yo may position sa eskuwelahang ito. Ganyan na iaasta n'yo. Mga walang modo."Natahimik sila tinamaan siguro sa sermon.
"Sana maisip n'yo yung edad n'yo hindi na angkop sa grado n'yo. Isa pa ito pa ha may mga bagong student na galing sa ibang school at balita ko ilalagay dito sa section na ito. Dahil sa mga records nila. Kita n'yo yan ginagawa ng basurahan tong section n'yo. Basurahan ng pinakamalala na student galing sa iba't-ibang school" batid ko ang concern ni sir kahit galit s'ya nasa muka parin nito ang pag-aalala sa section namin.
"By tomorrow papasok na sila dito. Mag kakaroon narin ng regular class sa section na ito. At warning na kayong pito"tinuro n'ya silang pito sa likod"Malaman pa sa guidance na may teacher na naman kayong gagawan ng kalokohan. Kick out!"Babala ni sir sakanila.
"Now clean this mess! ayusin n'yo tong section n'yo! Move!!!"maotoridad na saad ni sir shempre sinunod namin. Mabagal nga lang silang gumalaw.
Si Mr. Reyes yung teacher na balita ding dating gangster. Malala pa s'ya sa mga classmates ko. Kaya siguro na tatakot n'ya ang mga ito.
Umupo si sir doon sa upuan sa harap. Wala s'yang schedule saamin ngayon.
"Ikaw kasi"nagsisisihan yung mga chonggo sa likod.
"Ayusin n'yo yang sitting arrangement n'yo"kalmado na ang boses ni sir di tulad kanina na nakakatakot.
Kumuha ako ng walis at nag simulang mag walis. Si Sweet nakatayo lang halatang walang alam sa gagawin.
"Sweet Anica ano ka d'yan?"saway ni sir kaya agad kumuha ng walis si Sweet at nag walis ng paiba iba ng dereksyon.
Yung boy's kapag natatapos kung walisan nilalagay na nila sa ayos yung upuan.
"Yung iba mag punas naman ng bintana. Hindi naman s'guro dikit dikit pusod n'yo para mag sama samang pito d'yan"parinig ni sir habang nag babasa ng lesson n'ya.
"Dun ka nga"dinig ko ang patutulukan sa gawain ng mga 'to.
Natatawa ako sakanila kasi ngayon napakaamo nila.
Sinamaan ako ng tingin ni Moon ng mapansin na nakangiti ako. Pinandilatan ko lang ng mata ito.
Ilang minuto din kaming nag lilinis dito hanggang sa malapit ng maging classroom ulit ang muka ng room namin.
Nilagay ko na sa plastic na basurahan yung mga nawalis ko. Kinuha ko narin 'to para ilagay dun sa area kung saan pinagsasama sama basura ng buong campus.
Saktong nag lalakad na ako paalis ng marinig ko ang pagtakbo ng kung sino. Galing sa likuran.
"Ako na d'yan"saad ng lalaki ng mahabol ako. Kinukuha n'ya ito saakin.
"Hindi na kaya ko naman 'to"tanggi ko dito.
"Hindi lalaki dapat gumagawa nito"tuluyang kinuha ni Dwight saakin yung basura"Balik kana doon"saad saakin nito.
"Sasama ako"tugon ko. Ayoko muna dun sa classroom matatawa lang ako sa pag mumuka ni Liam.
"Ikaw bahala"wala naman s'yang nagawa mapilit ako.
Naglakad kami papunta sa tambakan ng basura. Masinag yung araw sa labas. Ginamit ko yung palad ko para kahit papano hindi masakit sa mata yung araw. Mag kasama kami ni Dwight pero may distance saamin.
Tuluyan naming narating ang pupuntahan namin. Nilagay n'ya doon yung dala n'ya,tinambak n'ya sa ibang basura. Pabalik na kami sa classroom.
"Uhm...b-baka gusto mong sumamasa cafeteria?"tanong ni Dwight. Medjo nag isip muna ako.
"Ah s'ge"tugon ko dito.
Nagugutom rin ako buti may nagyaya pumunta sa cafeteria. Nag iba kami ng dereksyon ng pupuntahan. Sa likod lang ako ni Dwight habang nag lalakad.
Matangkad saakin si Dwight tulad ng mga kaibigan n'ya. Hanggang balikat lang nila ang ulo ko. Laging tinitignan si Dwight ng mga babae dito. Obvious naman kung bakit.
Nasa tapat na kami ng counter. Nasa likod n'ya parin ako.
"Anong gusto mo?"tanong saakin ni Dwight. Nakatingala ito tumitingin sa mga available.
Sumilip ako at humawak ng bahagya kay Dwight. Tinignan ko din yung available.
Sandwich... burger..echetera...blah blah blah.
"Ah sandwich nalang akin"sabi ko kay Dwight. Kukuha na sana ako ng pera.
"2 sandwich"dinig kong sabi n'ya sa cashier"I'll pay na Kelcie"sabi n'ya. Pero hindi ko s'ya inintindi.
Busy akong manghalungkat ng wallet. Hanggang sa....wait? "I'll pay na"tama ba yun?
Nag labas ako ng 500 at iniabot kay Dwight. Tinanggihan n'ya lamang iyon. Naks may libre ako ngayon. Sana pala dinamihan ko.