bc

One Night Stand With My Strict Boss

book_age18+
19.7K
FOLLOW
155.0K
READ
billionaire
one-night stand
HE
playboy
arrogant
bxg
lighthearted
office/work place
cheating
assistant
like
intro-logo
Blurb

Ano ang gagawin mo kapag nalaman mo na ang naka one night stand mo ay boss mo pala?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
CHAPTER 1 Maingay ang paligid, maraming mga taong umiinom, maraming mga lasing, may naghahalikan sa gilid, at marami ang sumasayaw. 'Yan ang nakikita ko araw- araw sa aking trabaho. Isa akong waiter sa isang club. Sa mahigit isang taon ko dito ay nasanay na ako na ganyan ang makita ko araw- araw. Sa una ay medyo nanibago pa ako dahil hindi ako sanay na pumasok sa isang bar. Labag man sa loob ko na tanggapin ang trabahong ito pero wala rin naman akong magagawa dahil wala naman akong pwedeng mapasukan. Nakapagtagapos lang ako ng senior high at isang taon lang ang napag- aralan ko sa college dahil hindi ko kinaya ang pang- tuition ko. Galing ako sa probinsya, kaya lang naman ako nakarating dito ay dahil sabi sa akin ng tita ko na siya ang magpapa- aral sa akin. Pero hindi nangyari iyon, ginawa lang nila akong katulong sa bahay nila. Umalis din ako sa kanila dahil minsan binubugbog niya ako. "Samara! VIP room number 3!" kinuha ko na ang order na inumin para ihatid na ito doon sa VIP room. Mamaya pang ala- una ng umaga ang out ko at alas onse pa lang ng gabi ngayon. Ilang lasing pa ang makakaharap ko bago ako makapagpahinga. Kung may iba lang akong pwedeng pasukan na trabaho ay matagal na akong umalis dito. Puro mga matatanda ang nandoon sa loob. Sanay na ako sa mga ganito kaya medyo nakakayanan ko ng ihandle ang mga ganito. "Here is your order, sir." inilapag ko na sa table nila ang kanilang mga inumin. Apat na matatanda ang mga nandito, 'yong mga matatanda na kulay puti na talaga ang buhok. Tapos may isa- isa na silang mga babae na niyayakap. "What is your name, baby girl?" halos mandiri ako nang tinawag ako ng isang matanda. Ngumiti lang ako sa kanya. "Excuse me, sir. Just call me when you need something." umalis na kaagad ako doon sa kanila. Normal na 'yan sa trabaho ko. Minsan nga ay hindi maiiwasan na may mga nanghihipo pa sa akin. Pinipigilan ko na nga lang ang sarili ko na masuntok ko sila. Nang matapos na ang shift ko ay nagbihis na ako at kinuha ko ang mga gamit ko sa locker room. Habang nagbibihis ako ay lumapit sa akin ang isang kasama ko. Kaibigan ko ito at ito ang tumulong sa akin na makapasok ako dito. "Samara? Gusto mo ba ng ibang trabaho?'' ito rin ang nagbibigay sa akin ng mga side line para mas kumita ako. Taga probinsya rin kasi siya kaya naging malapit kami sa isa't isa. Nasa iisang apartment lang din kaming dalawa. "Anong trabaho?" tanong ko sa kanya at nilagay ko na ang aking itim na backpack sa aking balikat. "Janitress, Samara. Okay ang kita mo dito. Pwede ka ng hindi magtrabaho pa dito dahil mas malaki ang sweldo mo doon." Naging interesado naman kaagad ako sa kanyang sinabi. Mas mabuti na ang maglinis ng mga maduduming bagay kesa naman palagi na lang akong nababastos dito. Tapos kulang na kulang pa ako sa tulog ko. "Saan ba 'yan, Sienna?" tanong ko sa kanya. "Sasabihin ko sa 'yo mamaya kapag nakauwi na ako. May kailanga pa akong ayusin doon sa labas, eh! Ingat ka sa pag- uwi!" tumakbo na ito palabas ng nagmamadali. Mula 8 pm hanggang 1 am kasi aang shift ko dito. Tapos sa kanya naman ay mula 10 pm hanggang 3 am. Lumabas na ako ng bar at nag- abang ng taxi sa labas. Mabilis lang akong nakasakay dahil maraming mga taxi ang nag- aabang dito dahil ang ibang mga customers namin ay walang mga dalang sasakyan. Nang dumating na ako sa aming apartment ay naligo na kaagad ako dahil amoy alak at sigarilyo ako kahit hindi naman ako gumamamit ng sigarilyo at hindi rin naman ako umiinom. Pagkatapos kong maligo ay pumasok na kaagad ako sa aking kwarto. Maliit lamang itng apartment naming dalawa ni Sienna, saktong- sakto lang para sa aming dalawa. May dalawang kwarto ito, maliit na cr, maliit lang din ang aming sala, at may maliit din kaming lamesa para doon na kami kumain. Ilang beses na nga kaming palipat- lipat ng apartment kasi palagi kaming napapaalis. Hindi kasi namin nababayaran kaagad kasi ga kapos kaming dalawa ni Sienna. Ang sweldo naming dalawa ay napupunta sa pamilya namin ang kalahati, at ang kalahati naman ay matitira sa amin. Paghahatian pa naming dalawa ang groceries dito sa bahay, kuryente namin, at ang tubig. Kaya hindi rin pwedeng isang trabaho lang ang gawin namin dahil kulang na kulang ito. Lima kaming magkakapatid at ako ang panganay. Lahat ng mga kapatid ko ay nag- aaral na sa probinsya kaya kailangan ko pang magtrabaho ng maigi para sa kanila. Magsasaka lang ang mga magulang ko. Ang nanay naman ay nagbebente ito tuwing linggo ng mga gulay sa palengke mula lang din sa tanim namin. Mabuti nga at may maliit kaming lupa at doon nagtatanim ng palay at mga gulay ang mga magulang ko para dagdag na rin. Mabilis lang akong nakatulog. Dahil wala akong trabaho ngayon ay naglinis na lang ako ng apartment namin. Nandito na si Sienna at nasa kwarto niya pa at natutulog. Pero bago ako naglinis ay nagluto na muna kao ng almusal naming dalawa. Isang linggo pa bago ang sweldo naming dalawa, pero ang laman ng maliit na ref namin ay halos ubos na. Kailangan na naman naming dalawa na magtipid. Kukunin ko talaga ang trabaho na janitress, kasi baka umaga lang iyon. Kaya baka pwede pa akong magtrabaho tuwing gabi. Nasa walong libo lang ang kita ko sa isang buwan sa bar. Kaya kulang talaga iyon kung hindi ako gumagawa ng paraan para maghanap ng ibang trabaho. Kulang na lang ay maghanap kaming dalawa ni Sienna ng sugar daddy para wala na kaming problema pa. Mabilis lang na lumipas ang mga oras. Balik trabaho na naman ako ngayon. "Sienna, tungkol pala sa sinabi mong trabaho sa akin. Gusto ko sanang mag- trabaho doon." sabi ko sa kanya habang inaayos ko ang aking buhok. Nakaharap ako sa salamin habang siya ay nakaupo sa sala namin habang nagtitipa sa kanyang cellphone. Maganda itong si Sienna. Mas matanda lang sa akin ng isang taon. 25 years old na ko ngayon. Twenty three years old ako nang naka- graduate ng senior high dahil pahinto- hinto ako sa pag- aaral dahil ayon nga kapos kami sa pera. "Ay, oo nga pala! Go ka ba? Sasabihan ko na iyong kakilala ko na ikaw na lang ang pumalit sa kanya." "Go ako syempre!" hinding- hindi ko papalagpasin ang mga trabaho na malaki ang kita. "Maganda doon. Doon ka lang yata sa isang floor maglilinis. Hindi ko pa alam kung saang floor ka ilalagay. Sige, itetext ko na siya na pumayag ka na. 15k din ang sweldo mo dito. Sayang nga eh, natanggap din kasi ako doon sa isang cafe kaya ibibigay ko na lang sa 'yo." Nanlaki ang aking mga mata nang sinabi niya sa akin ang magiging sweldo ko. It is very tempting . "Ang laki naman ng sweldo, Seinna!" hindi makapaniwalang sabi ko sa kanya. "Malaki talaga, teh! Kasi malaking floor din ang lilinisin mo!" natatawang sambit niya. Pero sigurado naman ako na halos lahat ng nagtatrabaho doon ay mayayaman kaya hindi ako mahihirapang maglinis pa doon. "Kaya 'yan! Basta malaki ang sweldo!" Nasa bar na ako ngayon. Ilang drinks na rin ang mga naserve ko sa customer. Matagal na ako dito kaya ang iba ay nirerequest na ako ang magserve ng inumin nila. Hindi ko naman magawang mag- reklamo dahil may tip naman silang binibigay sa akin, bawi lang din naman. "Samara, VIP room number two!" kinuha ko na ang drinks at hinatid na sa VIP room. Pagpasok ko ay halos malula ako sa aking mga nakita. Tatlong lalaki iyon, halos lahat ay malalaki ang katawan. Mukhang baguhan pa lamang sila dahil ngayon ko lang sila nakita dito. ANg dalawang lalaki lang ang may kayakap na babae. Habang ang isang lalaki naman ay naka- dekuwatrong upo lang habang nakatingin sa cellphone nito. Maraming tattoo ang kanyang braso. Hindi ko lang makita kung ano ang mga iyon. Halos sumakop na iyon sa kanyang dalawang kamay. Umungat ito ng tingin sa akin nang pumasok na ako sa loob. Para akong nanghina sa titig na binigay niya sa akin. Halos mabitawan ko na nga ang inumin na hawak ko. "H- here is your order, sir." pinigilan ko ang aking sarili na 'wag manginig haang nilalapag ko iyon sa lamesa nila. Aalis na sana ako nang tinawag ako nung lalaking maraming tattoo sa kanyang braso.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.3K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.4K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook