CHAPTER 2
"Bakit po, sir?" tanong ko sa kanila at muli akong humarap.
Parang hindi ko kayang titigan ang kanyang mga mata. Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa. Parang nahiya naman ako sa klase ng tingin na binigay niya sa akin.
Nakasuot ako ng itim na slacks at itim na damit na uniform namin. Habang may suot din akong apron. Hindi naman maipagkakailang may maipagmamalaki naman ang dibdib ko.
"What's your name?" tanong nito sa akin. Tumagay siya ng isang basong alak at bumalik na rin sa pagkakasandal niya sa upuan.
Sasabihin ko ba sa kanya ang pangalan ko? Usually kasi ay iniibako ang pangalan ko kapag nagtatanong sa akin ang customer. Pero ngayon ay parang gusto kong ibigay sa kanya ang aking totoong pangalan.
"Samara po," magalang na sabi ko.
"Excuse me po," yumuko akong muli at tumalikod na sa kanila para umalis. Hindi naman na nila ako pinigilan pa.
Hanggang sa natapos ang aking shift ay hindi na muli ako napasok sa VIP room na kinaroroonan ng lalaki. Pero nakita kong ilang beses yata silang nag- order ng inumin kasi nakita ko ang ibang mga waiter na kasama ko ay ilang beses na pumasok doon.
Natatakot na akong pumasok pa doon muli. Kinakabahan akong makaharap ang lalaking iyon.
Tapos na ang aking shift at kinuha ko na ang aking mga gamit sa locker room namin at nag- abang na kaagad ako ng sasakyan sa labas.
Nakatayo lang ako sa gilid ng daan at panay ang tingin ko sa aking pambisig na relo para tingnan ang oras.
Habang nag- aabang ako ay halos tumalon ang puso ko nang may biglang humawak sa kamay ko. Nagugulat akong lumingon at tiningnan kung sino iyon.
Dahil hindi naman madilim dito sa labas dahil may street lights naman ay nakita ko kaagad kung sino iyon.
Iyon ang lalaking nasa VIP room kanina na maraming tattoo at ito ang nagtanong sa pangalan ko.
Kung kanina ay kalmado pa ang kanyang mga mata, ngayon ay namumungay na ito at halatang may tama na siya ng alak. Nasaan na kaya ang mga kaibigan ng lalaking ito?
"Bakit po?" kahit gwapo 'to ay natatakot pa rin ako sa biglaang paghawak niya sa kamay ko. Kaya naman ay dahan- dahan kong kinuha ang kamay ko sa kanya.
"Are you alone?" ang kanyang boses. His voice is very husky.
Halos malugutan ako ng hininga nang bigla niyang ilapit ang mukha niya sa akin. Ilang pulgada na lang ang layo nun at kaunting galaw lang namin ay maghahalikan na kaming dalawa.
Sa tingin na binibigay niya sa akin ngayon ay parang kinikilala niya pa ako.
"You look familiar. . ." nilayo ko ang aking sarili sa kanya nang mas nilapit niya pa ang kanyang sarili sa akin.
Hindi niya pala ako kilala ngayon? Ang dami sigurong ininom nito kanina.
"Oh. . . Naaalala na kita. You are the hot waitress inside." namula ang buong mukha ko sa kanyang sinabi.
Ngayon lang may pumuri sa akin ng ganoon.
"Sir, lasing na lasing na po kayo. Nasaan po ang mga kaibigan n'yo, sir?'' tumingin ako sa paligid upang hanapin ang mga kasama niya kanina sa loob ng bar.
May mga kasama nga paa ang mga iyon. Baka iniwan na nila ito. Kawawa naman at lasing na lasing na siya.
"Nasaan po ang mga kasama n'yo kanina, sir?" pumipikit- pikit na ang kanyang mga mata at gusto ko man siyang alalayan at hawakan ay natatakot ako at baka magalit siya sa akin. Kahit lasing 'to ay ayaw ko pa rin siyang hawakan na walang permission galing sa kanya.
"They are gone. I don't know wheere they are. Maybe there. . . Or maybe there. . ." nagturo ito ng kung saan- saan. At nung nilingon ko naman ay wala namang tao doon. Halos mapahilamos ko sa aking mga palad. Mukhang dadagdag pa ito sa mga problema ko sa buhay, eh."
"I don't know. . . I want to go home." parang bata itong ngumuso sa akin. 'Wag mong sabihing ako pa ang magpapauwi sa lalaking ito?
Wala bang pwedeng tawagan sa mga kaibigan niya? At bakit naman iniwan nila ang kaibigan nila dito alam nilang lasing ito. Mukhang mayaman pa naman at nakakatakot na iwan mag- isa dito at baka pagnakawan pa.
"Ihatid mo ako sa bahay ko. . ." nanlaki ang aking mga mata sa kanyang sinabi. Magkakaroon pa yata ako ng resposibilidad dito. Paano kung may girlfriend pala siya? O kaya naman ay pamilyadong tao. Ano na lang ang sasabihin sa akin ng mga tao niyan?
Tsaka isa pa, hindi ko siya kilala. Hindi ko alam kung saan ang bahay niya.
Baka masamang tao 'to at baka madamay pa ako sa kanyang gulo.
"Ibibigay ko na lang po kayo sa security guard dito, sir. Baka po kasi kung dito kayo ay baka pagnakawan kayo." ang mahal pa naman yata ng relo niya. Tapos may hikaw pa pala ang gilid ng kanyang labi ngayon ko lang napansin na malapit na siya sa akin.
Kahit labag man sa loob ko ay hinawakan ko ang kanyang braso para hilahin siya papunta sa security guard namin. Doon na muna siya ngayon at pababantayan ko na lang hanggang sa mabalik na siya sa tamang wisyo niya.
Ang tigas ng braso ng lalaking ito. At habag hinihila ko siya ay parang matutumba na siya. Hindi na maayos ang kanyang paglalakad.
Nang nasa tapat na kami ng security guard namin ay pinaupo ko muna ang lasing na lalaking ito sa isang monoblock chair na nakita ko. Nasa parking lot kasi na parti ito kaya naman ay hindi masyadong maraming ginagawa ang guard dito kesa doon sa may main door talaga na nasa entrance.
''Manong guard, pwede po pabantay ng lalaking ito?" kilala naman na ako ng security guard dito dahil medyo matagal na nga ako sa bar na ito.
"Ano ang nangyari d'yan, Samara?" tanong nito sa akin at nilapitan niya ang lalaki.
Nakatingala na ito ngayon at nakapikit na. Parang masisira pa ang sandalan ng monoblock chair sa posisyon niya ngayon.
"Lasing na lasing, manong, eh. Ihatid ko raw siya per hindi ko naman alam kung saan ang bahay niya." nakatingin na kaming dalawa ngayon sa lalaki. Parang nagsasalita pa ito pero hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya.
"Dito na muna siya, Manong. Baka mawawala rin ang kalasingan niya mamaya. Kawawa naman kasi kung iiwan ko siya doon sa madilim, mukhang mayaman at baka pagtripan lang ng mga tambay sa labas kawawa naman."
"Ako na ang bahala sa kanya, Samara. D'yan na lang muna siya, wala naman siyang mahihigaan pa dito. Uuwi ka na ba anak?" manong Randy is a 52 years old man. May dalawang apo siya at iyon ang inaalagaan niya ngayon. Wala na siyang asawa. Ang mga anak niyang tatlo ay hindi na rin niya alam kung nasaan ang mga iyon. Iniwan lang daw sa kanya ang mga anak nito at umalis lang din.
Naawa nga ako minsan dito dahil kahit matanda na ay nagsisikap pa ring makapagtrabaho. Ang hirap na gusto mo siyang tulungan pero hindi mo naman magagawa dahil ikaw mismo ay kapos din.
Wala ka ring ibang magagawa dahil parehas kayong lumalaban sa buhay.
"Uuwi na po ako, manong. Kayo na po ang bahala dito, ah?''
"Oh siya sige, mag- ingat ka, Samara." ngumiti ako sa kanya at kumaway.
Aalis na sana ako nang bigla akong hinila ng lalaki dahil sa harap niya ako dumaan. Hindi ko akalain na hihilahin niya ako dahil akal ko natutulog na siya.
Ang nakakahiya pa ay diretso akong napaupo sa kanyang kandungan.