CHAPTER 3
“Sir!” nagugulat na sigaw ko sa kanya at mabilis akong tumayo mula sa aking pagkakaupo sa kanyang kandungan. At sa sandaling napaupo ako doon ay hindi ko maiwasang maramdaman ang kanyang p*********i. Ang laki!
Namumungay ang mga mata niyang nakatitig sa akin.
“Dito ka muna,” tinuro niya pa ako at sumenyas siyang umupo ulit ako sa kanyang kandungan.
Lasing na lasing na talaga ang lalaking ito.
Tumingin akong muli kay Manong Randy.
"Ikaw na po ang bahala sa kanya, manong, ah? Aalis na po ako," hindi ko na pinansin pa ang lalaki. Wala akong pakialam kung pogi pa siya. Antok na antok ako ngayon at kailangan ko ng matulog.
May dumating na na taxi kaya naman ay sumakay na kaagad ako. Hindi ko na kailangan pang alalahanin pa ang lalakig iyon dahil safe naman siya doon sa puder ni manong Randy. Kung ibang babae sigur ang nakakita sa kanya na may masamang balak sa kanya ay baka kung pinagnakawan na ang lalaking ito.
Nang makarating na ako sa bahay ay naligo at natulog na kaagad ako.
Mga nasa 8 am na ako nagising at ngayon ay naghahanda na ako para sa aking isang trabaho. Si Sienna na ang nagluto ng almusal naming dalawa dahil wala naman siyang trabaho ngayon.
"Kumain ka muna bago ka umalis, Samara." sabi nito sa akin at umupo na para kumain.
Umupo na rin ako para sabayan ko siyang kumain.
"Samara, nakausap ko na pala ang kaibigan ko. Ipapasok ka na raw niya baka sa susunod na araw ka na magsisimula." kumuha ako ng isang hotdog at nilagay ito sa aking pinggan. May kape na rin na nakatimpla doon sa lamesa, dalawa iyon kaya naman ay kinuha ko ang isa.
"Sa last floor ka raw sabi niya. Tsaka dapat daw maayos ang pagkakalinis mo sa floor na iyon dahil iyon daw ang floor ng boss nila. Medyo maarte raw kasi at ayaw niya ng marumi." tumango naman ako sa kanyang sinabi. Sanay naman na akong maglinis. Tsaka hindi rin naman uso sa akin ang mag- inarate pa ng trabaho. Marangal naman ang trabahong papasukan ko.
"Thank you, Samara! Malaking tulong na 'yan sa atin dito. Ang laki ng magiging sweldo ko sa isang buwan." masayang sambit ko sa kanya.
"Kaya nga! Sinabi ko nga doon sa kaibigan ko na wag na 'wag niyang ibibigay sa iba dahil sa 'yo ko ibibigay. Ilang trabaho rin natin iyon." kailangan ko ng mag double kayod ngayon lalo na at malapit ng mag- college ang isang kapatid ko. 'ong sumunod sa akin ay college na next year. Tapos ang sumunod naman sa kanya ay senior high na at nanghihingi na sa akin ng cellphone niya. Sabi ko nga sa kanya ay magtiis na muna silang dalawa sa isang cellphone at bibilhan ko sila ng bago kapag may ipon na ako.
Pagkatapos naming kumain ay umalis na kaagad ako. Nagraraket ako sa isang parlor at isa akong tagagupit ng buhok doon. Natuto akong mag- gupit ng buhok dahil sa mama ko. Tapos ganoon ang ginagawa ko dati sa probinsya namin at ginagawa kong pangbaon ko ang mga bayad nila sa akin.
Maliit lang na parlor iyon at malapit lang din sa amin. Pwede nga ring lakarin papunta doon kaya iyon ang ginawa ko ngayon dahil hindi pa naman ako late. Mas marami kasing customer sa tuwing hapon na.
Nang dumating na ako doon ay walapa masyadong tao. Ang may- ari nito ay isa rin sa kaibigan namin ni Sienna dito sa lugar namin.
Nang matapos na ang trabaho ko doon ayy umuwi na kaagad ako para maghanda na sa susunod na trabaho ko. Pagpasok ko sa bahay ay walang tao doon at nakapatay pa ang ilaw namin.
Hindi pa siguro nakakauwi si Sienna sa kanyang trabaho.
Kumain na kaagad ako at mabilis na umalis para pumunta na ng bar. Pagdating ko doon ay wala pang mga tao. Inaayos pa ng mga kasama ko ang mga upuan na nandoon at hindi pa nagbubukas ang bar. Masyado yata akong maaga ngayon. Nagbihis na muna ako ng uniform namin at tuumulong na ako sa kanila sa paghahanda ng mga gamit.
Nang matapos na kami at bumukas na 'yong bar ay sunod- sunod na dumating kaaad ang mga tao. Hanggang sa halos puno na kaagad 'yong bar.
Wala na akong pahinga at kanina pa ako pabalik- balik para maghatid ng mga order. Mukhang may birthday yata dito ngayon dahil ang daming mga tao. Dati ay nakakaupo pa ako ng mga ilang minuto para magpahinga, pero ngayon hindi ko magawa iyon sa dami ng mga pending orders.
"Samara, bilis! VIP room number three!" mabilis kong kinuha ang order at kaagad na naglakad papunta sa vip room.
Nakilala ko kaagad kung sino ang nandoon. Pero ngayon ay dalawa na lang silang nandito ngayon. Ang kasama niyang lalaki ay nakalagay na nag kamay sa hita ng babaeng katabi nito. Habang siya ay nakikipag- usap lang dito, nadekuwatro ang kanyang mga paa, at nakaakbay ang kanyang braso sa back rest ng upuan. Ang lalaing kasama niya ay sobrang laki ng katawan. Mukhang babad na babad sa gym. At katulad niya ay marami rin itong tattoo sa iba't ibang parti ng katawan nito. Ang leeg nito ay halos matakpan na ng tattoo ang balat. Hindi ako pwedeng makipag- biruan sa lalaking ito. Mukhang ilalagay lang 'yong ulo ko sa braso niya ay mawawasak na kaagad. Nakakatakot ang laki ng kanyang katawan.
Sabay- sabay silang napatingin sa akin nang pumasok na ako. Naaalala pa kaya ako ng lalaking ito? Alam kaya niya kung ano ang pinagagawa niya kagabi sa akin?
"Here's your order, sir and ma'am." nakangiti kong bati sa kanila at dahan- dahan kong nilapag sa center table ang kanilang order na inumin.
"Enjoy po!" tatalikod na sana ako para umalis nang magsalita na naman ang lalaking lasing kagabi.
"Hi, Samara." natatandaan niya ang pangalan ko? So, tanda niya rin ang pagkakaupo ko sa kanyang kandungan kagabi?
"May kailangan po ba kayo, sir?" magalang na tanong ko sa kanya. Sa titig na binibigay niya sa akin ay parang nanghihina ang tuhod ko at gusto na nitong bumigay. Parang biglang gusto ko nalang maupo muna dahil pakiramdam ko any moment babagsak na ako. Bakit ganyan ang mga titig niya sa akin?
"How are you? You look tired. You can sit here with us." narinig ko ang malakas na tawa na pinakawalan ng lalaking kasama niya. Pero binalewala ko iyon at nakatitig lamang ako sa kanyang mukha. Lasing na anamn ba siya ngayon? Mukhang hindi pa naman at mukhang ngayon pa lang naman sila nag- order.
"Or if you want. . . You can sit on my lap again."