CHAPTER 4

1316 Words
CHAPTER 4 Halos manigas ako sa aking kinatatayuan at hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Nakaawang lang ang aking mga labi at hindi ako makapaniwala sa kanyang sinabi. "Relax, man!" natatawang sambit ng lalaking kasama niya at tinapik pa nito ang kanyang balikat. "Excuse me, sir. Tawagin n'yo lang po ako kapag may kailangan po kayo." sabay silang natawa sa aking sinabi. "Where is your manager?" seryosong tanong nito sa akin. I got nervous instantly. ''Bakit po, sir?'' 'wag niya akong mabiro- biro na irereport niya ako sa manager namin. Makakatikim talaga sa akin ang lalaking ito. "Kakausapin ko lang. Maybe you can sit with me here. Magbibigay naman ako ng tip kahit nakaupo lang. Ayaw mo nun? Hindi ka na mappagod, uupo ka na lang dito sa tabi ko. Mag- uusap lang naman tayong dalawa." may ngisi ang kanyang mga labi at nakuha pa nitong kumindat sa akin. "Pasensya na po, sir, ha? Hindi po kasi ako bayarang babae. Waiter po ako dito, sir. Kung gusto n;yo po, maghanap na lang po kayo ng ibang babae na pwede n'yong ilagay d'yan sa tabi mo." nagagalit kong sabi sa kanya. "Oh, palaban siya.'' napapailing pa ang kanyang katabing lalaki pero alam kong inaasar din ako nito. Mga mahahangin! "Name your price," preskong sambit nito sa akin habang nakatitig pa sa aking mga mata. Halos ihambalos na sa kanyang pagmumukha ang tray na hawak ko ngayon dahil sa inis ko sa kanya. Kung hindi lang ito customer dito sa bar namin ay baka kanina ko pa nasuntok ang lalaking ito. "Hindi nga ako bayarang babae!" sigaw ko sa kanya at mabilis akong lumabas sa VIP room nila. Galit na galit ako nang lumabas ako. Mabilis ang aking mga hakbang. Kumuha pa rin ako ng iba pang mga order pero hindi pa rin mawala sa puso ko ang galit ko sa lalaking iyon. Akala ko pa naman ay mabait. Ganoon pala talaga ang mayayaman, 'no? Akala nila ay makukuha nila ang lahat dahil mayaman sila. Akala nila nakukuha nila ang lahat sa pera. Hindi na ako kumuha pa ng order para sa kanila. Umiiwas na ako at ilang beses ko ng narinig ang room nila na nag- oorder ng inumin. Isang oras na lang ay matatapos na ang aking shift. Nasa counter ako at kumukuha ng order at nilalagay ko ito sa aking tray na dala- dala. Lumapit sa akin ang manager namin. Lalaki ito kung manamit, pero babae ang puso nito. Mabait nman ito, pero minsan lang kapag maganda ang ihip ng hangin. Kapag walang masyadong customer ay halos sa amin na na mga empleyado niya binubunton ang kanyang galit. "Samara, dear!" nakangiti nitong sabi sa akin. Inayos ko ang aking buhok na medyo nakatakip na sa aking mukha bago ko siya hinarap. Dala- dala nito palagi ang kanyang pulang pamaypay. Nakasuot ito ng isang hapit na hapit na blue t-shirt. At nakatucked-in ito sa kanyang blue rin na slacks. "Bakit po, madam?'' tanong ko sa kanya. "Punta ka sa VIP number three! Ikaw ang hinahanap nila doon!" nakangiti pa ito sa akin. Akala niya natuwa ako sa kanyang sinabi. ''Ano po ang order nila, madam?'' sinubukan kong pigilan ang aking sariling mainis. Baka bgla akong patalsikin dito. "Wala silang order. Ikaw ang request ng gwapong mayaman! Kaya puntahan mo na doon bilis! Ibigay mo n 'yan sa iba, iba na ang gagawa niyan." tumawag siya ng isang waiter para kunin ang tray ko. "Pero, madam. Waiter lang po ako dito. Hindi naman po siguro pwede 'yang gusto n'yong mangyari.” "'Wag ka ngang magreklamo 'yan! May malaking halaga silang binigay sa akin! Kaya puntahan mo na kaagad!" halos itulak na ako nito palayo sa kanyang harapan. "Madam, hindi po ako pwede. Ayoko po niyan!" pagpupumilit ko sa kanya. "Uupo ka lang naman doon sa kanyang tabi, Samara! Wala ka namang ibang gagawin. Tsaka ang laki ng binayad sa akin. Pang dalawang taon mo na na sweldo iyon, Bilis na! May dagdag ang sweldo mo sa akin sa susunod na buwan." bakit ang laki ng binayad ng lalaking iyon? Ano ba talaga ang gusto niyang gawin sa akin? Bakit ako pa talaga ang napagtripan nila. Kung hindi lang dahil sa pera ay hindi ko gagawin ang utos sa akin ng manager ko. Malaking halaga ang binigay ng lalaking iyon At kung hindi ako susunod ay baka ako ang magbabayad nun dahil nakuha na pala ng manager namin ang pera. Hindi niya man lang muna ako sinabihan. Sana naman ay tinanong niya muna ako bago niya tinanggap ang pera. Nasa labas na ako ngayon ng VIP room at kanina pa ako nakatayo dito. KUng pwede lang hindi pumasok ay kanina pa ako tumakbo. Huminga ako ng malalim bago dahan- dahang naglakad papunta sa loob. Pilit ko na lang sinasabi sa utak ko na para sa pamilya ko ang ginawa ko. Uupo lang naman ako doon, 'di ba? Mag- uusap lang naman kaming dalawa? Wala naman siguro kaming ibang gagawin doon sa loob? Sabi pa kanina ng manager namin na magbihis muna ako o kaya naman ay ayusin ko raw ang sarili ko. Pero hindi ko siya sinunod. Kahit pa amoy araw ako ngayon wala akong pakialam. Mabuti nga kung amoy araw ako para hindi na siya lumapit pa sa akin. Pagpasok ko sa loob ay siya na lang mag- isa doon. May hawak siyang isang basong alak sa kanyang kamay. Kaagad siyang napangisi nang makita na niya ako. Umayos siya ng upo at tinapik kaagad ang kanyang tabi para doon ako paupuin. "Hi, Samara. Akala ko hindi ka na papasok, eh. Kanina ka pa nakatayo doon sa labas, ah?" nanatili akong nakatayo sa kanyang harapan. "Why don't you sit down first? And let's have a drink." iminuwestra niya pa sa akin ang alak na nasa center table. "Ano ang kailangan n'yo sa akin?'' diretsong tanong ko sa kanya. Ngumiti siya na akala mo naman ay may nakakatuwa sa aking sinabi. Pinanatili kong seryoso ang aking mukha. "Gusto ko lang na mag- usap tayong dalawa. Wala naman tayong ibang gagawin. Just relax. Or baka gusto mong may iba tayong gawin? Just tell me what you want." kumuyom ang aking kamao sa kanyang sinabi. Pinipigilan ko na lang ang sarili kong 'wag suntukin ang mahangin na lalaking ito. "Ilang minuto na lang ay tapos na ang shift ko. Ano ang gusto mong pag- usapan nating dalawa?" umupo ako sa malaking couch na nandoon. Malayo sa kanya. Napataas ang kanyang kilay sa aking ginawa. "We can talk properly if you sit here. Beside me, Sienna." napabuntong hininga ako bago lumipat ng upo. Umupo ako nang medyo malapit na sa kanya. Pero naglagay pa rin ako ng distansya. “Ano na ang sasabihin mo?” nakataas ang aking kilay na tanong ko sa kanya. “You are really interesting, Samara. Hindi ka katulad ng ibang babae na halos maghubad na para mapansin ko. Bakit parang wala lang ang presensya ko sa 'yo?" Ano ang gusto ng lalaking ito? Na maglaway ako kapag nakita ko siya? Na sisigaw ko? Na magpapapansin ako sa kanya? Sa dami kong gagawin sa buhay hindi na pumasok sa isipan ko ang maglandi. “Oh, tapos? Ano na ngayon?” pabalang na tanong ko sa kanya. Mas lalo siyang namangha sa aking sagot sa kanyang sinabi. “Damn, girl!” nagulat ako nang gumalaw siya at ngayon ay magkadikit na ang mga hita naming dalawa. Wala ng espasya ang natira. Sobrang lapit ng mukha niya sa akin at halos ramdam ko na ang kanyang hininga. “Ano ang gagawin ko para bumigay ka sa akin?” ang bango ng hininga niya. Magkahalong mint at alcohol iyon. At sobrang bango rin niya. Parang naligo yata siya ng pabango. Sa malapitan ay sobrang kinis ng kanyang mukha. Nakatitig lamang kami sa isa't- isa. Hanggang sa hindi ko namalayan na magkatagpo na ang mga labi naming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD