CHAPTER 5
Nang maglapat ang mga labi naming dalawa ay tinulak ko kaagad siya dahil sa labis na pagkagulat ko. Bakit ba palagi na lang akong napapaupo sa kandungan ng lalaking ito?
"Sir. . .'' first kiss ko iyon. At hindi ko akalain na sa kanya ko iyon mabibigay. Sa lalaking hindi ko pa kilala. Pinangarap ko pa naman na sana ang lalaking makakakuha ng first kiss ko ay siya na rin ang aking last kiss. Ang sarap talagang sapakin ng lalaking ito!
Bakit ninakaw niya ang first kiss ko? Para sa akin ay napakahalaga nun dahil ilang taon ko iyong iningatan. Tapos kukunin niya lang ng ganoon- ganoon lang? Ni hindi ko pa nga alam kung ano ang pangalan ng lalaking ito. Ay, oo nga pala. Kai raw pala ang pangalan niya.
"Your lips taste good," napapaos nitong sabi. Umamba siya ulit na hahalikan ako ngunit hindi ko na siya hinayaan pa. Kaagad na dumapo ang aking palad sa kanyang mukha.
Wala sa sarili siyang napahawak sa kanyang pisngi. Nakaawang ang mga labi nito at hindi makapaniwala sa aking ginawa sa kanya.
"What did you just do?" hawak- hawak pa rin nito ang kanyang pisngi.
"Hindi porke't mayaman kayo at binayaran n'yo na ako ay pwede n'yo na akong gawan ng mga bagay na hindi ko gusto. Kung kumakati 'yang iyo ay ikiskis mo sa pader. 'Wag mo nga akong dinadamay sa mga kamanyakan mo! Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na hindi ako bayarang babae? Waitress po ako dito, sir!" hinihingal na ako pagkatapos kong sabihin iyon sa kanya. Ang kapal ng mukha niya! Sa isang iglap ay nawala ang aking first kiss. Tapos sa kanya pa talaga napunta?
Kahit na ganoon ang sinabi ko sa kanya ay nakuha pa rin nitong ngumisi sa akin. Ang kapal talaga ng pagmumukha! Kahit ubod pa siya ng gwapo ay hindi pa rin siya papasa sa akin dahil sa sama ng ugali niya!
"Interesadong- interesado na talaga ako sa 'yo, Samara. By the way, my name is Kai." nilahad pa nito ang kanyang kamay sa akin. Aba! Pagkatapos ng ginawa niyang iyon ay may gana pa talaga siyang magpakilala sa akin! Nakakapikon na talaga siya!
"Hindi ko tinatanong at wala akong pakialam kung ano pa iyang pangalan mo!" tumayo na ako para sana umali nang hinuli nito ang aking kamay para pigilan ako. Hinila niya ako papunta sa kanya at bumagsak na naman ako sa kanyang kandungan.
Patagilid akong umupo doon. Nakakulong na ang aking bewang sa kanyang mga kamay upang hindi ako makaalis.
"Ano ba?! Pakawalan mo nga ako!" sinubukan kong magpumiglas pero sadyang mas malakas talaga siya sa akin.
"'Wag mo ngang guluhin ang payapa kong buhay! Maghanap ka ng ibang pagtitripan mo doon!" napatigil ako nang maramdaman ko ang kanyang mga labi na hinahalikan ang aking braso. Sinipsip niya iyon at hindi ko alam kung ano ang nangyari sa aking katawan pero bigla na lamang akong nakaramdam ng init doon sa kanyang ginawa.
He kept on sucking my skin.
Nakapikit lang ako upang hindi ako makaungol sa kanyang ginagawa. Pero nang matauhan ako ay mabilis ko siyang tinulak at umahon ako mula sa aking pagkakaupo sa kanyang kandungan.
"You like it?" pang- aasar nito lalo sa akin.
"Bastos ka talaga! Tigilan mo nga ako!" tumalikod na ako sa kanya at mabilis akong naglakad paalis ng VIP room.
Nakasimangot ako nang lumabas ako. Tapos na ang shift ko kaya naman ay dumiretso na ako sa locker room para kunin doon ang aking mga gamit.
Nang makuha ko ang aking mga gamit ay lumabas na kaagad ako para umuwi na. Kailangan kong maligo, ayokong matuyo at manatili sa katawan ko ang laway ng bastos na iyon!
Naghihintay na lang ako ng taxi sa labas nang may pumarada na bugatti na kulay blue sa aking harapan. Bagong- bago pa iyon at nakakalulula ang kinis nun. Ang ganda ng sasakyan na 'to! Siguro mayaman ang may- ari nito?
Huminto iyon sa aking harapan kaya naman ay umatrasako. Bumukas ang pintuan at dahan- dahang niluwa nun ang driver. Nag- init na ulit ang ulo ko nang makita ko kung sino ang may- ari ng sasakyan. Hindi ba talaga ako titigilan ng lalakig ito? May balak ba siyang sirain ang buong araw ko ngayon? Ang sarap niyang sampalin ulit! Ngayon sa kanyang magkabilang pisngi nang matauhan na 'to na hinding- hindi niya ako makukuha. Wala siyang makukuha sa akin!
"Ano na naman ba ng kailangan mo?" galit na sigaw ko sa kanya. Naglakad ito papalapit sa akin. Pero tumigil lang ito sa harapan ng kanyang sasakyan at sumandal siya doon. Pinagkrus niya ang kanyang mga kamay sa kanyang dibdib at nand'yan na naman ang ngisi sa kanyang mga labi. Nakakainis! Nakakabwesit ang pagmumukha niya!
"You want a ride?" tinuro pa nito ang kanyang sasakyan. Kahit maganda pa ang sasakyan niya at matagal ko ng pangarap na sumakay d'yan ay hindi pa rin ako sasakay kung siya ang magiging driver. Mas gugustuhin ko pang maglakad na lang pauwi!
"No, thanks." I rolled my eyes at him. Sakto naman na may tumigil na taxi at may bumaba doon. Pumunta kaagad ako sa taxi at ako na sana ang susunod na sasakay nang umepal na naman ang lalaki.
"Kuya, ako na bahala dito." yumuko siya para kausapin ang driver.
"Hindi! Sasakay ako, kuya! 'Wag n'yo siyang pansinin!" papasok na sana ako sa loob nang hinarang na naamn niya ang kanyang sarili sa akin.
"Kuya, ako na bahala. Ito, oh." may inabot siyang pera doon sa driver kaya naman ay sumaludo pa sa knaya ang driver at mabilis nitong pinaharurot paalis ang kanyang sasakyan. Kaagad na lumipad ang aking kamay sa kanyang dibdib upang hampasin siya. Pero bago ko pa iyon magawa ay hinuli niya ang aking kamay.
"Gago ka talaga!" galit na galit na sigaw ko sa kanya.
"Sumakay ka na sa sasakyan ko, wala ng hihinto dito." nakaka frustrate ang lalaking ito. Pagod na pagod na nga ako tapos dadagdag pa siya sa pagod ko.
"Alam mo? Kung wala kang magawa sa buhay mo ay pwede ba? Pwede ba 'wag mo akong guluhin? Humanap ka na lang ng ibang mapagtitripan mo! Wala ka na ba talagang magawa sa buhay mo?" ang gago ay nakuha pang halikan ang likod ng palad ko at parang wala lang itong narinig mula sa akin.
"Sumakay ka na. Ihahatid na kita. Alam kong pagod ka." ano ba talaga ang plano ng lalaking ito sa buhay niya?
Wala na ba talaga 'tong magawa sa buhay niya?
"Ayoko." pagmamatigas ko sa kanya.
Binawi ko ang aking kamay mula sa kanya.
''Oh, come on. Sumakay ka na," sapilitan niya akong hinila. Binuksan na niya ang pintuan ng kanyang sasakyan. Ang linis ng loob nun.
"Go inside. I won't do anything to you. Ihahatid lang kita, pumasok ka na." hindi pa ako nakaksagot at hinawakan na niya ang aking ulo at sapilitan akong pinasok sa loob ng sasakyan niya.
Busangot ang mukha ko habang nakaupo na ngayon sa loob ng sasakyan niya. Umikot siya at pumunta na sa driver's seat.
Pumasok na rin siya sa loob. Hindi pa rin natanggal ang ngiti sa kanyang mga labi.
"'Wag mo akong ngisihan d'yan! Hindi ako natutuwa sa 'yo." tumingin na ako sa labas at hindi na siya tiningnan pa.
Nagtataka ko siyang tiningnan nang maramdaman ko ang kanyang hininga sa aking mukha. Mabilis kong hinrang ang kamay ko sa aking sarili. Nakakailan na 'to sa akin! Nakuha na niya ang first kiss ko! Hindi pwedeng pai ang pangalawa ay kukunin din niya!
"Lumayo ka nga sa akin!" sigaw ko sa kanya. Iniiwas ko ang aking tingin sa kanya.
"Lalagyan lang kita ng seatbelt. You know, for safety mo." napahawak ako sa aking pisngi nang dumampi doon ang kanyang mga labi.
"You want me to kiss your lips too?''