CHAPTER 6
Tinulak ko ang kanyang dibdib papalayo sa akin.
"Umayos ka nga! Hindi na ako natutuwa sa ginagawa mo, ah?!" ang sakit na ng lalamunan ko at kanina pa ako sigaw nang sigaw sa kanya. Wala na bang may mas maimamalas pa 'tong araw na 'to? Sinasagad na talaga ng lalaking ito ang pasensya ko. Kaunti na lang talaga at saksak na ang abot nito sa akin.
"Calm down. Just relax." tinaas pa nito ang kanyang dalawang kamay na parang sumusuko na siya. Lumayo na siya sa akin at pinaandar na niya kaagad ang kanyang sasakyan.
Sa labas lang ako nakatingin at hindi na talaga ako lumingon sa kanya pagkatapos kong sabihina ang address ko. Kahit gwapo siya ay naiinis akong makita ang pagmumukha niya. Naaalla ko na naman kung paano niya kinuha ang first kiss ko! Para sana iyon sa lalaking mamahalin ko! Gift ko na sana iyon sa kanya. 'Di bale, ang virginity ko na lang ang magiging gift ko sa mapapakasalan ko.
Mabuti na lang at madaling araw na ngayon. Kung hindi ay baka laman na naman ako ng balita dahil sa paghatid sa akin ng sasakyang ito. Parang na out of place ang sasakyan niya sa lugar namin. Magtataka siguro ang mga kapit- bahay kong mga chismosa at chismoso kung sino itong naghatid sa akin. Baka hindi na talaga sila maniwala sa akin na waitress lang ako sa loob ng bar. Pagdududahan na ako ng mga iyon na nagbebenta na ako ng katawan ko.
Huminto na ang kanyang sasakyan sa labas ng apartment namin.
"Thank you!" sigaw ko sa kanya at padabog akong lumabas sa kanyang sasakyan. Padabog ko ring sinara ang pintuan nun. Wala akong pakialam kung mahal itong sasakyan niya!
Naglakad ako nang mabilis papunta sa apartment namin. Mabilis ding lumabas ang lalaki mula sa kanyang sasakyan at humabol ito sa akin. 'Wag mong sabihin na pati sa apartment namin ay papasok na siya? Ang kapal naman yata ng pagmumukha ng lalaking ito.
"Saan ka na naman pupunta?" singhal ko sa kanya.
"Dito lang pala ako," huminto ito at tiningnan ako.
"D'yan ka lang! Hindi ka pwedeng pumasok dito sa loob! Umuwi ka na nga!" iaantok na ako! Gusto ko na ring maligo!
Nang makapasok na ako sa loob ng apartment ko ay kumuha kaagad ako ng tuwalya at pumasok sa banyo. Dahil wala na masyadong dumadaan na mga sasakyan sa lugar namin kapag ganitong oras ay narinig ko kaagad ang kanyang sasakyan na umandar hanggang sa unti- unti na itong nawala sa aking pandinig.
Ilang beses yata akong nag toothbrush at halos sumakit na at nagkasugat- sugat na ang bibig ko sa kakalinis ko. Gusto kong alisin ang laway ng lalaking iyon sa bibig ko! Nakakadiri siya!
Humiga na kaagad ako nang mapatuyo ko na ang aking buhok. Bakit ang bilis lang ng mga mayayaman, 'no? I mean, ang bilis lang nilang makuha ang gusto nila dahil sa pera nila. Kanina, binayaran niya ang manager namin para makausap niya ako. Tapos pati ang taxi driver kanina. Iba talaga ang nagagawa ng pera. Iba lumaban ang mga mayayaman.
At kung gumastos sila ng pera ay parang tumatae yata ng pera ang lalaki iyon. Ang bilis lang niyang maglabas ng pera. Kung ako nga ay ang bagal ko pang mag- desisyon kapag may mga bagay akong gustong bilhin. Pinag- iisipan ko pang mabuti kung worth it nga ba ang pag- gagastusan ko ng pera. Hindi ako basta- bastang naglalabas ng pera sa mga bagay na hindi ko naman kailangan.
Mabilis lamang akong nakatulog. Nagising na lang ako dahil sa music ni Sienna galing sa sa kanyang kwarto. Naka speaker pa siya at sumasabay sa pagkanta. Magaling kumanta si Sienna. Kaya nga nakakailang singing contest 'yan sa isang buwan. Ang laki rin naman kasi ng mga premyo. Baka may sasalihan na nman ito mamaya at mukhang nagpa- practice na siya ngayon.
Mabilis na lumipas ang mga oras. Wala kaming trabaho ngayon sa bar dahil birthday ng manager namin at doon sa bar ang venue. Nakaclose ang buong bar. Pero kailangan pa in naming pumunta doon ngayon.
Dahil wala namang akong trabaho ay kailangan kong mamili ng damit na para sa bar. Naghanap lang ako ng mga damit ko doon na binili ko dati sa ukay- ukay.
May nakita ako na sleeveless dress na hapit na hapit iyon sa katawan ko. Kitang- kita rin ang aking cleavage sa damit na iyon. Pero wala na akong ibang choice dahil ang ibang mga dress ko doon ay para na sa pang- simba ko. Kulay itim itong damit. Nilugay ko lang ang aking buhok at nilagyan ko ng kaunting make- up ang aking mukha. Light make- up lang naman iyon dahil ayaw ko namang magmukhang clown doon.
Sinuot ko rin ang aking heels na two inch lang para magmukha naman akong matangkad.
Tanging maliit na sling bag lang ang aking dala- dala. Nasa loob nun ang aking cellphone at wallet at isang maliit na perfume.
Hahabol na lang daw mamaya si Sienna kung makakahabol siya sa amin.
Nang dumating na ako sa loob ng bar ay sobrang lakas na kaagad ng tunog ng musika. Ang aking mga kasamahan na waitress ay nandoon na rin ang halos lahat. Iba rin ang mga ito, kapag trabaho ay halos malate na. Pero kapag naman sa mga ganito ay sobrang aga nila.
"Hello, Samara!"may mga bitbit na silang tig isang baso ng alak. Umiinom naman ako, pero kaunti lang dahil hind ako sanay sa lasa nun. Binigyan kaagad ako ng isa ng isang baso. Nakangiti ko namang tinanggap iyon.
"Thank you!" pasalamat ko.
"Nasaan si Madam?" tanong ko kay Liam, isang kasamahan ko dito.
"May sinundo pa sa labas yata, mga special guest niya raw ang mga iyon." tumango ako sa kanyang sinabi. Sumimsin ako ng kaunti sa hawak kong alak. Gumuhit kaagad ang tapang nun sa aking lalamunan. Nasira kaagad ako dahil sobrang pait nun! Buti na lang talaga at kumain na ako kanina sa apartment bago ako umalis.
Nasa kalahati ko na ang aking iniinom na alak nang pumasok na si madam sa loob.
"Happy birthday, madam!" sabay- sabay na sigaw namin. Pero nawala ang ngiti sa aking mukha nang bigla kong nakita ang mga taong sumunod sa kanya sa pagpasok niya.
Bakit nandito na naman siya! Kailangan ba talaga makita ko araw- araw ang pamumukha ng lalaki ito? Oo nga at gwapo siya! Pero ang sama naman ng ugali niya!
Umikot ang kanyang mga mata sa mga kasama ko. At huminto iyon nang mapatingin siya sa akin. Mula sa aking mukha ay bumaba ang kanyang tingin sa aking boobs. Kaagad siyang ngumisi doon.
Pasimple kong tinakpan at inangat ng kaunti ang damit ko para hindi na niya iyon makita.
“Thank you! Pasok kayo! Pasok kayo!” sumunod naman sa kanya ang dalawa. Iyon pa rin ang kasama ni Kai nung nasa loob sila ng VIP room. 'Yong malaki ang katawan at maraming tattoo.
“Ito nga pala si Kai at Jemuel. Paupuin n'yo silang dalawa!” nagbigay naman kaagad sila ng espasya para sa dalawa. Malaking sofa kasi itong inuupuan naming lahat. Kahit sobrang siksik ko na sa isang tabi ay doon pa talaga umupo sa tabi ko si Kai.
“You look hot, Samara. Let's find some room?” bulong nito sa aking tainga.