CHAPTER 11 Sa isang iglap ay nasa harapan ko na si Kai at nakaharang ito sa akin. Ang mga bouncer sa bar namin ay mabilis ding umawat. Ang mga kasama nung lalaki ay gusto pa nga sanang lumapit kay Kai para sana bumawi kaya lang ay pinigilan na sila ng mga bouncer. Dahil sa pagsuntok ni Kai ay natumba ang ilang mesa at upuan. Nagkalat din sa sahig ang mga nabasag na bote ng alak. “Bitawan n'yo nga ako!” sigaw ng isang lalaking lasing. Pero hindi nakinig sa kanya ang mga bouncer. Mahigpit pa rin silang hinahawakan nito. Ang sinuntok ni Kai ay iyon ang mas nagagalit. Kahit may tumutulong dugo mula sa kanyang ilong at mga labi ay ang tapang- tapang pa rin nito at kating- kati na gumanti kay Kai. “Bitawan n'yo ako! Susuntukin ko 'yang lalaking 'yan!” sigaw nito at tinuro- turo pa si Kai.

