CHAPTER 13 Tinitigan niya ako sa aking mga mata. Pero wala akong mabasa na emosyon doon, hindi ko iyon mahulaan. “Bakit?” tanong ko sa kanya. Mahigpit ang hawak niya sa aking mga kamay. “Nothing, you can go now.” binitawan na nito ang aking kamay. Nilagay niya ang kanyang dalawang kamay sa manibela at mahigpit ang hawak niya dito. Kaya naman ay tumango na lang ako sa kanya at hindi na nagsalita pa. “Sige, salamat ulit. Ingat ka.” Nang makalabas na ako mabilis na umalis ang kanyang sasakyan. Pumasok na lang ako sa aming apartment. Nakakapanibago pa rin na tahimik si Kai. Naligo lang ako ng mabilis at humiga na sa kama ko. May duty pa ako bukas at kailangan hindi ako late. Mabilis lang akong nakatulog. Umaga pa lang ay ginising na ako ng alarm ko. Pinatay ko na ang aking alarm

