CHAPTER 14 “Bakit?” kinabahang tanong ko sa kanya. He laughed at my reaction. “Relax, Samara. Wala akong gagawin sa 'yong iba. Mamaya siguro, kapag malinis na sa loob.” He winked at me. Bumabalik na naman ang mapang- asar na Kai. "Bastos mo talaga," I said while shaking my head. Binuksan niya ang pintuan at pumasok na kaming dalawa doon sa room. Ang laki rin kasi ng office niya, katulad sa mga napapanood ko sa tv na pwede na gawing bahay ang laki ng office. Nakabukas ang lahat ng kurtina sa bintana niya kaya naman ay kitang- kita ko ang mga nagtataasang buildings sa baba. "Actually wala namang dumi 'to kasi hindi ko naman 'to masyadong ginagamit. Pero pinapalinis ko talaga 'to regularly para in case na emergency at hindi ako makakauwi sa condo ko ay dito na ako." paliwanag nito

