ALEXA YOSHIDA'S POV
"Oh? Hanggang ngayon iniisip mo pa rin kung paano napunta yang cellphone mo dun?" anang Yesha saka naupo, narito kami ngayon sa canteen
"Wit dude. Bat ko pa aabalahing isipin yon? Hmp. Malay ko ba kung doon ko naipatak 'tong cellphone ni akes?" sagot ko saka kumuha ng sandwich sa tray nya.
"Kaloka. Akala ko pa naman yon ang iniisip mo kaya ka tulala." ani pa nito, "Eh anet nga? Bat ka naka-tulala dyan?"
"Iniisip ko kasi kung kelangan ko pa rin na i-text si fafs Kiel." ani ko habang naka-tingin sa kawalan, "Paano'y ang sabi nya nong bago mawala ang cellphone ko ay i-text ko sya pag naka-uwi na ako." seryosong ani ko pa.
"Gagi. Ewan ko sa 'yo." pa-singhal na aniya.
Hindi ko na lamang iyon pinansin pa saka nag-patuloy sa pagkain. Nang biglang may tumigil na babae sa tapat ng mesa namin. 'Eto yong si ate gurl na mataray.'
"Ahm, excuse mei?! But this is my seat kasi eh." mataray na aniya. Hindi ko ito pinansin, gayundin si Yesha.
'Naka-upo na nga kami oh! Paanong magiging kanya to?! Gaga lang teh?'
"Oh my gosh! Are your deaf?! Can't you see I'm nangangalay na here--" hindi ko na sya pina-tapos pang mag-salita sa halip ay itinuro ang ka-tapat na table namin na bakante. 'Tina-tanong nya kung bingi kami tas biglang kent yu si?! Aba magaling O_o'
"But you know, ito ang gusto kong seat. So move--"
"Ingay mo teh." mahinang ani ko habang rektang naka-tingin sa kanya saka kumagat pa sa hawak kong sandwich
"Pardon? I didn't hear you well kasi eh." aniya saka ini-lagay pa ang naka-harang nyang buhok sa likod ng kanyang tenga.
"Eh di ikaw ang bingi teh. Not us." bulong ko ulit.
"She's underestimating you, Liezel." sabat nong alipores nya saka ako siniringan.
"Why don't you teach her a lesson?" ani pa nong isa.
"Why don't you shut up your mouth bitches?" ang dapat ay sa isip ko lamang ay bigla kong nasambit na ikina-laki ng mata nila. "Oops. Sorry not sorry mga teh." naka-ngiti pang ani ko.
"Ex, tara na sa room. Hayaan na natin sila." Maya-maya pa'y ani Sha saka tumayo na
"Oh right! I knew it! You are so much familiar, bitch." Biglang usal nung si Liezel saka ako itinuro
"Aydowntkeyr teh. Let's go s**o na Sha." ani ko saka tumayo na rin
"Well then, we'll see often bitch." ani pa ni Liezel bago kami tuluyang maka-alis ni Sha
Nang maka-alis doon ay kaagad akong hinarap ni Sha, "Ex naman, wag kang makipag-away sa kahit na sino pwede ba?" aniya.
"Sha ano ba. Hindi naman akes ang nauna, si ate gurl ang nauna dude. Sya not me." depensa ko
"Ah basta, umiwas ka sa gulo baka ma-guidance kang wala sa oras." usal nito
"Hi Alexa!" kaagad kong ibinaling ang aking paningin sa di kalayuan at nakita sina Blake Mitzuki,Enzo Yamazaki at Kiel Akashi.
'Hehehe trip ko talaga ang buo nilang pangalan bat ba? ∩__∩'
"Hello Enzo Yamazaki!" bati ko pabalik sa kanya, "Yesha batiin mo sya este sila." baling ko kay Sha.
"Hello sa inyo." ani Sha, kumaway pa ito sa kanila
"Hi future!" ani Blake habang naka-tingin sakin saka malawak na ngumiti
"May pangalan kaya ako teh." ani ko saka bumaling kay Kiel. "Nahanap ko na sya teh." naka-ngiting ani ko sa kanya.
"Mabuti naman. Take good care of your things now, Alexa." aniya saka ako pinat sa ulo.
"San mo nakita Alexa? Hinanap naman na natin ang buong lugar kagabi ah." takang tanong ni Enzo
"Nakita lang namin dun sa kalapit na basurahan kila Ex." ani Yesha.
Tumango na lamang sila sa isinagot nito.
"Ay oo nga pala, diretso na ko sa gym Ex, Aya." usal ni Sha saka aalis na sana ng mag-salita si Blake
"Samahan ka na ni Yamazaki--ack" kagad syang nasiko ni Enzo sa tinuran "I mean, samahan ka na namin. Dun rin kami pupunta." pag-bawi nito na iki-natawa ko
"Kaloka. Sige na mga teh, alis na din ako." ani ko saka kami kumuway sa isa't-isa.
"Let's go?" naka-ngiting ani Kiel sa akin.
'Nakalimutan kong ka-club ko nga pala si fafs Kiel kaloka.'
"G!" natatawang ani 'ko.
KIEL AKASHI'S POV
"Prepare for a collaboration, painters and photographers. You know the rest of the details. That's all for now, let's meet in three days." ani Ms. Kylie saka umalis na
Nang ibaling ko ang tingin kay Alexa ay naka-busangot ito
"Alexa are you okay?" ani ko rito saka sinipat pa sya ng tingin, paano'y nasa pagitan namin si Takizawa.
"I'll get going. It seems like someone's pissed off in me sitting here." walang anu-anong usal ni Takizawa saka tuluyan ng lumabas.
"Nakaka-stress yong si Steven Takizawa ah! Grabehan! Kambal ba sila ni Ace Takeshi? Parehong nakaka-stress! Ang tataray! Kaloka ah, nai-stress akez." natawa na lamang ako sa lintanya ni Alexa pagka-alis ni Takizawa.
Maging si Sam na syang ka-partner ni Takizawa sa pagpe-paint ay natawa.
"Hehez sorry teh ah. Ganto talaga tong bibig ko eh." Ani Alexa kay Sam
"Ayos lang, Alexa." naka-ngiting ani 'to saka bumaling sa akin, "Ahm, anong oras bukas Kiel?"
"Oh right, I'll just text you Sam. We'll need to confirm pa e." I utter then smiled at her.
"Okay. Una na ko, Alexa. Kiel." aniya, tinanguan na lamang namin ito saka sya tuluyan ng umalis.
"Alexa." baling ko rito, bigla akong kinabahan sa hindi malamang dahilan. "L-let's e-ehem---"
"Anong let's ehem Kiel? Nako ah! Bad yan uemji! Bata pa tayo para mag ehem Kiel Akashi--"
"No I mean, let's go out." Rektang ani 'ko, napa-kamot ako sa batok dahil sa hiya.
'I never thought I'd be this shy asking her out. •//•'
"Ay atat teh? May lakad ka? Hindi ka makapag-intay na lumabas here? Grabehan ah--" mabilis na pag-iling ang nagawa ko ng kanya iyong tinuran.
Paano'y akala ko ay nakuha niya ang ibig kong sabihin. 'Tch hindi pala. π_π'
"That's not it, Alexa." ani ko, namumula sa kahihiyan.
"Hala eh ano palang ibig mong sabihin? Sabi mo let's go out, eh diba ang tagalog non ay lumabas tayo?" paunang aniya "Kung hindi naman yon ang ibig sabihin mo teh, pwede ring, let's go out as in mag date tayo. Kaso malabo namang ayain mo ko--" hindi ko na sya pinatapos pa sa pagsa-salita sa halip ay tumayo at inilahad ang aking kamay sa kanya.
"That's exactly what I mean. Let's date, Alexa." tumingin ako ng diretso sa mga mata nya upang makita nitong sinsero ako.
"H-hala? S-sigurado ka teh? Naloka ako bigla ah? Baka naman joke time to ah? Ilabas mo na ang mga hidden cameras teh grabehan to--" umiling ako at mas inilahad sa kanya ang aking kamay.
"This is not a prank, Alexa. I-I'm serious." napapa-yukong ani ko
"Choosy pa ba ko? Kiel Akashi na ang nag-yaya sakin oh. Hehez sige teh." napa-ngiti ako nang tanggapin nya at hawakan ang naka-lahad kong kamay.
"Let's go." naka-ngiting ani 'ko saka nag-simula ng mag-lakad habang hawak ang kanyang kamay
"Hashtag HHWW." dinig kong aniya habang naka-tingin sa magka-hawak naming kamay.
SOMEONE'S POV
"What the heck is that about? How can Akashi date someone like that stupid irritating girl?" Ace mumbled, I was like following him around ya know?
'Eh kasi naman I really like him, a lot. Tapos he's didn't make pansin my beauty pa. Huhuhu kaya I just keep following him around. Ace Takeshi is so gwapo and cool kaya.'
"Oh great. Why do I care huh?" He said tapos lumakad ng mabilis
'Oh my gosh ah. You don't need to make lakad takbo naman Ace Takeshi ko.'
I make lakad takbo na rin para I can be close to him.
"Your day will really come, stupid girl. Is she even a girl? She seems like a gay. Aish."
'He's talking about that b***h right? I won't let your hands get dirty my Ace Takeshi. I'll do everything for you. Oh my gosh I'm so cheesy talaga.'
Nagpa-linga-linga ako ng hindi ko na nakita pa si Ace ko.
'Huhuhu my Ace where art you na?'
STEVEN TAKIZAWA'S POV
"So you mean, she likes Takeshi?" natatawang tanong ni Mitzuki kay Yamazaki.
Nasa may field kami at nagpa-palipas ng oras.
'It's saturday anyway. -_- And saturday's are the days that we have official club meetings'
"It seems like." Yamazaki sighed.
"It seems like. You didn't ask her fat ass." sabat ko saka sumandal sa puno.
"Do I need to confirm it? Kung puro tungkol kay Takeshi ang mga tina-tanong nya sakin? Tch. She's interested in him, tukmol." ani Yamazaki
"If that's true. Tama ka, interested sya kay Takeshi--" napa-tigil si Mitzuki sa pagsa-salita ng samaan ito ng tingin ni Yamazaki. "What? Think of it Yamazaki. A girl wouldn't ask someone, things about a certain person if she's not interested in that person."
"What are you planning to do then?" ani 'ko, nilingon naman ako ni Yamazaki.
"Nagta-tanong palang naman si Yesha tungkol kay Takeshi, tukmol. She's just starting to like him. Masusulot mo pa yan." naka-ngiting ani Mitzuki saka pinat si Yamazaki sa balikat.
"Takeshi is not someone who'll pay attention sa mga babaeng may gusto sa kanya, tukmol. You have a chance." I utter.
"You think so? What if si Takeshi talaga ang gusto nya?" Yamazaki said unsured.
"Kaya nga susulutin mo diba? You'll change her feelings. Dapat sayo sya magka-gusto." naaasar ng ani Miztuki. Paano'y paulit-ulit tong si Yamazaki.
"Paano kung si Takeshi pa rin--" halos mag-sabay kami ni Mitzuki sa pag-tayo nang ganon pa rin ang namutawi sa bibig ni Yamazaki.
Nag-simula na kong mag-lakad palayo sa kanya, sumabay na rin naman sa akin si Mitzuki.
"Mga tukmooooooool! How dare you leave me alone!" natawa na lamang kami ni Mitzuki rito.
"Can someone really like him huh? He's so childish." bulong ko
"There will be no one--" sa-sangayunan pa lamang ako ni Mitzuki ng akbayan na kami ni Yamazaki.
"Oh? Ano? Anong sinasabi mo dyan tukmol?" ani Yamazaki
"Sabi ko ang cute ng height mo." natatawang ani Mitzuki.
"Gago to ah. Niloloko mo ba ko ha?" with that, Yamazaki head locks Mitzuki.
'Tss. Assholes.'
***