Prologue (Panimula)
2020 All Right Reserved
This is a work of fictions, all names, character, places, bussiness, and incident portrayed are made from author's imagination. In this story is my fictitious and for entertainment purposes only.
...
Her name is Xiannie Nathalia Alcazar.
May simpleng buhay.
: Simple nga ba?
May trabahong kaya syang buhayin yung sapat lang.
: Sapat?
She is just one of an ordinary girl.
: How can you be sure that she is an ordinary girl?
Let's see..
∞|∞
Tahimik lang ang buhay ko. Walang gulo, walang alitan pero hindi natin maiiwasan ang problema sa buhay. Lahat naman ng tao ay may problema hindi ba? Tulad ko.
Nag iisa na lang ako sa buhay I mean wala na akong mga magulang dahil namatay ito at hindi ko alam kung ano ang dahilan.
Sinong bang maniniwala sa kasinungalingan? Siguro ang mga taong hindi kaya harapin ang katotohan, yung nanatili parin mag pretend na tama ang kasinungalingang na pinaniniwalaan.
Sa totoo lang mahirap naman talaga maiwan sa nakaraan habang ang lahat ay abala sa hinaharap. Magisa ka na lang at sarili mo na lang ang pwede mong pagkatiwalaan. At hanggang ngayon mahirap parin kung paano magpanggap.
Magpanggap?
Sa paanong paraan?
Hanggang kailan?
Yan ang hindi ko alam..
...
Isa lang akong simpleng babae, namumuhay kasama ang aking mga kaibigan.
Nang maaksidente ang aking mga magulang ay para na lang akong isang bagay na pinagpapasahan. Itatapon sa iba pag pinakinabangan na.
Paulit ulit lang yan, ganyan ang trato sakin ng mga kamag anak ko. Isang basura, isang walang kwentang tao. Masakit man isipin pero hindi mo maitatangi kasi kung magtatago ka lang sa isang lihim ay lalo ka lang masasaktan. Kahit papaano ay nagpapasalamat ako kasi nagpakatotoo sila. Nalaman ko ang halaga ko sa kanila pero malabong malaman nila kung sino at anong klaseng tao ako na pinalaki ng mga magulang ko.
Pero ito lang ang tandaan nila. Hindi porket nagpapa-api ako, hindi ako kumikilos. Hindi porket anghel ang pinapakita ko bilang ako, hindi na ako demonyo.
Noon pa man ay naimulat na sakin ang magpanggap. Sanay nako kung paano maki pag plastikan sa mga tao at kung paano ko sila paiikutin.
At isa pa. Hindi porket umalis at nagpakalayo ako ay hindi ako babalik. May trabaho lang talaga. Mas importante pa kesa sa makipagplastikan sa mga kamag anak ko.
Kakagaling ko lang kasi sa ibang bansa which is Canda to did important works. Nang matapos ko iyon ay bumalik na ako ng pilipinas but not to my mom and dad house.
Sa isang apartment kung saan kasama ko ang mga kaibigan ko. Kahit sila ay kaya kong paniwalain na simple lang ako, na pareho lang kami ng istado sa buhay.
Hanggang sa may isang insidente na hindi ko inasahan na makita...
Na magbibigay daan sa katotohanang matagal ko ng hinahanap..
___________________________
SHOW WHO YOU ARE
By: @CaRamil01