Abby’s POV Nag-unat ako ng mga braso at binti. I just finished a whole book. Tinanggal ko ang suot kong eyeglasses at kinuha ang phone ko. Kanina pa ‘to, panay ang ilaw, ngunit ‘di ko sinisilip dahil ayokong madisturbo sa pagbabasa. Kapag kasi napuputol ako, hirap na ‘kong balikan ulit ‘yung binabasa ko. Una kong sinilip ang GC naming magkakaibigan. Seener lamang ako sa GC. Nababasa ko lahat ng mga messages nila; alam ko lahat ng ganap at gala nila, ngunit ‘di ako sumasama. Isa-isa kong binasa ang mga messages nila. Nag-backread pa nga ako para makasunod sa pinag-uusapan nila. “Sembreak na!” “Thank you, Lord!” “Saan ulit tayo?” “Korea?” “Japan?” “Dubai?” “Parang gusto kong mag-Korea ngayon,” saad ni Amber. “I agree!” Segunda ni Kiara. “How about the others? Agree kayo sa Ko

