Abby's POV “Tara na, hatid na kiita. Baka ma late ka pa.” “Ayoko! Ano ako, bata?” Reklamo ko nang ipagpilitang ihahatid niya ako sa classroom. “Not a child but a baby,” sumilay ang pilyong ngiti sa mga labi niya. “Baby?” “Baby ko.” “Shut up!” Anas ko. I rolled my eyes in disgust habang siya’y aliw na aliw habang pinagmamasdan ang nagiging reaksyon ko. Inis na tinaasan ko siya ng kilay. “Ang cute mo pag naiinis, Bee ko.” Sobra ‘yung paglukot ng noo ko nang marinig ang huling dalawang salita. “Oh! Help me, God! Naubos mo na ba lahat ng babae dito sa campus? Ako na lang ba ang natitirang hindi mo nauuto? Iba rin trip mo, no?” Inis na saad ko. Saglit siyang napatitig sa ‘kin. “Here you go again. Hindi ka talaga naniniwalang seryoso ako sa’yo?” “Take a look at yourself. Sinong

