Chapter 7

1161 Words

Abby’s POV  Hapon na nang matapos ako sa lahat ng kailangan kong gawin. Tahimik na ang University nang lumabas ako ng building. Iilan lang din naman ang mga estudyanteng pumasok. Wala na akong masyadong nakikitang mga estudyanteng naglalakad at nakatambay. Naglalakad ako sa ground ng school. Pauwi na ‘ko nang makasalubong ko si Caleb. Natigil ako at napatitig sa kanya habang kinakapa ng daliri nito ang sugat sa kanyang labi. Nahinto rin siya sa paglalakad nang makita niya ‘ko. Binaba niya ang kamay at napatingin ako sa sugat niya. Lumapit ako at huminto ilang pulgada mula sa kinatatayuan niya. Nanatiling nakasunod lamang ang tingin niya sa ‘kin. Tinaas ko ang kamay at ingat na hinawakan ang bahaging natamaan. Dama ko ang mariin niyang mga tingin, ngunit pilit ko iyong binabalewala.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD