Abby’y POV Napapikit ako, pilit pinoproseso ang bawat salitang nakasulat sa hawak kong papel. It was his medical report. “ Hindi…” mahinang bulong ko, nanginginig ang boses, ayokong maniwala. "No.." Muli kong tiningnan ang papel, umaasang nagkakamali lang ako na baka hindi iyon para sa kanya pero malinaw ang pangalang nakasulat. Ralph Justine Hernandez Ilang ulit ko pang binasa ang diagnosis ng doctor kay Daddy bago nag-sink in sa 'kin ang katotohanan. My Dad has stage two cancer. Hinndi ako makaniwala. Para akong nanghina na 'di ko alam kung anong gagawin ko. Ba't 'di ko agad napansin na seryoso na 'yung sakit niya. Bakit 'di pinaniwalaan ang mga hinala ko. Mag-do-doctor pa naman ako. Napahigpit ang kapit ko sa papel habang bumabalik sa alaala ko mga napapansin kong pagbab

