Abby's POV Bumalik nga si Shine, ngunit tila naging ibang tao siya na kahit ako ay hirap na makalapit sa kanya. She always closed her door to us. Lagi na lang siyang nagkukulong sa kanyang kwarto. Bababa lang siya kapag sabay-sabay kaming kumain. Walang imik. Tahimik. Pagkatapos kumain, magkukulong lang ulit sa kanyang kwarto. Napapansin ko ring mas naging malayo ang loob niya lalo kay Daddy. Minsan sinubukan ko siyang kausapin, but she pretended she was not feeling well. Sa tuwing sinusubukan ko, laging may rason siya para hindi kami magkausap. Tahimik niya akong tinataboy palayo sa kanya. Araw at gabi kong nakikita si Sir Gavin sa harap ng gate ng subdivision. Umuulan man o uminit, lagi siyang nakaabang. Nagpupursige. Umaasa. Naghahangad na makita muli at makausap ang kapatid ko. N

