Abby’s POV Lulan na ‘ko ng sasakyan pauwi ng bahay. Just as my car was about to enter the subdivision gate, I caught sight of a familiar face—Napatitig ako sa lalaking nakatayo sa malapit sa gilid ng gate ng subdivision. “Sir Gavin…” Wala sa sariling sambit ko. He looks old. Ibang-iba ‘yung itsura niya noong huli ko siyang nakita sa university. Halatang problemado at tila ilang araw na siyang hindi natutulog. Hinarangan ito ng mga guard dahil gusto nitong pumasok sa loob. Kinabahan ako bigla. Baka kasi may nangyari kay Shine. Ang alam ko, nagli-live-in na sila ng kapatid ko, ngunit bakit nandito siya? Nasaan si Shine? I was about to tell Kuya Mond to pull the car into the driveway when a thought suddenly crossed my mind. What if Shine had finally returned home? What if she was a

