Abby’s POV Hindi madali ang bawat araw na lumipas. Habang palapit nang palapit ang pag-abot ko sa pangarap, pahirap nang pahirap ‘yung mga struggles ko araw-araw sa school. Kung hindi lang talaga dahil kay Caleb, baka nag-breakdown na ‘ko. Hindi madali yung kursong kinuha ko. Sobrang hirap, pero gusto ko 'to kasi nakakayanan ko. Napagpapasensyahan ko. Patong-patong na school activities, projects, assignments, walang sapat na tulog kahit gustong-gusto ko humilata buong maghapon, hindi pwede dahil maraming kailangan tapusin, maraming kailangan gagawin ngunit minsan naisip ko, ako nga na naibibigay lahat ng gusto ko, lahat ng luho ko, everything that makes my life comfortable habang nag-aaral paano na lang ‘yung ibang mga estudyanteng na pinagsasabay ang pagtatrabaho at pag-aaral para la

