Kabanata VI

1348 Words
Tulala ako habang hinahatid nila ako pauwi. Hindi ako nagsalita, ni hindi ko sila tiningnan. Naiinis ako, at mas lalo akong naiinis sa presensiya ng lalaking ‘yon. Kahit nakababa na ako ng sasakyan at naglalakad pa-uwi, parang nararamdaman ko pa rin ang mga mata nila sa likod ko. Parang may CCTV ako sa batok, ganon ka-lala! Nagiging paranoid na talaga ako dahil sa kanila. Lalo na sa lalaking ‘yon. His goblins are everywhere! Saan man ako tumingin, may mga tauhan niya. Bakit kailangan pa talaga nila akong ihatid? Ah, oo nga pala, utos ng amo. Napairap ako sa kawalan. Hindi ko naman siya kilala! Pero sabi nga niya, kanya raw ‘yung red sport car. So what? Eh, mayaman naman siya. He could buy ten more. Ang babaw niya para gawin akong katulong dahil lang doon. Ang immature! Parang bata na inagawan ng laruan. And then he said it’s important? Well, I don’t care! Three days? Seriously? May palugit talaga? Well, I should be grateful, sabi nga niya, dahil binigyan niya ako ng palugit. Wow, thank you so much, Mr. Mafia! Yeah, I'm grateful because I have three days to say goodbye to my love ones. Nah! The hell with him?! What if I'll say No? Papatayin niya nga talaga ako. Napahinto ako sa paglalakad at napaawang ang labi ko. Ayoko pang mamatay. I have dreams. Bucket list. Mga pangarap. Gusto kong maging nurse. Gusto kong makapagtrabaho sa ibang bansa. Gusto kong mabuhay nang tahimik—hindi ‘yung maging alalay ng Aroganteng Lalaki! Hindi ko pa siya lubos na kilala, pero base sa obserbasyon ko, he's dangerous. Nakakatakot. A walking red flag. Nagpatuloy ako sa paglalakad pa-kaloob sa maliit naming eskinita. Hindi kasi kasya ang sasakyan doon. At ayun na nga. Sabi ko na eh. Sinalubong ako ng mga tanod at ilang kapitbahay sa tapat ng bahay namin. Umiiyak ang tita ko. Si Noémie din. Told yah! Napabuntong-hininga ako. Inayos ko muna ang gusot kong white uniform at sinuklay ng kamay ang buhaghag kong buhok. Goodness! Lahat ng ito, kasalanan ng lalaking ‘yon! Lumapit ako, at hindi pa man ako nakakalapit, may sumigaw. “Ayan na siya!” Sabay-sabay silang napalingon sa akin. Kita ko pa kung paanong napabuntong-hininga ng mga tanod habang ‘yung ibang babae, inirapan pa ako bago umalis. Great. May chismis na agad. Mabuhay ang barangay trending palagi. "Wait a mi—” bulong ko sa sarili, pinilit pa ring panatilihin ang composure ko habang lumalapit. “Clythie!” sigaw ni Tita, agad akong niyakap ng mahigpit, halos mapatid ako sa lakas ng yakap niya. “Three days kang nawawala! Anong ginawa nila sa'yo? Huh?!” Napakurap ako. Three days na pala ‘yon? Akala ko isang araw pa lang. Wow, time flies when you’re kidnapped. “Okay lang ako, Tita,” mahinang sagot ko habang sinusubukang kumawala sa yakap niya. “Sorry… hindi ako agad nakauwi. May nangyaring—” “May nangyari raw talaga!” sigaw ng isang tanod. "Kwento ni Noémie, may kumidnap sa'yo. Isinasakay ka sa mamahaling kotse! At ngayon biglang uuwi nang parang wala lang?" Here we go. Napapikit ako sa inis. They misunderstood me, again. As always. “Hindi po ako nagtanan, okay? Hindi rin ako binenta. Hindi ako prost-tute,” mariin kong sabi, sabay tingin sa mga chismosa sa gilid na halatang nag-aabang lang ng kabastusan sa kwento. “Di ka nila binenta? Sure ka?” singit ni Noémie, namumugto ang mata sa kakaiyak. “Akala ko tinapon ka na sa ilog, day! Akala ko wala ka na!” Hindi ko na alam kung ano ang uunahin kong ipaliwanag. Kidnap ba muna o ultimatum? Huminga ako nang malalim, pilit inaalis ang panginginig sa dibdib. “Look, I’m thankful na nag-alala kayo. Seryoso. Pero, this is not something I can explain right now.” “’Wag kang mag-English-English d’yan. Nasa Pinas ka,” sabat ng isa pang tanod na may hawak pang kape. “Enough!” singhal ko, mas matigas na ang tono ng boses ko ngayon. “Puwede ba? Pahinga muna ako. Ayusin ko lang ‘yung sarili ko tapos saka na tayo mag-usap. Ako muna at si Tita. She deserves an explanation.” Tahimik. Lahat sila napatingin sa akin, nagulat yata na kaya kong sumigaw. 'Yung mga chismosa? Biglang nagtahimik. Yung iba umalis na rin, siguro nainip, o baka dahil napahiya. Lumapit si Noémie, mas kalmado na ngayon. “Sigurado ka bang okay ka lang?” tanong niya, mahina pero puno ng concern. Tumango ako, kahit sa loob-loob ko ay hindi talaga. “Oo. Pero... may kailangan akong pag-isipan. Kasi…” Napatingin ako sa madilim na langit. Baka sakaling maitago nito ‘yung bigat sa loob ko. “…may taning na ang buhay ko.” “Huh?” napakunot-noo si Noémie, halatang nabigla. Napalingon ako sa kanya, at pinilit ngumiti. “Wala ‘yon. Tara na sa loob,” sabi ko sabay lakad papunta sa gate. Napatingin ako kay Tita na ngayon ay kausap na si Kapitan. May hawak siyang forms at mukhang may ini-interview. Napakurap ako. Damn. Ang dami kong naabala. Napapisil ako sa tulay ng ilong ko, sabay isang malalim na buntong-hininga. Hindi pa nga ako nakapahinga, ang dami nang nangyari. Andami pang tanong. Pati ako, litong-lito na rin. Unti-unti nang nagsi-alisan ang mga tao sa labas. Yung iba, mukhang nabitin sa tsismis pero wala nang lakas ng loob na magtanong pa. Ako naman, kasama si Noémie, tahimik na pumasok sa loob ng bahay. Hindi ko na pinansin ‘yung iba na nagpipilit pa ring sumilip sa bintana habang nagbubulungan. I'm hungry, okay? Gutom ako, pagod ako, at para akong mababaliw. Uunahin ko pa ba sila kung mamamatay na ako sa gutom? Pagpasok namin, agad akong pinaghanda ni Noémie ng pagkain. Paborito ko pa talaga—adobong manok na may patak ng calamansi, kanin na mainit pa, at orange juice sa basong may yelo. Bless her soul. “Kain ka muna. Mamaya ka na magpalit,” sabi niya habang sinasalin ang ulam sa plato. Nakatingin pa rin sa akin, parang bantay. Tumango lang ako bilang tugon habang naghuhugas ng kamay. I'm drained. Mentally, emotionally, physically. Para akong sinagasa ng limang truck. Tahimik akong naupo at nagsimulang kumain. Mabilis, magana—gutom nga kasi. Pero habang kumakain ako, ramdam ko ang matalim na tingin ni Noémie mula sa tapat ng mesa. Parang binabasa niya ang galaw ko, bawat subo, bawat lunok. Ang lalim ng kunot ng noo niya. I’m a hundred percent sure, ang dami niyang tanong. And she’s waiting for the right time to ambush me with them. At ayun na nga. “Clythie, bata ka…” biglang sabi ni Tita, na kakapasok lang sa kusina habang bitbit ang ilang papel. “Ano ba talaga ang nangyari sa’yo? Muntik na kaming tumawag ng military para ipahanap ka. Sino ba ang dumukot sa’yo? Wag kang matakot sabihin sa amin ni Noémie. You’re safe now.” Napatingin ako sa kanya, tahimik. Uminom muna ako ng juice bago nagsalita. “Ayos lang ako, Tita. They just… mistook me for someone else.” Lihim akong napangiwi. Ang sama ng excuse na ‘yon, pero ‘yon lang ang kaya kong ibigay for now. At siyempre, hindi ‘yon nakaligtas sa radar ni Noémie. Napatingin siya sa akin, taas-kilay. Halatang hindi kumbinsido. May halong pag-aalala at duda sa mga mata niya. Pinandilatan ko siya. This girl! Ang lakas ng pakiramdam. Hindi pa ako nagsisimula, alam na niya agad na may tinatago ako. “Totoo ba ‘yang sinabi mo, Clythie?” tanong ni Tita, ngayon ay umupo na rin sa mesa. “Bakit umabot ng tatlong araw? Kung mistaken identity lang, dapat pinakawalan ka na agad. Ano? Anong hindi mo sinasabi sa amin?” Napakagat ako sa labi. Ang hirap. Ang bigat. Parang may bato sa dibdib ko. How can I even begin to tell them na I only have three days to choose between freedom and servitude? That someone powerful wants to own me like a pet… or else ruin everything I’ve worked for? That someone like him… exists—and he’s watching me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD