Pero kahit gano’n ka-intense ang iniwan niyang presensya, I still went to school the next day—positive and smiling. Hindi ako pwedeng magmukmok sa sulok at magpakain sa takot. It’s the first day. I still have two days left before the deadline he gave me. Bawal ang stress, Clythie. Laban lang. Nakangiti akong pumasok sa unang subject ko. Pero pagdating ko sa classroom, agad akong napatigil. May namumuong tensyon. My blockmates were huddled together in one corner, surrounding someone. Halatang may nangyari. Ramdam ang collective rage sa classroom. “Anong nangyari?” tanong ko agad, habang nilalapitan ang grupo. Doon ko nakita si Crisel, umiiyak habang pinipigil ang galit. Namumugto ang mga mata, at nanginginig ang kamay. Lahat ng kasama namin, halatang affected din. “Niloko na naman siy

