One afternoon…
Habang nasa school library si Sera, tahimik siyang nagbabasa ng libro nang biglang may umupo sa tapat niya.
Napatingin siya—at nando’n na naman si Ino.
“Ba’t parang lagi kang nasa paligid ko?” tanong ni Sera, halatang inis.
“Because I like your company.”
Hindi alam ni Sera kung anong sagot ang dapat niyang ibigay. Napabuntong-hininga siya, isinara ang libro, at tumingin kay Ino.
“Ano ba talaga ang gusto mo?” seryosong tanong niya.
Napangiti si Ino, pero may kakaibang ningning sa mga mata nito. “I want to know you more.”
At sa hindi malamang dahilan, hindi nakuhang sumagot ni Sera.
----
Chapter 6: Falling Into the Trap
After a month…
Mula sa pagiging tagapagkulit, naging natural na parte na si Ino ng araw-araw na buhay ni Sera. Hindi niya namalayang nasanay na siya sa presensya nito—sa mga pang-aasar, sa mga biglaang pagsulpot, at sa kakaibang warmth na dala ng presensya ni Ino.
Minsan, hindi niya maiwasang mapangiti sa mga simpleng bagay:
Kapag tahimik na iniiwan ni Ino ang paborito niyang juice sa table niya sa cafeteria.
Kapag sinusundo siya nito sa library kahit hindi siya nag-aayang umuwi nang sabay.
Kapag nahuhuli niya itong nakatitig sa kanya pero agad lumilihis ng tingin.
At doon siya natakot.
Kasi alam niyang hindi niya dapat ito maramdaman.
Pero ang puso niya, may sariling isip.
----
Chapter 7: The Game They Played
Habang patuloy ang pagpapalapit ni Ino kay Sera, hindi alam ng huli na sa likod nito ay isang laro—isang simpleng dare na nagsimula bilang katuwaan ng barkada ni Ino.
Sa isang gabing nagkita-kita ang grupo nila sa bahay ni Gabriel, napangiti si Adrian habang pinapanood ang kaibigan.
"Pre, mukhang hindi mo lang siya nilalaro. Mukhang ikaw na ang nahuhulog," biro nito.
Nagkibit-balikat si Ino. "Wala ‘yon, tol. Alam niyo naman, challenge lang ‘to."
Pero kahit sabihin niya ‘yon, may isang parte sa kanya ang alam na hindi na lang ito basta dare.
At ‘yon ang hindi niya kayang aminin—kahit sa sarili niya.
----
Chapter 8: The Unexpected Turn
Sa paglipas ng mga buwan, hindi lang si Sera ang unti-unting nagkakaroon ng damdamin. Si Ino mismo ay hindi na sigurado kung laro pa nga ba ito o kung totoong nahuhulog na siya.
Pero ayaw niyang tanggapin.
Hindi siya sanay sa ganitong pakiramdam. Sanay siyang siya ang nilalapitan, hindi siya ang nagtatangkang lumapit. Sanay siyang siya ang may kontrol, pero ngayon, pakiramdam niya, si Sera ang humahawak sa mga tali.
At hindi niya alam kung gusto niya bang putulin iyon o hayaan ang sarili niyang mahulog nang tuluyan.
----
Chapter 9: The Unspoken Truth
Sa isang hapon, sa rooftop ng school, tahimik na nakaupo si Sera habang nakatitig sa kalangitan. Dahan-dahang lumapit si Ino at umupo sa tabi niya.
Hindi nagsalita si Sera.
Hinayaan niya lang na andiyan si Ino.
At para kay Ino, iyon ang unang beses na naramdaman niyang tanggap siya.
"Wala kang klase?" tanong ni Sera matapos ang ilang minutong katahimikan.
"Wala akong balak pumasok ngayon," sagot ni Ino, nakangiti.
Napailing si Sera. "Wow. Talagang proud ka pa?"
"Ikaw nga ‘tong hindi naiinis na kasama kita ngayon," tugon ni Ino.
Napahinto si Sera. Totoo nga.
Noon, kapag kasama niya si Ino, ang tanging gusto niyang gawin ay layuan ito. Pero ngayon… parang naging normal na lang.
At hindi niya alam kung dapat ba siyang matakot o hayaan na lang ang sarili niyang mahulog.
----
Chapter 10: The Breaking Point
Ang buong eskwelahan ay may alam sa laro ni Ino. Maliban kay Sera.
At isang araw, hindi inaasahang sumabog ang katotohanan sa paraang walang sinuman ang handa.
Sa cafeteria, habang kaswal na nag-uusap sina Ino at Sera kasama ang ilan sa kanilang mga kaibigan, biglang naglabas ng phone si Diego at ipinakita ang isang video.
Sa video, maririnig ang boses ni Gabriel, Adrian, at ng iba pang miyembro ng gang habang pinag-uusapan ang dare.
"Si Sera? Pre, challenge lang ‘yan kay Ino. Wala pa ngang isang buwan, bibigay na ‘yon!"
"E paano kung ma-fall?"
"Edi talo! Pero alam niyo namang hindi ‘yon mangyayari."
Nag-freeze si Sera. Ang buong cafeteria ay natahimik.
At si Ino? Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang sarili niya.
Dahan-dahan niyang tinapunan ng tingin si Sera.
Pero ang pinaka-ayaw niyang makita ay nasa mukha nito: sakit.
"Sera—"
Pero hindi na siya pinakinggan ni Sera. Tumayo ito, walang sinabi, at tuluyang lumabas ng cafeteria.
At doon lang napagtanto ni Ino na hindi niya lang ito basta nilalaro.
Dahil habang nakikita niyang lumalayo si Sera, pakiramdam niya, may isang parte ng buhay niya ang tinanggal sa kanya.
At hindi niya alam kung paano niya ito maibabalik