bc

Wild Angel

book_age16+
994
FOLLOW
4.2K
READ
billionaire
self-improved
comedy
sweet
bold
city
office/work place
enimies to lovers
feminism
wild
like
intro-logo
Blurb

Bawat segundo ay mahalaga kay Daniel para sa mga kagaya niyang maraming pangarap sa buhay. Nakatuon lang ang panahon niya sa pagtatrabaho at pag-iipon para maging karapat-dapat sa kanyang babaeng kanyang makakatuluyan. Bahay at opisina lang ang routine niya, kahit siya ay nasa tamang edad na dapat nagliliwaliw din kung minsan ay mas pinipili na lang manatili sa bahay para makatipid. Dahil sa angking kakisigan at itsura, maliligalig ang mundo niya nang magsimula siyang matipuhan ng magiging anghel ng buhay niya. Si Hera Buenaventura.

Umiikot ang mundo ni Hera sa bar hopping at papalit-palit ng lalaki depende sa matipuhan niya. Hindi siya naniniwala sa true love dahil para sa kanya pare-pareho lang ang mga lalaki, pag nakuha ang gusto iiwanan ka na.

Ngunit nang makilala niya si Daniel isang empleyado sa DC Fashion Industry ay nagbago ang pananaw niya sa pag-ibig. Naging desperada siya para mapansin ng masungit at pihikan na lalaki.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
HERA OFFICE works are really annoying. It feels like I am human scanner to read, check and approve tons of papers, everyday. Tinanggap ko ang trabaho dito sa kompanya ng asawa ng kapatid ko dahil aligned naman ang natapos ko sa klase ng business na meron sila pero hindi ko naman akalain na hindi pagdesign at tela ang hahawakan ko kundi napakaraming papel. Inassign ako ng bayaw ko bilang supervisor kahit sinabi ko na sa kaniya na mas gusto kong magdesign at manahi ng damit. Nahihiya daw kasi siya kung mababang posisyon lang ang ibibigay niya sa akin gayong isa ako sa mga shareholder ng kompanya. Dahil ayaw ko namang umasa lang sa pera ng parents ko ay nagtiya-tiyaga ako rito para kumita ng sarili kong pera. I admit that I am brat, but not a spoiled one. I am willing to work for my signature clothes and shoes, including my bar hopping expenses. Kaya kahit ano pang gawin ko ay walang masabi ang parents ko sa akin maliban na lang sa pagpipilit na lumagay na ako sa tahimik dahil daw tumatanda na ako, hindi ata sila na-inform na age is just a number. Bakit pa ako mag-aabalang mag-asawa at ma-stress 'eh malaya akong nagagawa ang gusto ko. Medyo madali naman ang trabaho ko dito dahil sa pagkakaroon ko ng personal secretary. Si Venus. May pagka-bobita minsan pero maaasahan naman. "Venus." "Yes, madam?" "I want an iced coffee," utos ko sa kanya. Pakiramdam ko ay para akong robot na malapit ng mag-over heat dahil sa sobrang pressure at pagod. "Sa Starbucks po ba, madam?" "Of course." Pag-alis ni Venus ay lumipat ako pansamantala sa sofa para makapagrelax. Wala pang ten minutes ang pagpikit ko ay nagambala agad ako ng sunud-sunod na katok sa pinto. "Come in," sigaw ko mula sa pagkakaupo habang nakapikit pa rin dahil tinatamad akong pagbuksan kung sino man yo'ng kumakatok. Halos mawasak ang pinto sa biglang pagbukas dito dahilan para magmulat ako ng mata at tumambad sa akin ang humahangos na si Venus. "Madam!" Pasigaw na tawag niya. "Hindi naman ako bingi kaya hindi mo kailangang sumigaw. 'Di ba inutusan kitang bumili ng iced coffee?" " 'Eh yo'n na nga po, madam. Nakalimutan ko pong itanong kung anong flavor ang gusto mo." "At dahil doon kaya halos wasakin mo na ang pinto at may pakatok-katok ka pa?" I raised my eyebrow while waiting for her answer. "B-baka po kasi magalit ka," kabado niyang sagot sa akin. "For Pete's sake, Venus! You are my secretary. Puwede kang pumasok dito sa opisina ko without knocking at puwede ka na ring lumabas ng walang balikan kung gusto mo," iritableng sermon ko sa kaniya. "I'm sorry, madam. Ano pong flavor ang gusto niyo?" "Capuccino. And one more thing, 'wag mo na balaking kumatok ulit pagbalik mo, baka ito na ang maging last day mo dito sa opisina ko," direktang sabi ko sa kanya, but I didn't mean it. Nairita lang ako sa pakatok-katok niya with hingal effect as if namang walang elevator paakyat dito. PAGLIPAS ng ilang minuto ay nakabalik na si Venus. I am sipping my iced cappucino at napatitig ako kay Venus na feel na feel ang kaniyang frappe na parang may-ari nitong kompanya. "Venus," mahinahong tawag ko sa kaniya pero hindi nagpatinag ang bruha sa prenteng upo niya sa swivel chair niya. Tinawag ko ulit ang pangalan niya at saka pa lamang siya napatingin sa akin na parang nakakita ng multo. "B-bakit po, madam?" "Bakit may frappe ka rin? Ako lang ang nagpabili 'di ba?" "Krimen na po ba ngayon ang pagbili ng maiinom sa Starbucks? May pambili naman po ako 'eh. Saka nagpabili ka po sa akin pero wala ka namang binigay na pambili, ang laki po tuloy ang binayaran ko," she said while pouting. One thing I like about her, she's not afraid to say whatever she wanted to say kahit sa akin pa na boss niya. Natawa na lang ako dahil totoo namang nakalimutan kong bigyan siya ng perang pambili. "Don't worry babayaran ko including your frappe, baka naman pag naghirap ang pamilya mo isisi mo pa sa cappucino ko." Nagliwanag bigla ang mukha niya sa sinabi ko, "Talaga po, madam? Libre na rin itong sa akin?" "You heard me, right?" "Mabait ka rin naman po pala, madam," pangiti-ngiti niyang sabi sa akin. Hindi na rin ako umimik pa. After ng kaunting break ay balik na ulit sa trabaho. "Madam?" Tawag ulit sa akin ni Venus. "Sisingilin mo na ba ako agad? Hindi kita tatakasan." Sagot ko nang hindi tumitingin sa kaniya. "Magpapaalam po sana ako, hindi po ako makakapasok bukas." Napatingin ako sa gawi niya dahil kahit may pagka-pilosopo siya ay concerned din ako sa welfare niya. "Why?" Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa swivel chair niya at lumapit sa harap ng table ko. Hawak-hawak nito ang kanang parte ng tiyan niya. "Gusto ko po sanang magpacheck-up dahil madalas pong sumakit ang appendix ko, baka may appendicitis na po ako," mahinahon at tila nahihiyang pagpapaalam niya sa akin. "Bakit ka nakahawak sa kanang parte ng tiyan mo? Nandiyan ba ang appendix mo?" Bigla siyang naaligaga at lumipat ng hawak sa kaliwang parte ng tiyan niya, "Ay! Sa kaliwa po ba yo'n, madam?" "Hindi, sa kanan talaga. Sinisigurado ko lang na alam mo kung nasaan ang appendix mo," seryosong sabi ko habang pilit na nagpipigil ng tawa dahil sa reaksyon niya. "Pinaglalaruan mo naman ako, madam," pagmamaktol niya sa akin. "Ako pa talaga ang sinisi mo? Hindi ko naman siguro kasalanan na wala kang alam sa anatomy of the human body kaya hindi ka sigurado kung nasaan ang appendix mo." Natahimik na lang siya at kinuha ko naman ang cheke sa drawer ko at nag-abot ng isa sa kaniya. "30,000? Para saan po ito? Pinapaalis mo na po ako? Kung separation pay po ito ay hindi po ganitong halaga ang nakasaad sa kontratang pinirmahan ko," she said while teary-eyed. "What?" "Pagtapos po ng lahat ng sakripisyo na ginawa ko para sayo at sa kompanya ay aalisin mo po ako dahil lang sa nangyari kanina. Paano na lang po ang pamilya kong magugutom pag nawalan ako ng trabaho?" "Stop being dramatic, Venus, that amount is given to you for your check-up. Go set an appointment with the best doctor as possible para ma-check kung nasa tamang posisyon pa ang lahat ng internal organs mo. Baka sa sunod na magpaalam ka sa akin ang idadahilan mo ay baka may brain tumor ka tapos nakahawak ka naman sa talampakan mo." "Sobra ka naman, madam. Alam ko namang ang utak ay nasa ulo." "That's good to hear. At sana mayroon ka pa no'n." "Utak, madam? Siyempre naman po. Paano ako makakapagtrabaho kung wala ako no'n?" "Sometimes, I am also wondering why." "Grabe ka na po! Binigyan mo nga ako ng 30,000 pampacheck-up pero iniinsulto mo naman ako." "So, dapat ko na bang bawiin iyang cheke?" Ngumiti siya ng pagkatamis-tamis, "Hindi ka naman po mabiro, madam. Alam ko naman pong joki-joki lang yo'n. Salamat po dito sa bigay mo. Malaking tulong po ito." "Nah! Don't mention it, take care of yourself, too. Anyway, bago mag-uwian mamaya ay iwan mo sa akin ang schedule ko bukas. Balitaan mo na lang ako kung kumusta na ang mga internal organs mo." "Opo, madam."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Taming The Naughty Billionaire (Filipino)

read
544.5K
bc

The Last Battle

read
4.0K
bc

DEYANIRA (His Secret Agent)

read
44.9K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
45.3K
bc

THE FAT SECRETARY

read
168.0K
bc

Lust In Love (Tagalog) SPG

read
866.2K
bc

Just Another Bitch in Love

read
39.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook