Chapter 2

1177 Words
HERA TODAY is a busy day without Venus. I am not used to work alone, and I admit she's really a good companion. She provides me everything I need to work smoothly. Naka-schedule ako para i-check ang mga bagong design ng designing team na dati ay si Venus ang kukuha para dalhin sa akin. Pagkapasok ko sa kanilang opisina ay medyo maingay dahil sa kanilang tawanan pero nang makita ako ay nagsitahimik sila na parang may surprise visit si Lucifer. "Good morning, everyone. I am here to check the latest designs of your team. May I check it now?" Pambungad ko sa kanila na nakatingin lang sa akin at tikom ang bibig. May isang lumapit at inabot ang isang folder. Kabado at medyo nanginginig na abot sa akin ng folder, "G-good morning po. Ito ang designs ng aming team." "Huwag kang matakot sa akin dahil hindi naman ako nangangain ng tao," puna ko sa babaeng nag-abot ng folder na parang sapilitang pinagdonate ng dugo sa Red Cross sa sobrang putla. "H-hindi naman po ako natatakot, ma'am." "Ibig sabihin ba ay normal lang sayo maging anemic?" "H-hindi lang po talaga ako mahilig maglipstick." Hindi na ako nagtanong pa ulit at nagproceed na lang sa pagcheck ng designs nila. Dito mismo sa opisina nila ako magchicheck para masabi ko na rin sa kanila agad kung man ang naging observation ko. Tanging tunog lang ng mga papel at paghinga nila ang naririnig ko. Hanggang sa halos lahat ng babae ay hindi na mapakali sa kinauupuan nila na may impit na tili. Napatigil ako sa pagtingin sa mga designs at napatingin sa dako kung saan halos nakapako ang kanilang mga mata. A guy in a gray suit holding a small plant entered the office. He flashed a bright smile to everyone and the girls the in the room giggled like teenagers. Hindi ata niya napansin ang presence ko kaya hindi ako binati. His looks seem so soft yet so masculine. This is the first time I can't take off my eyes to a certain guy. I dated a lot of guys with different looks and I prefer a matured type with oozing masculinity. Matured type with manly scent and gestures, yo'ng halatang maraming experience sa paghandle ng babae but I was never hooked with anyone. I go out with them for a date and making out but no strings attached, just purely pleasure. I don't believe in true love at mas lalo naman sa happily ever after na impluwensya ng mga fairytales. I cleared my throat to emphasize my presence. Bumalik sa katahimikan ang mga babae pero ang lalaking kadarating lang ay busy sa mga maliliit niyang halaman. I cleared my throat once more to get his attention. I am starting to get pissed as he continued his garden session inside this office. Hindi ko napigilang mapatitig ng hindi maganda sa lalaking yo'n na parang bingi or should I say manhid. Napansin naman iyon ng isa niyang kasamahan at pasimple siyang siniko para kunin ang atensyon niya. Maya-maya pa ay sumenyas ito sa kinaroroonan ko. Tumingin lang siya sa akin at binalik ulit ang tingin sa mga dala niyang maliit na halaman. Damn it! He got the nerves to ignore me? Doesn't he know about me? Hindi ata niya alam kung sino ako dito sa kompanya. I am not Hera Buenaventura for nothing. Wala pang lalaki ang bumalewala sa akin and men are born to plead for my attention. And this time, ako na ang lumapit sa kaniya habang diretsong nakatingin sa halaman niyang kanina pa iniintindi. Rinig ko rin ang pagsinghap ng mga kasama niya nang makalapit ako sa lalaki na halatang pinagpapantasyahan nila. "I didn't know, soon to be forest na itong office niyo?" Tumingin siya sa akin at ngumiti ng napakaganda pero nakakainsulto. "Ganito na ba kaliliit ang mga halaman sa gubat?" Napakurap ako ng ilang ulit hindi dahil sa kapilosopohang sagot niya kundi dahil sa baritonong boses na nagmula sa kanya, I didn't expect him to have such a baritone voice since he looks so soft like a teenager. Ngunit agad namang napawi ang biglaang paghanga ko nang mag-sink in sa akin ang kapilosopohan niyang sagot sa akin. Ngumiti rin ako ng napakaganda pero mapanuya. "Paggawa ba ng garden ang ipinasok mo rito sa kompanya? Look. Everyone is busy doing their job, pero ikaw? Nakafocus ka lang diyan sa mga dwarf mong halaman. You are wasting company's salary for you." Inalis na niya ang tingin sa mga halaman na nakapatong malapit sa bintana at humarap sa akin. Ang kanina'y maamo at malambot niyang itsura ay napalitan ng kaseryosohan at mataman akong tinitigan sa mata. His eyes is blank as a bond paper and I can't find words to describe what I see in it. Nakipagsabayan lang ako titig sa kaniya. "First of all madam, hindi po nakakaabala sa trabaho ko ang pagdala rito ng mga halaman at isa pa po, hindi dwarf ang tawag dito kundi succulent plants. It looks like you have plenty time nagging about everything, but not enough to know what you're saying." Talagang sinusubukan ako ng lalaking ito ah, ewan ko ba kay Sky kung bakit naghahire ng mga ganitong klase ng empleyado. "But still you came to work late, and instead of catching up to your responsibilities in your workplace mas inuna pa ang pagiging plantito mo. And one more thing, I don't care whether you call it succulent or precious plant, you are here to work for the company." "Talagang kailangan nga po ng halaman dito para makapagbigay ng relaxation, just by talking to you madam I realized the value of these plants. Hindi rin po ako late at hindi naman po sa pagmamayabang ay 7am sharp ay nandito na po ako during working days, kahit i-check mo pa po ang records ko." "You're good at talking back, mister. Do you know who I am?" "Yes, madam. You are the supervisor of the designing team and sorry if you considered it as talking back, I am just defending myself. Next time, I will look after my plants during breaktime," malumanay na sabi niya pero mataman pa ring nakatitig sa mga mata ko, titig na parang matagal na niya akong kilala. Hindi ko alam kung humihingi talaga siya ng dispensa or nagiging sarcastic lang siya. "It's good to know that you admit your mistake and I am also doing my job to remind you how to act accordingly in this company." Pagkasabi ko no'n ay agad akong umalis sa kanilang office. Hindi ko na kayang i-hold ang inis ko kanina pa sa antipatikong lalaki na yo'n. Ang lakas ng loob na sagutin ako na parang close kami. May araw din siya sa akin. I'll make sure he will never forget my name. I went back to my office and grabbed a glass of whisky to ease my anger and comfortably sat in my swivel chair. Halos nawala na rin sa isip ko ang designs na dapat kong i-check dahil sa nangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD